Chapter 5

2 0 0
                                    

Katatapos lang ng 3rd Subject ngayon at naghihintay na lang maglunch kasi wala yung teacher namin para sa last subject bago maglunch. Nandito kami ngayon sa labas ng room dito sa may bintana malapit sa stairs paakyat sa 3rd floor ng building namin. Kasama ko pa rin si Calleyla and si Jacella na busy sa pagfafacebook.

"Calleyla, close ba kayo ni Zamina?" Out of nowhere kong tanong, naalala ko kasi yung dinner namin sakanila mamaya.

"Huh?" Sagot niya

"Kung close ba kayo kako ni Zamina?" Ulit ko pa

"Hindi masyado, tatlong beses ko pa lang kasi siya nakakasama e. Why?"

"Tonight kasi may dinner kami sa kanila and naisip ko na dalahan siya ng kahit anong snacks"

"Dinner para saan?" Pakikisali ni Jacella sa usapan namin kaya agad kaming napatingin sa kaniya.

"Business partners kasi nina Papa yung company na pinagtatrabahuhan ng Daddy nina Zamina tas nalaman nila nasa iisang village pala kami nakatira kaya ayun nagkaayaan daw" pagkukwento ko naman.

"Ahh, edi makikita mo naman si Verome?" Tanong ni Calleyla na may ngiting aso sa mukha.

"Bakit doon ba siya nakatira?" Tanong ko naman.

"Mmm, parang ang tanda ko sa kwento ni Zamina noon, oo daw kasi nasa Italy ang parents ni Verome." Pagsagot ni Calleyla sa tanong ko.

"Bakit doon siya nakatira? Wala ba daw silang sariling bahay? Wala ba siyang kapatid?" Pangungulit ko pa. Curious ako e bakit ba?

"Ang alam ko only child siya e tsaka hindi ko alan kung bakit doon siya nakatira o may sariling bahay ba siya. Hindi naman ako nagtanong kay Zamina, nabanggit niya lang one time noong makasama ko siya sa bahay ni Kuya Viann."

"Edi matagal mo na palang kilala si Verome?" Tanong naman ni Jacella na nakapagpatingin sakin sa kaniya.

"No! first time ko lang siya makita sa coffee shop. Nabanggit lang naman kasi sakin ni Zamina na bukod daw sa Kuya Zari niya may isa pa siyang Kuya na kasama niya sa house nila." Pagdidepensa naman ni Calleyla. Nakumbinse naman ako sa sagot niya kaya okay na.

"So back to the topic na, ano ngang dadalhin ko sakanila mamaya? Nakakahiya namang pumunta ng walang dala no. Pustahan naman di na yun pag-aabalahan nina kuyang gawin."

"Magdala ka na lang siguro ng cupcakes? Tanda ko kasi nagustuhan nung magkapatid yung binigay ni Ate na cupcakes sakanila noon." Suhestyon naman ni Calleyla.

"Talaga?" Tanong ko naman. "Eh pano naman si Verome?" Singit naman ni Jacella. Agad naman akong napa-isip doon.

"Siguro naman kumakain din siya ng cupcakes? Damihan mona lang siguro" sabat naman ni Calleyla

"Siguro nga sige yun na lang, pero saan naman ako bibili?"

"Samahan ka na lang namin dyan mamaya sa malapit na bake shop. Alam ko may mga tinda diyang cakes and cupcakes e." Tugon naman ni Jacella.

"Thankyou mga bes. Kagabi ko pa talaga yang iniisip e." Sagot ko naman at nginitian na lang ako, pinagpatuloy ni Jacella ang pagfafacebook niya habang si Calleyla naman nagbabasa noong book na lagi niyang dala dala. Bukod sa make ups hilig din niyang mag-collect ng mga books.

"Leeyah pwede na daw tayong mag lunch sabi ni Maam Chi." Pagtawag nong isang kaklase ko. Kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya.

"Ah pwede na daw? Sige thankyou" agad na kaming tumayo at pumasok sa room para kuhanin ang mga gamit namin, dumiretso na rin kami sa cafeteria pagkatapos.

Kakaupo pa lang namin sa table ng biglang may nagsalita sa likod ko. I am familiar with the voice at alam kong babae siya at kilalang kilala ko.

"Oh look who's here guys! The ex-girlfriend of my baby."

Stay Single until you're AppreciatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon