"Bangag ka girl?"
Ayan ang bungad sakin ni Jacella ng makapasok ako sa room namin. Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi dahil dyan sa sinabi ni Verome. Kakaisip ko dun hindi ko namalayang 2am na pala, maaga akong gumigising sa umaga dahil 7:30am ang pasok ko pero 6:00am ako gumising kasi mabagal akong kumilos sa umaga.
"Laki ng eyebugs mo sis. Bakit ka ba napuyat ha?"
At nang marinig ko na naman yan, bumalik na naman sa isip ko ang mga sinabi ni Verome.
"Kasalanan lahat to ni Verome e, kung hindi niya sinabi yun hindi ko yun iisipin, hindi ako mapupuyat at hindi ako magiging ganito ka bangag."
"Anong sinabi?" tanong ni Calleyla.
Agad naman akong napatingin sa kaniya. Narinig niya? Sa isip ko lang dapat sinabi yun e napalakas ba?
"H-ha?"
"May binulong ka e, pero hindi ko narinig ng ayos." Sabi naman niya.
"A-ah w-wala yun"
"May tinatago ka ba samin leeyah?" Seryosong tanong sakin ni Calleyla.
Wala naman sigurong masama na sabihin ko sa kanila diba.
Bumuntong hininga muna ako bago nagpasyang ikwento na sa kanila lahat.
"So you mean, payag si Verome na maging boyfriend mo?"
Yan ang tanong ni Jacella matapos kong ikwento lahat lahat sa kanila ang napag-usapan namin ni Jeir at ni Verome.
"I don't know. Hindi ko alam. Naguguluhan din ako, yan din ang iniisip ko kaya napuyat ako kagabi."
"Yiiieee!" Agad namang lumapit sakin ang dalawa at may pagsundot pa sa dalawang tagiliran ko.
"H-hoy ano ba nakikiliti ako" pigil ko naman sa mga pagsundot nila.
"Sis! Kinikilig akooo yaaahh! Ang sweet naman ni Verome!"
"Anong sweet dun jacella? Eh ang gulo nga. Bakit naman niya sasabihin yun?"
"Ewan hindi ko alam basta i find it sweet lang! Tsaka hello! Wag ka ng choosy no. Ang pogi pogi kaya niyang si Verome"
"Pogi nga masungit naman" bulong kopa.
"Wala bang kapatid yan? Pakilala mo naman ako oh" biro niya pa. Nakaisip naman agad ako ng isang ideya.
"Kapatid wala, pero pinsan meron. Diba calleyla?" Baling ko kay calleyla ng may nakakalukong ngiti. Agad namang na-gets ni lleyla ang sinabi ko.
"Oo nga, gusto mo reto ka namin?"
"Charot lang, ito namang mga to hindi mabiro. Study first ako okay." Sabi niya at tumayo na para bumalik sa upuan niya kanina.
Hindi pa rin nawawala samin ni Calleyla ang nakakalukong ngiti na para bang nakaisip kami ng napakagandang ideya. Hindi ko alam kung parehas kami ng naiisip pero sigurado ako iisang tao ang nasa isip naming dalawa ngayon.Kailangan ko na lang makiisip ngayon kung paano ko mapapagkita ang dalawang yun.
••••••"Isa na lang sa wakas!"
Pagkalabas namin sa library, dito kasi nagpirma si Ms. Carms ng clearance.
"Pwede na tayong hindi pumasok bukas pag nakumpleto natin to ngayon, salamat naman makakapanuod na ko ulit ng korean drama." Duktong naman ni Calleyla sa sinabi ni Jacella.
"Uhm gusto niyo tumambay sa bahay?" Agad ko namang yaya sa kanila.
"Bakit?"
"Wala, chill lang. Wala din kasi akong makakasama sa bahay, may pasok din naman sina shamir at kuya. Tapos si Mama, busy sa shop niya"
BINABASA MO ANG
Stay Single until you're Appreciated
Short StoryMasama bang humiling na kahit minsan kahit isang beses, na ibigin ka naman ng tunay at totoo? Mali bang hilingin na maging masaya ka naman sa buhay mo? Mali bang humiling na kahit isang beses sa buhay mo tuparin naman ni bathala ang pinakamimithi mo...