Kabanata Dose: Thank you for saving me...

2.5K 89 6
                                    

-Xyliah's POV-

"KASALANAN MO! KASALANAN MO!"

"Hindi ko kasalanan... Sinubukan ko..." Sunod-sunod na pag iling ko habang pumapatak ang luha ko...

"HINDI! KASALANAN MO XYL! KASALANAN MO!"

"HINDI!"

Napa-balikwas ako nang bangon mula sa bangungot na yun...

Nightmares again...

Nang kumalma na ang puso ko ay saka ko lang napansin ang lugar kung nasaan ako... Hospital...

Pano ko nalaman?

Puting pader... Puting kisame... At May kung ano pang nakasabit sa kamay ko...

Tss... Alam na alam ko kung anong lugar toh... Hindi ito ang unang beses na napunta ako sa lugar na ito...

Napatingin ako sa pinto nang May pumasok dun...

CLAW MACHINE BOY?!

WHAT THE HELL?

Anong ginagawa niya rito?

"Gising ka na pala.. " sambit niya nang makita ako...

"Bakit ka nandito?"

"Tss hindi ka man lang ba magpapasalamat?"

Siya yata ang nagdala sa akin dito..

I just rolled my eyes at him...

Wala naman nang nagsalita pagkatapos nun...

At bigla kong naalala kung bakit ako nandito... Sigurado akong May dahilan yung mga tukmol kung bakit hindi sila nakarating...

Kanina kasi ay sarado ang isip ko kaya hindi ko kaagad naisip yun... Tss...

Naging komportable ako sa kanila sa loob nang isang araw...

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi...

"Anong nangyari sayo?" Seryosong tanong ni Claw Machine Boy.

"That's none of your business Claw Machine Boy."
Seryoso rin saad ko

"Well Claw Machine Girl it's my freaking business because I'm part of the government here in this school."

"Like I Care Claw Machine Boy."

I stuck my tongue out...

Sinamaan naman niya ako nang tingin... Hindi naman ako natakot sa tingin na yun...

Bigla na lang siyang lumabas... Pikon!

Napatingin ako sa braso ko... Kitang kita ang mga peklat ko dahil sa suot ko... Tss t-shirt lang kasi ang suot ko ngayon... Mukhang tinanggal nila ang hoodie nung ginamot ako nang nurse...

Buti na lang Naka pants pa rin ako... Mukhang hindi na nila nakita ang mga iba pang peklat ko... Mabuti naman...

Agad kong nakita ang hoodie ko sa couch...

Ayoko ko dito sa Hospital... I hate hospital...

Tumayo agad ako pero...

"ARGH! HELL! THIS IS HELL!" Naramdaman ko kasing kumirot lahat nang sugat ko sa pagtayo ko...

Malapit lang naman yung couch pero feeling ko isang taon bago ko napuntahan..

Letsugas na sugat kasi toh eh!

Nang makuha ko yung hoodie ay dahan dahan ko yung sinuot...

Alangan namang bilisan ko eh di tinorture ko yung sarili ko nun sa sakit?!

Tinanggal ko na rin pala yung mga nakaturok sa akin...

Nang makalabas ako ay agad akong dumiretso sa elevator at pinindot ang ground floor...

Nang makalabas ako nang elevator isang boses nang isang tukmol ang narinig ko..

"ASANG ROOM SI XYLIAH SAND?!" Halos isigaw ni David yan...

Kasama ni David yung tatlo... Lahat sila nag aalala...

Napangiti na lang ako sa nakita... Nag-hood muna ako bago ako pumunta dun.

"David kalma.." yan ang sinabi ko nang makalapit ako sakanya

"Hindi ako kakalma hangga't--- Xyl?"

Nagulat siya nang makita ang mukha ko... Tinanggal ko na kasi ang hood ko...

Nginitian ko naman siya...

Yinakap naman niya ako kaagad...

"Sorry... Sorry... Sorry..." Sunod-sunod niyang sambit habang nakayakap sa akin...

Naramdaman ko ring May yumakap sa akin sa likuran... Yinakap rin pala ako nang tatlong tukmol. 

Napangiti na lang ako...

Kahit na maraming nakatingin sa amin ay binalewala lang namin yun...

I think I found friends again...

---------------------

"Okay ka lang ba?" Kung May pera lang sa bawat tanong nila milyonaryo na ako...

Tch paulit ulit sila... Tango lang naman ako nang tango...

Papunta kami sa cafeteria pare-pareho kasi kaming hindi pa nagla-lunch...

Pinatulog daw sila nung mga babae kanina... Kaya pala ganun ka-confident yung mga babae na hindi sila darating dahil pinatulog nila... Tss...

Wala ring classes kasi pinatawag lahat ng teachers para mag meeting kaya ok lang kahit mag cafeteria kami..

Nang nakapasok na kami sa cafeteria ay pumunta na yung kambal sa counter sila na daw bahala sa mga pagkain namin... Treat daw nila...

Oh di ba sino ba namang aayaw sa libre?

Umupo naman kami sa lamesa na malapit sa bintana... Tiningnan ko ang labas... Hindi maikakaila na maganda talaga ang school na ito... Kita ko rin dito kung gaano kataas ang mga pader...

"Xyl.." si Ryan

"Oh?"

"Sino pa lang nagdala sayo sa hospital?"

"Ah..." Si Claw Machine Boy

"Oo nga... Sino ba?" Segunda ni David

"Hindi ko kilala... Nakita lang daw niya ako... Tapos dinala niya ako sa hospital nung makita niya ang kalagayan ko..."

Totoo naman eh hindi ko siya kilala... Ang alam ko lang ay parte siya nang government... At isa siyang Claw Machine Boy!

Sakto namang dumating na ang pagkain namin dala nung kambal...

---------------------

Nang matapos kaming kumain ay hinatid na nila ako sa dorm ko...

Nang nakapasok ako ay ganun na lang ang gulat ko nang isang lalaking hindi ko inaasahan ang prenteng nakaupo sa sofa ko...

"Anong ginagawa mo rito Claw Machine Boy?"

"I see... Magaling ka na... Wala man lang bang 'thank you' diyan?"

I just rolled my eyes at him..

Nakita ko naman siyang tumayo at akmang aalis na siya nang pigilan ko siya...

"Anong pangalan mo?"

"Aze." Simpleng sagot niya at umalis...

Nang makalabas na siya ay mahina akong bumulong...

"Thank you for saving me... Aze..."

-Pagtatapos nang kabanata Dose-

❤️

(MAGICAL ACADEMY SERIES #1) I'm Inlove with the so-called-loner girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon