"Ate Leeyah! Hi!" bati niya habang pababa siya mula sa hagdanan nila. Nandito na kami ngayon sa bahay nina Zamina, actually kakapasok lang namin talaga. Kausap ni Papa yung Daddy nina Zamina, si mama ayun nasa tabi ni Papa. Malaki ang bahay nila, sa living room palang makikita mong mas malaki to ng konti kesa sa bahay namin. Black white brown ang theme ng bahay nila. Mula sa gate nilang black, sa wall nilang white at roof na brown, makikita mo na. Habang ang amin naman more on pastel colors and grey.
"I'm so happy ate kasi nandito ka! By the way, is this your brothers ate?" Ani niya pagkalapit samin, katabi ko ngayon si Kuya Lexus and si Shamir.
"Yes, Zamina this is Kuya Lexus the eldest and this is Shamir our youngest brother. Brothers this is Zamina Era." Pagpapakilala ko naman. "Hi Kuya Lexus! Hi Kuya Shamir!" Bati niya sa mga kapatid ko. "Hello Zamina! Nice too meet you." Sagot naman ni kuya. Ang cute talaga ni Zamina, hindi nawawala sa mukha niya yung smile niya na nakakapagpadagdag sa ganda niya.
Hinihintay ko ang pagsagot ni Shamir pero ang tagal na hindi pa rin siya nagsasalita kaya agad ko siyang nilingon, kaya naman pala hindi nasagot natulala na kay Zamina e. Agad ko naman siyang siniko para mapabalik siya sa ulirat niya. "A-ahh! Hi Zamina, Shamir nalang. Mukha namang hindi tayo nagkakalayo ng edad e." Pagsisimula niya."Really? How old are you na po ba?" Tanong ni Zamina"Im 16." "Really? Im 15 turning 16 next next month!" cheerfully Zamina Answered. "I told you di nagkakalayo ang edad natin" sabay ngiti ni shamir. Oh diba? Sabi ko sainyo mukhang makakabuo pa ko ng love team dito. Una sina Kuya ang Calleyla tapos ngayon si Zamina and itong si Shamir na halata mong may gusto na dito kay Zamina.
"Ayy oo nga pala, Zamina this is for you. Cupcakes, hindi ko kasi alam ang gusto mo e." Pagsingit ko sa usapan nila, syempre ang bigat kaya nitong dalawa ko no. One dozen of cupcakes din to. "Wow cupcakes?! That's my favorite ate, thank you! Nag-abala ka pa ate ah." Sagot niya sabay abot dun sa dala ko."Halika upo muna kayo dito sa salas, tatawagin ko lang sina kuya, busy pang maglaro dun sa game room e. Hindi pa rin nila alam na nandito na kayo" agad naman kaming naupo dun sofa na sinasabi niya nagdiretso muna siya sa bar counter na malapit para ipatanong ang cupcakes at umakyat na para tawagin nga yung mga kuya niya. Sina mama naman ayun nagdiretso na sa kusina, hindi ko lang alam kung saan napunta sina papa at daddy nina Zamina.
"Hoy shamir, may gusto ka kay Zamina no?" Rinig ko namang pang-aasar ni kuya kay shamir. Wow ah. Galing mang-asar ni kuya parang siya hindi din ganyan dati. Napangiti nalang ako at napailing sa naisip ko. "Luh? Kuya sinasabi mo? kakikilala pa lang may gusto na agad?" Dipensa naman nitong si Shamir. "Sus, natulala ka nga kay Zamina kanina kaya hindi ka nakasagot agad e. Oh sige itanggi mo." "Kuya hindi ako ikaw okay? Ibahin mo ko sayo, atleast ako hindi ako nauutal pagkausap ko si ate calleyla no" sagot naman ni shamir at tuluyang nakapagpatawa sakin. Agad namang napalingon sakin ang dalawa nong marinig ang pagtawa ko. "H-hoy sinong nauutal na sinasabi mo d-dyan! T-tumigil ka nga sa kagagawa mo ng k-kwento shamir!" Oh diba nabaliktad na agad ang sitwasyon. Ang dalawa tong talaga.
"Oo nalang kuya, kunware hindi totoo. hahahaha" sagot ni Shamir"Hindi naman talaga ah!""I-ikaw leeyah anong tinatawa tawa mo dyan?!" Baling sakin ni kuya"Wala natawa lang, masama ba kuya?" Tanong at hindi pa rin mapigilan ang tawa ko."Sige lang pagtulungan niyo lang akong dalawa" "Kuya OA, wala nga akong sinasabi e." Sabi ko naman. Minsan hindi rin bagay kay kuya e, ang panget magpabebe hahahaha.
Napalingon ako sa may hagdanan ng makita kong pababa na sina Zamina kasama ang isang lalaki at si Verome na parang wala pakialam sa mundo, laging tahimik at walang emosyon ang mukha. Tulad ngayon nakatingin ako sa kanila habang naglalakad sila pababa, hindi man lang nagulat, hindi man lang nagbago ng konti ang expression niya. Nagkatinginan ang mga mata namin ng ituro kami ni Zamina sa kanila bigla namang akong kinabahan sa pagtingin niya na yun pero hindi ko nakitaan ang mata niya ng kahit ano, blangko lang. Lagi ba siyang ganito? O sakin lang?
BINABASA MO ANG
Stay Single until you're Appreciated
Historia CortaMasama bang humiling na kahit minsan kahit isang beses, na ibigin ka naman ng tunay at totoo? Mali bang hilingin na maging masaya ka naman sa buhay mo? Mali bang humiling na kahit isang beses sa buhay mo tuparin naman ni bathala ang pinakamimithi mo...