Kabanata Bente-Ocho: Friendship Bracelet

1.8K 77 0
                                    

Xyliah's POV

Papunta na kami mismo dun sa stage kung saan nakatingin sa akin ang anaconda...

Hindi yata makapaniwala na May nag-volunteer para makipag-Duel sa kanila...

"David..." Nang tinawag ko sa David tumigil silang lahat at tumingin sa akin...

"Bakit? Hinihintay na nila tayo dun... Bakit aatras ba tayo?" Kinakabahan si David...

Actually lahat sila kinakabahan kahit yung kambal at si Ryan...

Oo kinakabahan ako pero alam ko na walang maitutulong yun...

"Hindi tayo aatras David..." Lumapit ako sa kanya at isinuot sa pulsuhan niya ang isang bracelet...

"Ano toh?" Tanong niya...

"Friendship bracelet..." Sambit ko at ngumiti... Naramdaman ko ang pagkawala nang kaba sa kanya... Unti-unting lumambot ang mukha niya...

"Friends? Kaibigan mo na talaga kami?"
Di makapaniwalang tanong niya

"Of course..."

Napabaling naman ako sa likuran ko... Si Mike at Michael at Ryan...

"Kami wala?" Tanong ni Ryan

"Asa ka?" Pang-aasar ko

"Wala talaga tayong aasahan..." Sambit ni Michael na parang iiyak na.  

Natawa naman ako
"Syempre meron hahahaha..." Lumapit rin ako sa kanila at binigay ang bracelet nila...

Meron rin ako... Ito ang friendship bracelet naming lima...

"Trust me we will win..." Sambit ko at ngumiti..

Ngumiti rin naman sila

"Let's go.." sambit ni David at pumunta na nga kami sa mismong labanan...

Tumaas ang mga pader nang nakapasok na kami...

Tataas talaga yan para daw hindi madamay ang mga manonood... May camera naman kaya makikita pa rin naman talaga nila kami...

Nang nakapasok kami agad na tiningnan nang leader nila ang singsing ko...

Tiningnan ko rin ang sa kanya... Siya yung witch..  so the witch is the leader... Tss...

"A machine?"

"You really need to ask?" Sambit ko

Nakita naman na ang singsing ko eh... Psh... Ngayon mananakit ako dahil laban toh at kailangan talaga...

"Your brave to fight us... Sa pagkakaalam ko ang grupo niyo ay bulok dahil hindi naman ganun kalakas..." Sambit niya at ngumisi

"Kung ang amin ay basura... Ahas naman ang sa inyo ganun." Ngumisi rin ako at kita ko sa kanyang mukha ang pagkairita

"Burn."

"Grilled."

"Toasted."

"Ashes."

Rinig kong sambit nung apat...

3

Nagsimula na ang countdown

2

1...

FIGHT!

Hinanda ko ang maliit kong kutsilyo na May lason sa dulo nito...

Agad na umatake ang anaconda..

Nasa likod ko lang ang apat at naghihintay rin nang pag atake...

Umatake ang Air Element Holder NILA pati na rin ang Water...

Binasa kaagad nila ang sahig... At naging isang malaking alon ito dahil sa Air Element Holder...

Nilabanan kaagad nila David at Michael yun...

Gumawa sila nang mas malaking alon at nadaig nila ang ginawa nang kalaban...

Ngunit...

"ARHH!" Sambit ko nang matamaan ako...

Umuulan naman ngayon nang apoy at hindi namin inaasahan na ang bilis nang pagbagsak nito...

Nakita kong natamaan rin sila... Pero tumayo kaagad si Ryan at gumawa nang isang malaking bato.. 

Binato niya yun sa fire Element kaya nawala bigla ang apoy na bumabagsak dahil nawalan nang kontrol ang Fire Element...

"Your good..." Sambit nung witch...

"I know right?" Pang aasar ko pa sa kanya

"Let's see if you can handle this." Sambit niya at ngumisi

Nagbato siya nang potion at nabasag yun... Agad na kumilos ang Air Element Holder.... Kumalat ang lason sa hangin...

Shit!

Nakita ko sila na nasa loob nang parang isang barrier na gawa nang isang potion din kaya hindi pumasok ang lason sa kanila...

"Bye bye!" Sambit nang leader nila at ngumisi...

No! I promise that we will win...

Sumulyap ako sa kanilang apat...

Nawawalan na sila nang lakas kaya hindi na rin sila makalaban...

I have no other choice...

Pinindot ko ang friendship bracelet namin at...

Bumalot ang armor sa aking katawan...

Tumingin ako sa kanila at ganun din ang nangyari sa kanilang apat...

Nabalot sila nang armor na ginawa ko para sa kanila...

Ang armor na ito ay mula ulo ang hanggang Paa... At May nagri-release nang oxygen sa loob nuon kaya panigurado na makakahinga sila...

May sarili ding sandata yun na lalabas sa kamay nila... At lumabas na nga....

They have swords... While I have poisonous needles...

Agad na nagulat silang lahat... Maging ang apat...

Meron ding Earpiece Ang aming armor kaya makakapag-usap kami... Hindi kasi maririnig sa labas ang kahit anong sabihin nang nagsusuot nang armor...

"Let's do this..." Sambit ko

"Okay!" Sambit naman nila

Agad kaming lumipad... Nilagyan ko rin kasi sila nang pakpak pero hindi butterfly... But a hawk wings...

Akin syempre butterfly parin... But iba ito dun sa una kong creation... This butterfly has black and white wings...

Binuksan ni Ryan ang lupa sa ilalim nang kalaban... Kaya ang nangyari nailabas sila ni Ryan sa isang lugar na kung saan walang barrier...

Agad ko namang binatuhan nang needles ang kalaban...

Pampatulog lang muna ang binato ko...
Dahil baka mamatay sila kapag nilason ko sila...

I'm not like them

Narinig ko ang sigawan nang mga manonood dahil unti-unting bumaba ang pader...

We won.

Nakangiti silang apat sa akin at ngumiti rin ako pabalik...

"WOOHHHH!"
"GO!"
"I LOVE YOU DAVID!"
"I LOVE YOU MIKE AND MICHAEL!"
"RYAN! ANG GALING MO!"
"XYLIAH THE BEST"

Medyo nagulat pa ako nang marinig ko na May nagcheer sa akin...

Then na baling ang tingin ko sa scoreboard...

Rank#1-Xyliah Sand...

I smirk...

-Pagtatapos Nang kabanata Bente-Ocho-

(MAGICAL ACADEMY SERIES #1) I'm Inlove with the so-called-loner girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon