It's 7:30 am when i woke up the next day. It's Sunday today and may balak kaming maghang-out nina Calleyla and Jacella. Our call time is 9:30 pero alam ko namang ugali nilang maging late kesyo tinanghali nang gising, walang masakyan or traffic. So i decided to wake up early and gigisingin ko din sila para naman walang late late no. Una ko talagang tinawagan si Lleyla kasi siya ang pinakamabagal saming tatlo.
[Mmmm, anooo ang aga pa e] bungad niya agad. It toke 5 rings bago niya masagot ah.
"Alam ko na malalate ka na naman kesho tinanghali nang gising or traffic, kaya gigisingin na kita ngayon okay? Kaya bumangon ka na dyan" sagot ko naman.
Matagal siya bago nakasagot, [Leeyah, it's still 7:30 and 9:30 pa yung usapan natin. Why so advance naman like 2 hours? Seriously?! Ang sarap sarap pa nang tulog ko oh, sana naman mga 8 or 8:30 moko tinawagan diba?] Sagot naman niya.
"And alam ko din kung gano ka kakupad gumalaw kaya aabutin ka ng 2 hours sa pag aayos kaya bumangon ka na dyan at maligo kana. Bilisan mo tatawagan ko pa rin si Jacella" sagot ko naman.
[Sana inuna mo na lang siya tawagan, haynakoo sige na nga. Sarap sarap ng tulog nung tao e.]
"Sige na babyee loveyouuu" pang-aasar ko pa bago niya patayin ang tawag ko. Every may gala kami ganiyan talaga ginagawa ko kasi noong unang dalawang beses namin naggala. Like pag hintayin ba naman ako ng 1hr and 30 mins noong una tas ang excuse tinanghali ng gising tas noong padalawa almost 2 hours kasi traffic daw? Kaya pagkatapos nun tinatawagan ko na sila 2 hours before our call time. Pero minsan may pa-late late pa din pero 5mins na ang pinakapatagal, atleast diba? Sunod ko naman tinawagan si Jacella.
Magpapanlimang ring palang sana noong sinagot na niya.
[Okay na leeyah, gising na ko. Kilala na kita at saulo na kita. Eto na babangon na nga ako] sagot niya agad pagkasagot nang tawag. Agad naman akong napatawa dahil doon.
"Hehe sige na naniniguro lang mahirap nang maghintay ulit ng 2 hours diba? babyeee loveyouu" sagot ko naman at natawa siya. Aminado din tong isang to pero hindi katulad ni lleyla mas maaga naman siya dumating kesa doon sa isang yun ng mga 30 mins. lang naman. Pinatay na din niya ang tawag kaya nagsimula na akong mamili ng isusuot ko simpleng high waisted jeans lang ang napili ko at isang pink na statement shirt na ang nakalagay ay "all we need is clear mind and happy heart" at nagflats lang ako for today kasi hang out lang naman ang usapan namin today.
Tamang tama sa pinagdadaanan ko ngayon. Agad na rin akong naligo pagkatapos nun ay nag apply ng light make up. Bago ako bumaba ay nagpicture muna ako panlagay sa story ko. 8:30 am na din ako nakababa and patapos na silang kumain. Sanay na naman sila sakin pag Sunday na lagi akong may lakad. Pagkababang pagkababa naggoodmorning muna ako kay mama at papa bago naupo sa upuan ko.
"Saan ang lakad niyo today Leeyah?" Tanong sakin ni Mama.
"Diyan lang po sa W-mart Ma pero depende papo kung may mag-aya mamaya kayna Lleyla at Jacella."
"Kasama mo si Calleyla?" Tanong ni Kuya Lexus. I knew it alam ko namang may gusto si kuya sa bestfriend ko and I'm not against with that. Kilala ko naman si Kuya and hindi naman siya babaero or what kaya walang problem if ligawan niya si Lleyla basta wag niya lang sasaktan ang bestfriend ko.
"Yes kuya, gusto mo sumama?" Tanong ko sakaniya na may mapang-asar na ngiti.
"What? No! Natanong ko lang naman" at nagtuloy na siya sa pagkain.
"Okay but be home before 6:00pm okay?" Sabat naman ni Papa.
"Yes papa" at nagsimula na akong kumain.
Almost 9am na rin noong makatapos akong magbreakfast. Palabas na sana ako nang bahay kasi nakapagpaalam narin naman ako kay mama at papa.
In 5, 4, 3, 2, and 1.
BINABASA MO ANG
Stay Single until you're Appreciated
Short StoryMasama bang humiling na kahit minsan kahit isang beses, na ibigin ka naman ng tunay at totoo? Mali bang hilingin na maging masaya ka naman sa buhay mo? Mali bang humiling na kahit isang beses sa buhay mo tuparin naman ni bathala ang pinakamimithi mo...