Chapter 12

1 0 0
                                    

~~~~~
"Babe?"

"Babe nasan ka?"

"Jeir?"

Nandito ako ngayon sa bahay nila, nagtext kasi siya sakin na gusto niya daw akong makausap kaya naman kahit busy akong gumawa ng mga activities ko ay pumunta agad ako dito.

Kanina pa akong text ng text sa kaniya na nandito na ko sa labas at kung nasan siya. Ang tanging reply niya lang sakin ay "Second Floor", walang specific na lugar. Kaya naman kahit kinakabahan at natatakot na baka makita ako ng kung sino na nagbubukas ng mga pinto dito sa second floor nila ay sinantabi ko na kasi alam kong wala si tita at tito ngayon dito.

Nabuksan ko na lahat ng bukas na kwarto pero wala siya doon. Alam ko naman kung alin ang kwarto nina Tita dito dahil may nakasulat yun sa pinto na "Master's Bedroom" kaya madali ko yung maiiwasan.

Isang pinto na lang ang hindi ko pa nabubuksan at iyon ay yung study room/library ni Jeir.

Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip akong buksan ang pinto na ito. Parang sinasabi ng utak ko na wag ko ng buksan at umuwi na lang pero iba ang sinasabi ng puso ko parang pinapakita nito na dapat kung buksan ito para malaman kung anong nasa loob at kung ano ba ang sasabihin sakin ni Jeir.

Bumuntong hininga muna ako bago ko dahan dahang binuksan ang pinto. Nagulat ako sa tumambad sakin. Hindi ko alam kung tama ba tong nakikita ko, gusto ko sanang isipin na namamalikmata lang ako at guni guni ko lang itong nakikita ko.

Onti-onti ng bumabagsak ang mga luha ko, onti-onti naring nanglalabo ang mga mata ko.

"B-babe" ang tanging naiusal ko at naging dahilan para mapalingon silang dalawa sa pwesto ko.

"L-leeyah" nang makabitaw si Jeir mula sa pagyayakapan nila.

"A-anong ibig sabihin nito? Bakit kayo m-magkayakap?" Naguguluhang tanong ko.

"L-leeyah let me e-explain. It's not what you think--"

"Anong it's what you think?! Sagutin mo ang tanong ko Jeir! Bakit kayo magkayakap?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

"B-babe I'm s-sorry, please magpapaliwanag ako. Wag kang magalit p-please." Lumapit siya sakin para hawakan ako.

"Wag mo kong h-hawakan Jeir. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko! Bakit kayo magkayakap ni Fera?! Niloloko mo ba ako ha?!"

"No b-babe its not that---"

"Stop it Jeir! Sabihin mo na lang kay Briyah ang totoo, wala na oh nahuli na tayo. Wala ng magagawa yang explain mo!" sigaw ni Fera para maging dahilan para mapatingin kami sa kaniya.

"Shut up Fera! Wag kang makialam dito!"

"A-anong totoo?! Jeir! Anong totoo!?" Agad ko namang baling sakaniya.

Stay Single until you're AppreciatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon