Chapter 13

0 0 0
                                    

"Ano bang gusto nung pagbibigyan mo?"

Tanong ko kay Verome nandito kami ngayon sa W-mart at kanina pa paikot ikot kasi itong nag-aya sakin hindi pala kung ano ang bibilhin namin. Kanina pa kaming paikot ikot dito, wala pa rin siyang pinapasukang store.

"I really don't know" sagot naman niya at napahawak nalang sa batok niya.

"Okay, so ganito na lang. Sino bang pagbibigyan mo?

Napatingin naman siya sakin dahil sa tanong ko.

"Si Mommy" sagot niya.

"Birthday niya kasi sa Sunday and I want to give her something"

"I thought nasa ibang bansa ang mommy mo?" Tanong ko.

"Yeah, pero still i want to make an effort kahit wala siya dito."

"Aww that's nice! I'm sure magugustuhan yan ng mommy mo."

"Hopefully."

"So ano ngang gusto mong ibigay mo?" Tanong ko.

"Hindi ko alam kaya nga hiningi ko ang tulong mo kasi baka may ideas ka"

"Okay" sagot ko nalang at nag-isip.

"Dahil wala dito ang mommy mo, flowers will be useless. Kaya naman dapat tayong magfocus sa materials things na magaganit niya pag-uwi niya dito." Pagsisimula ko. Tumatango tango naman siya sa mga sinasabi ko.

"Ano bang hilig ng mommy mo? Like bags, perfumes, shoes?"

"Marami siyang bags and shoes pero hindi naman siya nagcocollect nun." Sagot niya sakin. Okay so mukhang magiging mahirap to ah.

"Pero may ibang na gustong gusto niya and nagcocollect siya."

"So what is it?" Tuwang tuwa kong tanong.

"Scarfs and shades! Tanda ko madami siyang scarfs and shades noong nandito pa siya." Sagot naman niya.

"That's it! Yun na lang ang bilhin natin para sakaniya."

Agad na kaming pumasok sa store kung saan alam kong mayroong scarfs. Yung shades mamaya na lang meron naman niyan sa lahat.

"So eto na ba ang napili mo?" Tanong ko.

"Tingin maganda? Magugustuhan kaya to ni Mommy?"

"Ano ka ba oo naman no, lahat naman ng mommy nagugustuhan lahat ng bagay na galing sa anak nila" sagot ko naman. Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko kaya napangiti din ako. Ang gwapo niya lalo pag ngumingiti.

"Sige Miss kunin ko na to tsaka yang kulay black." Sabay abot dun sa white with gold prints na scarfs.

Pagkatapos niyang magbayad at maiabot na sakaniya lumabas na din kami sa store.

"So sa shades naman tayo?" Tanong ko at tumango lang siya. Nagtungo na kami agad dito sa Gucci kasi alam ko meron din silang mga shades.

"Pero teka alam mo ba yung mga style na gusto ng mommy mo?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi e, magtanong na lang siguro tayo." Sagot naman niya.
          
"Leeyah?"

Agad naman kaming napalingon sa tumawag sakin mula sa likod.

"Jeir"

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Ramdam ko naman ang paglapit ni Verome sa gilid ko.

"Sinasamahan ko lang si Mommy mamili, and i saw you outside kanina so i just checked kung ikaw nga. A-anong ginagawa mo dito?"

"Ahh wala sinasamahan ko lang siya mamili."

Stay Single until you're AppreciatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon