Hinintay ko ngayon si babe dito sa may milktea shop malapit sa bahay namin, pupunta kasi kami sa kanila kasi birthday ng Mommy niya. Sabi niya dito na lang daw niya ko susunduin.
"Leeyah kanina ka pa ba? Sorry traffic e." Bungad agad sakin ni Jeir pagdating dito sa shop. Almost 1hr palang naman ako nag-iintay kaya okay lang.
"Hindi naman babe kakarating ko lang, kakaalis lang din ni kuya 10 mins ago."sagot ko sa kaniya at nginitian siya para makita niyang okay lang talaga.
"Ganun ba? Sige, tara na? Naghihintay na din sina Mama sa bahay."
Kaya naman agad na rin akong tumayo para sumunod sa kaniya.
"Madami ba kayong bisita babe?" Tanong ko agad sa kaniya sa gitna ng byahe.
"Hindi naman ganon kadami, mga relatives lang tsaka mga kapit-bahay ang nandun." Sagot naman niya ng hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
Hindi naman sa kinakabahan ako, pangatlong beses ko pa lang kasing makakapunta sa kanila ngayon at makita ang mama niya. Hindi naman sa mataray si tita, serious type lang siguro siya. Pero sweet naman siya kay Jeir. Tanda ko nung unang kita ko kay tita, seryoso agad ang mga tingin na ibinigay niya sakin pero pag magkakatinginan naman kami ngumiti naman siya ng bahagya. Siguro kinikilatis niya lang ng maige ang mga taong malapit sa anak niya, naiintindihan ko naman siya.
"Tingin mo babe magugustuhan kaya ni tita yung ireregalo ko sa kaniya?" Tanong ko ulit
"Anong bang regalo mo babe?" Tanong niya din.
"Kasi noong ipapakilala moko kay tita, naamoy ko yung perfume niya and magkagaya sila ni Mama kaya ganon din yung binili ko para sakaniya." Sagot ko naman.
"Oo naman hindi naman maarte si mama tsaka mahilig mag-collect si mama ng mga perfume and bags kaya magugustuhan niya yan for sure." Sana nga magustuhan ni tita to.
Nang makarating na kami sa bahay nila madami ng mga nakaparadang kotse sa labas kaya I Assume na madami na ring tao sa loob.
"Let's go" aya sakin ni Jeir pagkapark niya ng sasakyan niya.
Papasok palang kami sa bahay nila madami ng bumabati sa kaniya, kaya naman todo ngiti ako para hindi masabihang mataray. Yan kasi laging sinasabi sakin ng mga kaklase ko pag hindi ako nakangiti e.
"Oh nandyan na pala kayo. Come here!" Agad namang bungad samin ni tita pagkakita niya samin.
"Happy Birthday po Tita!" Bati ko naman at yumakap at nagbeso sakaniya.
"Thank you." Sagot niya sakin at bahagyang ngumiti agad naman siyang bumaling kay jeir.
"Jeir kumain na kayo dun, oo nga pala nandyan si Fera." Sabi ni tita bago umalis sa harap namin para pumunta sa ibang bisita.Si Fera? Yung friend niya? Ah siguro invited lahat ng mga friends ni jeir.
"Babe, saan ko to ilalagay?" Tanong ko sa kaniya at tinutukoy ko yung regalong hindi ko na naiabot kay tita.
"Meron dun sa loob." Sagot naman niya kaya tumango na lang ako.
Nang makapasok kami sa loob agad kong ipinatong sa table na marami ring nakalagay na gifts ang dala ko.
BINABASA MO ANG
Stay Single until you're Appreciated
KurzgeschichtenMasama bang humiling na kahit minsan kahit isang beses, na ibigin ka naman ng tunay at totoo? Mali bang hilingin na maging masaya ka naman sa buhay mo? Mali bang humiling na kahit isang beses sa buhay mo tuparin naman ni bathala ang pinakamimithi mo...