Chapter 3

2 0 0
                                    

~
On the way ako ngayon sa mall kung saan magkikita kami nang boyfriend ko. It's our 6th Monthsary and I'm so happy because half year na kami and I wish more monthsary pa for us. May gift din ako for him, ito yung matagal na niyang hinihingi sakin na Jordan 34 SE shoes. Sinakto ko na talaga na ngayon ko to ibinigay sa kaniya because it's our half year.

Papasok na ko sa Restaurant na meeting place and there he is nag iintay sakin.

"Hi babe, sorry ha! Natraffic ako e. Kanina ka pa dito?" Tanong ko sa kaniya pagkaupo ko.

"Yeah, almost 30minutes i think." Sagot niya. Sanay naman ako na ganito siya, pag nasa public places kami he's this cold always pero pag kami lang he's sweet naman.

"Sorry. Nakaorder kana ba?" Tanong ko.

"No, I was waiting for you so you can order. Hindi ko naman kasi alam kung anong gusto mong kainin e." Sagot niya. Napangiti na lang ako nang konti with his answer. Agad namang lumapit ang waiter para abutan kami nang menu, after naming makapili umalis na din agad yung waiter.

"I have sometime for you babe." Panimula ko kasi I can't wait para ibigay to sa kaniya.

"Aha? What's is it?" Sagot niya at agad binitawan yung phone niya.

"Here! Happy 6th Month Babe!" Masaya kong sabi sabay abot nang regalo ko. Inaantay ko ang magiging reaksyon pero wala. Akala ko magugulat siya pero parang alam mo yun parang hindi man lang siya masaya.

"Thankyouu Babe, pero kasi meron na kong ganito. Pero okay lang kasi blue naman yun and it's red kaya magagamit ko pa rin" sagot niya sakin at agad na ulit tinago sa paper bag yung box ng shoes na binigay ko.

"Really? Kanino galing babe?" Tanong ko.

"Ha? Uhm kay... uhm kay Mommy. Nabanggit ko kasi sa kaniya na I want that shoes kaya ibinili na niya ko" sagot niya.

"Ah ganun ba? It's okay atleast not the same color diba kaya dalawa na ngayon ang ganyan mong shoes" pilit kong pinapasaya ang boses ko.

"Kaya nga babe, thankyouu and happy monthsary din" sagot niya nginitian ko na lang siya bilang sagot dahil dumating na rin ang mga pagkain na inorder namin.

~
Yan ang naalala ko nang makita ko yung shoes na suot nang classmate ko. It's the same shoes and same color na binigay ko sa ex-boyfriend ko before. Napangiti na lang ako nang mapait with that thought. Akala ko talaga magugulat siya sa bigay ko kasi pinag-ipunan ko pa yun para mabili ko. Pero parang wala lang sa kaniya kasi may nagbigay din pala sa kaniyang iba, nalaman kong hindi Mommy niya ang nagbigay sa kaniya. Yung Girl pala na sabi niya sakin dati huwag kong pagselosan kasi friend lang. Ang bait namang friend nun nagbibigay nang shoes.

"Besh, Ano na di pa ba tayo kakain? Gutom na talaga ako e. Tas mamaya P.E na rin natin ang sunod" bungad sakin ni Jacella pagkarating sa harap ko. Lunch na pala hindi ko na namalayan kung saan saan na kasi napapadpad ang isip ko e.

"Tara na gutom na din ako e" dagdag naman ni lleyla. Yes magkakaklase po kami and this is our last year sa senior high school.

"Oo na tara na" sagot ko na lang at nagpunta na kami sa cafeteria. After naming makabili nang pagkain naghanap na din kami ng table at doon pa sa pinakadulo kami nakahanap, no choice dahil yun na lang ang vacant kaya doon na kami kumain.

"Besh, are you sure okay ka lang na dito tayo maupo? Pwede namang maghintay nalang tayo dun sa mga patapos na---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Lleyla.

"Oo na besh, okay lang tsaka magtatime na rin naman baka mamaya pa tayo makakain pag naghintay pa tayo." Naupo na ako agad para hindi na sila makapalag. Alam ko naman kung bakit sila ganyan kasi ang table na nakuha namin ngayon ay katabi ng table nung ex-boyfriend ko na pinagpalit ako sa "friend" niya. I already moved on kasi naman 6 months na rin ang nagdaan after kung malaman ang panloloko niya sakin. Oo, masakit at mahirap noong una kasi minahal ko talaga siya lahat nang luho niya bigay ko. Lahat nang pinagpapaalam niya saking gala, inuman, roadtrip, hang out with his friends pinapayagan ko kahit na mawalan na siya nang time para sakin hinayaan ko at kahit alam kong kasama niya yung "friend" niya dati na ngayon bagong girlfriend na niya. Pero okay na yun, tanggap ko na at naka move on na ko.

