Dahil maaga pa naman for dinner napagpasyahan kung libutin ang village namin, gamit ko ngayon ang bike ni shamir. Busy naman yun kaka-video games sa kwarto niya kaya di niya malalaman na gamit ko ang bike niya. Habang nagbabike ako sa labas madami pa din akong nakikitang tao yung iba mga bata na kasama yung mga ate nila, yaya or yung iba naman mga mommy ata nila. Sa paglilibot ko nakarating ako din sa medyo dulong part na nang village namin kasi malayo na to sa bahay namin. May nakita akong isang swing hindi siya yung swing na nakikita mo sa mga park para siyang swing na makikita mo sa mga bukid na pahingahan nang mga tao sa ilalim nang mga puno, bumaba ako sa bike at inakay nalang dahil hindi na samento ang madadaanan para makalapit ka dun. Agad kong sinandal yung bike sa puno at umupo ako dun sa swing at pinagmasdanan ang paligid. Maganda pa siyang tignan dahil puro mga halaman pa at puno sa mga tabi kasi kokonting bahay pa ang nakatayo. Pero mula dito tanaw ko yung likod ng bahay nina Zamina kaya hindi ako natatakot. Inilibot ko pa ang tingin ko at napako ang tingin ko sa puno nagulat ako kasi may bahay, Tree house na hindi masyadong malaki pero hindi rin naman maliit. Agad akong tumayo sa swing para lumapit dun sa tree house. Hindi siya gawa sa samento pero gawa siya sa kahoy or plywood? Hindi ko alam kung anong tawag dun, pero ang ganda. Kasi may paint siyang blue and white sa labas at may bintana din katabi ng pinto at may naka-paint sa may pinto na "VT" siguro initials yun nang owner nitong treehouse. Gusto ko sanang pumasok sa loob kaso may padlock ang pinto. Ayoko namang makasuhan ng trespassing no. Kaya naupo na lang ulit ako sa swing, na-amaze ako sa idea niya na pagtatayo nang tree house and swing dito. Para kung gusto mong mapag-isa o gusto mo nang tambayan may place kana. Dala ka lang nang pagkain and drinks pwede kana dito. Sana may ganito din, gusto ko din nang ganito. Sino kayang may-ari nito? Siguro taga-dito din siya. Sana hindi siya magalit kasi nandito ako, mamaya pala may CCTV dito. Agad naman akong napalinga sa naisip ko.
Balak ko sanang mahiga dun sa swing nang biglang tumunog ang phone ko. It's a text from mama asking my whereabouts. Nagulat ako nung makitang past six na pala, kaya siguro hinahanap na ako ni mama. Hindi ko rin napansin na dumidilim na pala kaya napagpasyahan kung umuwi na. Nung malapit na ko sa bahay namin and sa bahay din nina Zamina, nakita ko si Verome na palabas nang gate at papunta sa direksyon ko. Gabi na saan naman kaya siya pupunta? Hindi niya ko pinansin kasi sa phone siya nakatingin hanggang sa malampasan niya ko hindi niya man lang ako nakita. I ignored it at nagdiretso na sa bahay, pagpasok ko si kuya lexus ang unang nakakita sakin kaai galing siyang second floor
"Where have you been?"
"Dito lang sa village, naglibot libot. Why?""Kanina ka pa hinahanap ni mama, gabi na daw nasa labas kapa. Puntahan mo nandun sa kitchen." Sabi niya at nagdiretso sa sofa.
Agad naman akong nagpunta sa kitchen para magpakita kay mama.
"Mama, im home" saad ko naman kasi nakatalikod siya sa entrance nang kitchen kasi naghuhugas ata siya sa sink. Agad naman siyang tumingin sakin nung madanig ako.
"Saan ka ba kasi galing? Alam mo namang maggabi na, baka abutan ka pa ng papa mo na wala dito. "
"Naglibot lang po ako dito sa buong village ma, sakay po ako sa bike ni shamir." Sagot ko naman.
"O siya sige na, malapit na rin maluto to. Pauwi na din ang papa mo maya maya"
"Okay ma, tawagin ko lang si shamir sa room niya." Agad naman akong umakyat sa kwarto ni shamir. Pagkapasok ko as usual, nandun sa harap nang pc niya at naglalaro. Pagkatapos sa phone sa computer naman. Seriously?!
"Hey shamir, dinner time na. Tama na yan, puro ka laro. Sumbong kaya kita kay papa"
"Ate si papa nga ang bumili nito e." Sagot niya at di pa rin inaalis tingin sa screen ng pc niya.
"I know, pero sabihin ko kayang hindi ka na umagwat diyan. Tapos di mo pa nagagawa mga assignment mo tapos ayaw mo pang kuma---"
"Oo na ate, susunod na ko just give me 2 minutes tapos na to"
"Owkaaay" pang aasar kung sagot sa kaniya at dahan dahan nang lumabas ng kwarto niya. Bumaba nalang ako at tumambay sa salas kasama ni kuya. Hindi naman nanunuod to e sa phone din niya nakatingin. Pasimple kung sinilip kung sino bang kausap niya at hindi ako pwedeng magkamali sa icon ng kausap niya. Si Calleyla, kachat niya sa IG si lleyla. Hindi ko na ulit sinilip pa kung anong pinag-uusapan nila hindi naman ako chismosa no, slight lang. Pero atleast limited lang hindi ako lumalampas sa privacy nila. Kinuha ko na lang ang remote para sana ilipat yung channel sa cartoons, nang biglang dumating na si daddy. Agad akong lumapit sa kaniya para batiin siya at kunin ang mga dala niya. Lumapit din si kuya sa kaniya at bumati sabagay bigay ng slippers kay papa.
"Ma! Andito na si papa!" Sigaw ko naman.
"Sakto luto na at nakahayin na ko. Kain na!" Sigaw din pabalik ni mama. Sakto din naman ang pagbaba ni Shamir kaya nagpunta na kaming lahat sa kitchen. Nang makaupo kaming lahat para kumain, si papa ang unang nagsalita.
"Oo nga pala bago ko makalimutan, tomorrow we will be having dinner with the Dalva's, yang bahay diyan sa malapit." Pagsisimula ni Papa.
"Sina Zamina po pa?" Tanong ko kasi sila lang naman ang kilala ko ditong Dalva.
"You know the daughter of the Dalva's?" Pabalik naman na tanong sakin ni papa.
"Ah opo, pinakilala po samin ni Calleyla." Sagot ko naman.
"If that's the case, mas okay na magkaroon tayo ng dinner with them. Sila kasi ang bago naming business partner, company nila ang bago naming investors." Kwento naman ni papa habang nagtutuloy sa pagkain.
"Nakausap ko si Mr. Dalva and nabanggit ko na bagong lipat lang tayo ng bahay at nabanggit ko ang pangalan nitong village, nasabi niya din na dito rin sila nakatira, kaya ininvite nila tayo tommorow night na doon mag-dinner" pagtutuloy ni papa sa kwento niya. Nakikinig lang kaming tatlong magkakapatid habang sila na lang ni mama ang nag-uusap.
Hanggang sa natapos kaming kumain, tungkol pa rin sa magaganap na dinner namin bukas together with the Dalva's ang topic nina Mama. Nagtatanong pa nga kung anong maganda daw naming dalhin bukas. Ako eto, kinakabahan na na-eexcite para bukas hindi ko nga alam kung bakit for sure di naman ako maaakward dun kasi nandun naman si Zamina. Siguro dadalhan ko na lang si Zamina ng snacks.
Umakyat na din ako sa kwarto para mag-ayos na at maghanda na sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
Stay Single until you're Appreciated
Historia CortaMasama bang humiling na kahit minsan kahit isang beses, na ibigin ka naman ng tunay at totoo? Mali bang hilingin na maging masaya ka naman sa buhay mo? Mali bang humiling na kahit isang beses sa buhay mo tuparin naman ni bathala ang pinakamimithi mo...