-Xyliah's POV-
"Hindi pa ba siya gigising?"
"Tumahimik ka nga!"
"Paulit ulit yang tanong mo Michael!"
"Shut up you three!"
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata...
At tumambad sa akin ang apat na tukmol!
"Tss ingay niyo."
Nanlaki naman ang mga mata nila nang marinig ang boses ko.
"GISING KA NA!" Sabay sabay pa nilang sabi at ang sakit nun sa Tenga ah!
Tsk pasalamat sila good mood ako dahil sa first lesson na natutunan ko.
"Ingay niyo." Simple kong sabi.
Bigla naman silang nag panic!
"Kambal tawagin mo yung doctor dali!" Si David
"Ok ka lang ba?" Si Ryan
Umalis naman na yung kambal habang tumatakbo pa...
Napangiti na lang ako...
Bigla namang May pumasok na doctor...
"Miss Sand are you okay?" Tanong ng doctor
"I feel a little bit of pain from the both of my arms."
HUWAW ENGLISH PA MORE!
"It's normal from the wounds you have."
Wait... Kung tiningnan nila yung braso ko so nakita rin nila yung mga peklat? What the hell?!
"Doc okay naman na po ako..." Simpleng sabi ko at umalis naman na ang doctor...
Nang makaalis ang doctor ay huminga ako nang malalim...
"David..." Pagtawag ko kay David na ngayon ay inaayos ang mga prutas dun sa May coffee table...
"Bakit?" Sagot niya habang patuloy na nag aayos.
"Nakita niyo ba ang braso ko?"
"Hindi kasi dinala ka namin kaagad sa doctor... At yung doctor na nag asikaso sayo... Pagkatapos nun dinala ka nila dito na ganyan."
Tiningnan ko naman ang suot ko... Iba ito sa unang damit na isusuot sa mga pasyente dito.
Binago na kaya?
Kumalma naman na ang puso ko nang marinig yun...
Hindi naman halata ang peklat ko sa suot na toh... Buti naman!
"Hindi ka pa ba kakain?" Tanong sa akin ni Ryan
Simpleng iling lang naman ang isinagot ko...
"Yung tungkol pala sa race ipo-postpone muna ang bagong schedule ay bukas..."
RACE?! Ay! Oo nga pala yung race!
Shemay! Tss ano bang nasa isip ko nun at sumagot ako nang oo?!
Tsk ano?! Bukas kaagad?
"Bukas kaagad?" Kalmadong tanong ko
Sabay sabay naman silang tumango...
Bukas naman siguro okay na ako?
Hindi naman na ganun kasakit ang braso ko eh.
------------------------------------------------
-Kinagabihan-Inilibot ko ang tingin sa kwarto ko ngayon dito sa hospital... Hindi umuwi ang mga tukmol at dito na natulog!
Tss... Si David na nasa couch nakaupo pero tulog... Ang kambal na nakapatong sa isa't isa habang nakahiga sa May kama sa May sahig... Habang si Ryan nakahiga sa sofa ginawang unan yung hita ni David..
Habang ako hindi makatulog dahil sa kakaisip kung anong gagawin ko para bukas...
Napatigil ako sa pag-iisip nang mapako ang paningin ko sa isang libro tungkol sa paggawa nang kung ano-ano in short ang librong yun ay para sa mga Machine baka dinala ni David dito...
Pero mas napatigil ako nang makitang May dumapo dung itim na paruparo galing sa bintana...
Isang ngisi ang kumawala sa labi ko nang magkaroon ako ng ideya... Ideyang gawa nang utak ko bilang isang machine...
Kinuha ko ang hood ko na nasa tabi ko lang at nag dahan dahan sa paglakad...
Pasimple akong lumabas sa kwartong yun sa hospital...
Hinanap ko kung asaan ang parking lot...
Sabi nung kambal nung tinanong ko sila kanina tungkol sa motor ko... Ang sabi nila May parking lot sa school nandun lahat nang kotse or motor na dinala nang mga estudyante...
Pinapasok daw sa school nang kusa ang mga pagmamayari namin at isa na dun ang kotse, motor, etc.
"Finally!" Sambit ko nang makarating ako sa parking lot.
Hawak ko ang susi nang motor ko... Binigay toh sa akin ni David kanina...
Pinindot ko iyon at May tumunog at umilaw sa dulo...
Naglakad ako dun... At nang makita ang motor ko ay isang ngiti ang kumawala sa labi ko...
"I miss you baby." Sambit ko habang nakatingin sa motor ko...
Let's transform this baby!
-Pagtatapos nang kabanata Katorse-
BINABASA MO ANG
(MAGICAL ACADEMY SERIES #1) I'm Inlove with the so-called-loner girl
Dla nastolatkówThe girl who can control the four elements. This story is unedited and cringe. Kung ako sa inyo wag nyong basahin. Sinulat ko ito nung 12 ako so panget talaga HAHAHAHAH. Cover by: Sincerelyastara