Nagsimula na akong kumain habang sila pinapakiramdaman ako. Matagal ko nang sinabi sa kanila na okay na ako pero alam mo yun they're still worried about me and i find it cute. Ngayon ko napatanuyan na mahal talaga nila ako at nag-aalala sila sakin.

Natapos na din naman kaming kumain kaya bumalik na kami sa room hindi ko alam pero parang binilisan talaga nila kumain kasi saaming tatlo ako ang pinakamabilis kumain. Pero ngayon nauna silang dalawa maybe because gusto na talaga nila akong ialis sa table na yun.

Pagkarating namin sa room tumambay lang kami at naghintay na magtime for P.E kasi yun ang next subject namin and outdoor activities and gagawin namin.

"Jacella, samahan mo naman ako magcr" aya ni lleyla. Nakaupo lang kasi kami dito sa loob nang room, ako eto nagffacebook lang.

"Eto naman hindi pa agad kanina, nadaanan na namin e." Sagot naman ni jacella pero tumayo din naman. Luka din tong isang to.

"Besh, ikaw dito ka na muna o sama ka?" Tanong nila sakin.

"Sige na dito na lang ako, bilisan niyo na lang"

"Okay" umalis na nga din sila at naiwan ako ditong mag-isa. Nagtitingin tingin lang ako sa newsfeed ko nang biglang may magpop na notification.

*Zamina Era Dalva sent you a friend request.

Agad ko naman itong inaccept nagpunta din ako sa timeline niya. Hindi naman ako mags-stalk okay? Titignan ko lang. Madami siyang likers in fairness and magaganda din ang mga naging profile pictures niya.

35 mutual friends

Ang iba dun ay si Calleyla, Ate Laina, Kuya Geo...

Hanggang sa makita ko ang isang account.

Verome Klio Tehonio

So ayun pala ang pangalan niya. Agad ko naman clinick ang profile niya. Wala namang masamang tignan diba titignan ko lang naman.

Nakaprivate ang account, kasi mga past profile pictures, cover photo and mga tagged post lang ni Zamina ang nakikita ko sa timeline niya, madami din siyang likers.

Pero 3 mutuals friends lang ang meron kami si Zamina, Ate Laina and Kuya Geo. Busy ako sa pagtitingin ng mga profile pictures niya and mga photos nang biglang sumulpot sina jacella sa tabi ko.

"Woy sino yan? Stalker ka na bes?" Tanong ni lleyla. Agad konamang naitago ang phone ko hindi ko na na-iback at agad tinago sa bulsa ko.

"H-ha? W-wala yun. Nagfriend request kasi si Zamina inaccept ko lang tas nagtingin tingin nadin ako sa t-timeline niya" sagot ko totoo naman yung sinabi ko ah. Para nga lang akong criminal ngayon na nahuli sa akto kahit wala namang akong ginagawa.

"Okay? Eh bat parang hindi ka mapakali dyan? May nangyare ba? May masakit ba sayo?" Pag-uusisa naman ni jacella.

"H-ha? Ah wala lang to." Tanging nasagot ko na lang. Nagbell na rin naman kaya nag-umpisa na kaming lumabas nang room para pumunta sa field, doon kasi kami nagkaklase pag PE ang subject.
•••••

Nagpapahinga ako ngayon dito sa kwarto ko kakauwi ko lang din at feeling ko ubos na lahat ng lakas ko sa mga ginawa naming outdoor activities kanina. Balak ko sanang maligo kasi nanlalagkit ako sa sarili kong pawis kaya nagpapahinga muna ako. Turo sakin yun ni mama na kung gusto ko daw maligo pero pagod ako dapat magpahinga muna ako and magtanggal nang pawis sa katawan kaya yun ngayon ang ginagawa. After that naligo na din ako, nagbabad ako sa mainit na tubig, wala kaming bathtub kung yun ang iniisip niyo pero may heater naman kami.

Stay Single until you're AppreciatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon