EPILOGUE

3.2K 80 6
                                    

EPILOGUE

~10 years later~

Third person's POV

"Azliah! Xaze! Bilisan niyo male-late nanaman kayo eh!" Sigaw ng kanilang ina na si Xyliah.

Si Azliah ay Xaze ay nag-aaral sa isang normal na paaralan ng mga Normal na tao... Napagdesisyunan kasi nila Aze at Xyliah na wag muna silang ipasok sa paaralan ng mga katulad nila hangga't hindi pa sila nagkokolehiyo... Gusto nilang maranasan ng mga anak nila ang pagiging normal na tao... Pero hindi naman lingid sa kaalaman ng mga anak nila kung ano talaga sila.

"Yes mom!"

Nag-uunahan bumaba ang dalawa... Si Azliah ay nagpadulas na lang sa railings ng hagdanan.

"Hay..." Sambit ni Xyl ng makita ang mga anak nila.

Palaging ganyan ang mga anak nila pero mapagmahal naman...

"Goodmorning mom." Sambit nilang dalawa at humalik sa pisngi ng kanilang ina.

Agad na pumunta ang dalawa sa hapag-kainan upang kumain ng almusal.

"Where's Dad?" Tanong ni Azliah...
Daddy's girl si Azliah samantalang si Xaze ay Mama's boy.

"Naglakad muna kasama ang kapatid niyo." Sambit ni Xyliah...

Nagkaroon ng anak si Xyliah at Aze... Yung anak talaga nila... Hindi regalo ng Apat na elemento...

Liaze... Ang pangalan ng anak nila... Lia ni Xyliah at Ze ni Aze...

"We're back!" Lahat sila napabaling ng tingin kay Aze na kakapasok lang ng bahay habang buhat buhat ang 8 months old na si Liaze.

"Time for breakfast dad." Sambit ni Xaze..

"Okay... Wait for me... Ilalagay ko lang sa kuna si Liaze."

Inilapag nga ni Aze si Liaze sa kanyang kuna. Agad namang umupo si Aze sa hapag-kainan.

Nagdasal muna sila bago kumain...

"Kamusta ang school?" Tanong ni Xyliah sa kanilang mga anak

"Still the same mom. Kailan ba kami lilipat sa school ng mga katulad namin mom?" Sambit ni Xaze at nag-pout

Isa pa sa dahilan kung bakit hindi pa nila ipinapasok sa paaralan ng mga Element Holders, Witches, And Machines ay sa kadahilanang maraming banta sa buhay ng anak nila dahil sa kapangyarihan na taglay ng mga ito...

At balak rin nila na itago ang tunay na identity nito sa oras na pag-aralin na nila ito sa paaralan ng mga tulad nila...

"When the time comes. Alright?" Sambit ni Xyl at ngumiti.

Ngumiti rin ang mga anak nila at tumango at nagpatuloy sa pagkain.

"Oh right... Kuya pinabibigay pala ni White. Ikaw kuya ah..." Biglang sambit ni Azliah habang May inaabot na notebook kay Xaze...

Si White ay nag-iisang anak ni Black at Karen na babae.

"What's that?" Tanong ni Aze

"Notebook ni Kuya na pinahiram niya kay White... Para daw hindi mahirapan si White sa mga assignments niya HAHAH si kuya!" Tawang tawa si Azliah samantalang si Xaze ay nakabusangot dahil sa pang-aasar sa kanya

"Tsk." Sambit ni Xaze at padabog na kinuha ang notebook

"HAHAHA Do you like her Xaze?" Tanong ni Xyliah sa kaniyang anak

"Ahm mama... Well... Ahm..." Hindi na kailangan sagutin ni Xaze dahil ang pamumula ng mukha niya ang sumagot sa tanong...

"Wag ka ng sumagot alam ko na..." Sambit ni Xyliah at tumawa...

"Stop it mom." Sambit ni Xaze na nahihiya na...

They stopped laughing but still smiling...

Pero muli silang tumawa ng marinig ang sanggol na si Liaze na tumawa rin na parang inaasar din ang kuya niya...

Isang masayang pamilya... Yan ang pamilya ni Xyliah at Aze... At hindi nila hahayaan na May sumira nun...

Hinawakan ni Aze ang kamay ni Xyliah...

Napatingin naman si Xyliah sa kanya...

"Why?" Tanong ni Xyliah

"Nothing... I just love you too much..." Sambit ni Aze at ngumiti ng napakatamis kay Xyliah...

Medyo namula si Xyliah... Even after all these years kaya pa rin niyang pamulahin ang mukha ni Xyliah...

"I love you too so much." Sambit rin ni Xyliah at isa lang ang tumatak sa utak at puso ni Aze..

'I'M IN-LOVE WITH THE SO-CALLED-LONER GIRL...'

-THE END-

AN: YEHEEYYYY! FINALLY! THE HAPPY ENDING OF THEIR STORY! 💜

ABANGAN ANG STORYA NI ANDRALIAH SANTIAGO SA...

THE MAGICAL ACADEMY SERIES #2: I'M IN-LOVE WITH THE SO-CALLED-PILOSOPO GIRL!

Thank you for reading this story 💜
Hanggang sa muli! 👌

(MAGICAL ACADEMY SERIES #1) I'm Inlove with the so-called-loner girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon