Chapter 18

0 0 0
                                    

1 Week passed and mas lalo lang pinapatunayan ni Verome ang sinabi niyang 'I will court you no matter what happen.' kasi after ilang days noong magsabi siya sakin, ipinaalam na din niya kayna Kuya Lexus at kina Zamina.

Noong una hindi sila makapaniwala at akala nila pina-prank lang daw namin sila, pero naniwala nadin siya makatagal.

Wala namang naging problema kayna kuya and shamir, boto pa nga sila sa kaniya actually.

Tinutukso tukso pa nga nila kami noong una na kesyo daw, nagsimula daw yun noong nagmovie marathon sabi ni Kuya Zari. Sabi naman ni Kuya Lexus noong nag-outing daw kami.

One Message Received.

From: Verome

Good Morning, Papasok na ko. Eat ur breakfast. ❤️

Natawa ako ng mabasa ko yung message niya.

It's Monday na ulit kaya naman may pasok silang mga college students. Kami ay Next week pa ulit ang start ng pasukan.

Every morning hindi siya pumapalyang itext ako bago siya pumasok and every night din bago siya matulog. Minsan nga kahit vacant niya nagtetext siya sakin.

Compose Message

To: Verome

Good morning too. Yes, sir! Take care! ☺️

Minsan tumatawag din siya pagkauwi niya. Minsan nandito siya pag niyayaya sila nila kuyang maglaro.

Minsan ako naman yung nasa kanila, pag naiisipan ni Zamina na tumambay.

Lagi kaming magkatext pag nandito siya sa bahay o kaya naman nasa kanila ako. Kasi nga sina kuya nag-aya sakaniya kaya dun siya dapat sasama and ganun din ako kapag niyaya ako ni Zamina.

Alam na rin nina Cella at Lleyla ang tungkol sa panliligaw ni Verome sakin.

Syempre hindi mawawala ang panunukso nila pero halata mo namang kilig na kilig sila.

"Ate?"

Pumasok si Shamir ng room ko may dalang box of donuts?

"Yes?"

"Pinapabigay ni Kuya Verome, kainin mo daw pagkatapos mo magbreakfast" sabay abot sakin.

Napa-awang ang bibig ko nang abutin ko.

"Penge ako mamaya ah" pahabol niya bago lumabas.

Kaya pala tinatanong niya ko kagabi kong anong flavor daw ang masarap sa donuts.

Agad ko namang kinuha ulit ang phone ko para imessage siya.

Compose Message

To:Verome
Thank you sa donuts! ❤️

Bumaba na rin ako para makapagbreakfast na. Pero iniwan ko muna sa room ko yung donut, baka tanungin ni Mama kung saan galing. Hindi pa nila alam, nag-iipon pa daw siya ng lakas para kausap si Papa at Mama. Hahahahaha.

"Anak kelan nga ulit ang start ng klase niyo?" Tanong sakin ni Mama nang makatapos kaming kumain.

"Next week papo ma, bakit po?

"Ganun ba? Matagal pa pala no, so anong plano mo?" Tanong sakin ni Mama.

Actually wala talaga akong maisip na gawin ngayon.

"Wala nga po e, kayo po ba may gusto po ba kayong ipagawa?"

"Balak ko kasing gawin yung mga napanuod ko sa youtube, yung mga graham cake, leche plan, graham de leche." Simula ni mama habang nag-aayos ng mga pinggan "eh wala naman tayong ingredients dito sa bahay." Dugtong niya pa.

Stay Single until you're AppreciatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon