Chapter 7

2 0 0
                                    

It's Saturday today and maaga akong nagising kasi mahaba ang naging tulog ko kagabi, so i decided to take a jogging dito lang sa village namin, 5:20am palang pero medyo maliwanag na. Im just in my workout clothes, balak ko kasing mag work out pagbalik ko. Nagsimula na kong tumakbo kaya nagsimula na rin akong mag play ng songs sa dito earphones ko. Balak kong dun magpahinga sa tree house na nakita ko before, baka sakaling wala pa don yung owner at pwede akong tumambay. Nakakatatlong ikot palang ako sa buong village ng makita ko mula sa malayo ang isang pigura ng lalaki dun sa loob ng tree house, bukas kasi ang pinto at bintana nito. Sayang nandoon pala, kala ko makakatambay ako. Itinuloy ko na lang ang pagjogging ko hanggang sa makatapat ulit ako dun sa tree house sa paapat kong ikot nandon pa din siya pero nakatalikod pa rin kaya hindi ko makilala ang mukha niya. Sana umalis na siya gusto ko talagang mahiga dun sa duyan niya e.

Kaya itinuloy ko na lang ulit ang pagtakbo ko at nagdadasal na sa sunod kong tapat don wala na yung may ari. Nang malapit na akong makalampas sa bahay namin, biglang lumabas si Zamina mula sa gate nila. Hindi siya nakapang work out attire kaya sigurado akong hindi siya magjojogging.

"Hi Zamina. Goodmorning!" Bati ko sa kaniya ng makalapit ako at tinanggal muna saglit ang earphones ko.

"Ay hi ate goodmorning din."

"Aga mong nagising ah may pupuntahan ka?" Tanong ko.

"Ah hindi po, hinahanap ko kasi si Kuya Verome. Lumabas daw kasi sabi ni Mama, eh pinapatawag na kasi kakain na kami. Nakita mo ba siya ate?"

"Ha? Hindi e, kanina pa ako paikot ikot dito diko naman siya nakakasalubong o nakikita."

"Ah ganon ba? Sige ate, baka may binibili lang sa labasan. Puntahan ko na lang, salamat po. Tsaka pasabi na lang din po pag nakita mo siya"

"Okay sige, ingat ka!" Yun na lang ang nasabi ko at agad ibinalik ang earphones ko para magjogging na ulit.

Nagulat ako nung makatapat ako sa tree house ay wala ng tao doon kasi sarado na ulit yung pinto at bintana.

Sa wakas! Makakahiga na ko dun sa duyan. Agad na kong lumapit sa tree house at naupo saglit sa duyan bago mahiga, paalala sakin ni mama wag agad hihiga pag pagod kahit hindi naman ako pagod ngayon.

"Bakit ka nandito?"

Agad naman akong napatingin sa nagsalita mula sa likod ko. Nanggaling yun sa gilid ng tree house malapit dun sa puno.

"H-ha?" Usal ko pagkatayo mula sa duyan.

"Verome?" Bangit ko sa pangalan niya.

"I-ikaw ang may-ari nitong tree house?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako ang unang nagtanong, anong ginagawa mo dito?" Seryoso niyang tanong.

"W-wala naman, t-tumatambay lang" sagot ko.

"Hindi lang ngayon kita nakita dito." saad niya. Hindi yan isang tanong. Wala sa tono niya ang pagtatanong.

"P-pano mo nalaman?" Agad ko namang tanong sa kaniya pabalik. Hindi niya sinagot ang tanong ko imbes nagkibit balikat lang siya at tumalikod na papasok na sana siya ulit sa tree house ng maalala ko ang sinabi ni Zamina kanina.

"O-oo nga pala, hinahanap ka na ni Zamina." Dahil dun hindi na niya natuloy ang pagbubukas sa pinto ng tree house. Sumulyap lang siya ulit sakin saglit at nagsimula ng umalis.

Agad naman akong humabol sa kaniya. Siguro ngayon ko na siya kakausapin kung bakit ganito ang trato niya sakin.

"T-teka nga! Galit ka ba sakin?" Tanong ko ng mahawakan ko siya sa braso. Dahil don napatigil siya sa paglalakad. Hindi siya tumingin sakin, doon siya tumingin sa kamay ko na nakahawak sa braso niya kaya agad ko naman tong tinanggal.

Stay Single until you're AppreciatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon