Chapter 17

0 0 0
                                    

"Happy Birthday." Bati ko kay Jeir nang salubungin niya ko sa entrance.

"Leeyah! Akala ko hindi ka na pupunta e, are u alone? Nasan sina Jacella at Calleyla?" Tanong niya sakin.

"No, Im not alone pero hindi ko rin sila kasama. Ito nga pala yung gift ko, hindi rin kasi ako magtatagal dito may pupuntahan din ako. Nandiyan na ba si Tita Beth?" Tanong ko.

"O-oh that." kaya naman napatingin ako sa kaniya. Hindi niya magawang tignan ako sa mata and that's a sign na may ginawa siya o nagsinungaling siya. Alam na alam ko yan dati pa, pero binabalewala ko lang.

"Hindi mo naman siguro ginawang excuse si tita beth para pumunta ako dito ngayon diba?"

"Leeyah im sorry, i just want you to be here in my birthday kaya ko yun nagawa."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko!
So wala talaga dito si tita bet!? Niloko niya lang ako. Niloko nya ulit ako?!

"You're unbelievable Jeir!" Pigil na sigaw ko nandito kami malapit sa entrance kaya naman madaming tao dito.

"I'm so sorry leeyah you leave me no choice!"

"Jeir stop it! Stop this nonsense! May girlfriend kana and wag mo naman sanang gawin kay freya ang ginawa niyo sakin dati! Please lang, magbago kana!" Yun lang ang sinabi ko at tumalikod na para umalis. Binilisan ko talaga ang lakad ko o mas tamang tawagin na lakad-takbo.

"Leeyah wait! I can explain" habol niya sakin. Hinawakan niya ko sa braso dahilan para mapaharap ako sa kaniya. Nandito na kami ngayon sa gate o pinaka entrance ng resort.

"Bitawan moko Jeir. Tama na! Hindi ko alam kung bakit mo pa ito ginagawa pero ngayon palang sinasabi ko na sayo, wala ka ng aasahan sakin na kahit ano! Kung hindi mo ko kayang respetuhin bilang ex-girlfriend mo, respetuhin mo na lang si freya bilang girlfriend mo."

And with that, umalis na ko. Hindi ko na kayang makita pa si Jeir at baka kung ano pa ang masabi ko.

Nagpaloko na naman ulit ako. Hindi nako nadala sayo Jeir! Nagmukha na naman akong tanga!

Nang matanaw ko na ang kotse ni Verome, nakita ko siyang nakasandal sa labas ng kotse niya.

"Ang bilis mo ata" ani niya sakin nang makalapit ako sakaniya.

"Ahh nakita ko kasi agad si tita beth e, tsaka sinabi ko rin na may pupuntahan pa ako. Tara na?"

"Okay"

Pagkasakay namin ng kotse, pinaandar na rin niya ito. Nakita ko pa na nakatayo si Jeir at nakatungo sa kalsada, sa pwesto kung saan ko siya iniwan kanina.

Hindi ko rin alam kung napansin pa ba ni Verome si Jeir.

"Maaga pa, may gusto ka pa bang puntahan?" Tanong niya sakin.

"Wala naman, ikaw ba?"

"Hindi ka ba hahanapin ni tita?"

"Nah, nagpaalam naman ako and itetext ko na lang si Mama."

"Okay, Let's have a date?"

Hindi ko alam kung bakit ang dali lang sabihin sa kaniya ng mga ganito bagay.

"O-okay?" natatawang sagot ko pa sa kaniya.

"So may gusto ka bang puntahan?" Tanong niya sakin.

"Right now? Wala talaga e."

Hindi naman sa nag-iinarte. Wala talaga akong maisip na puntahan ngayon.

"Okay so, bili na lang tayo nang food and sa tree house na lang tayo tumambay?" Suggestion niya.

Stay Single until you're AppreciatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon