THÈ Á£PHÁBÉTÌCÁ£ KÌ££ÉR
CHAPTER THREE:Yumi Pov
"0-0?(zero-zero)"takang tanong ng lahat maliban kay Zack, Pogs at ang babae din sa likod. Ako naman ay pilit na gustong makita ang mukha ng babae bukod kasi sa naka hood sya ay naka yuko pa sya kaya hindi ko makita.
" The heck that name" sabi din ni Angel
"Are you sure that is your name? That was number and not a name" tanong ni ma'am na naging dahilan ng tawanan. Tumango naman ang babae saka umupo na sa pinakalikod malapit sa amin ni Zack.
"0-0?! Tss weird" rinig kong bulong ni Zack bago nya ituon ang atensyon sa notebook.
0-0? Ang pangit pfft
*Lunch Break*
"uyy teh samin ka na sumama" pag aaya ni Bj sa akin habang nag liligpit kaming apat ng mga gamit. Ako, si Bj, si Baron, at Catherin na lang ang naiwan sa room ang iba kasi may gagawin daw kaya maaga sila kakain.
"Ah sige wait lang" sagot ko, tumango naman sila at may pinag usapan muna. Hindi ko naman na narinig dahil lumayo muna sila.
*BOOOOGGGGGSSSSSHHHH*
Rinig kong kalabog ng pinto. Hindi ko nalang ito pinansin dahil marami pa akong aayusin na gamit.
"Hala seryoso si Kuya!!"
"nyii galit lang ata"
"tanga masanay na kayo! Ganyan talaga yan"Rinig ko ding maingay na sabi nila Bj. Napailing nalang ng marinig ang mga tsismis nila. Aalis na sana ako ng may biglang padabog na umupo sa tabi ko.
"Tabi Zack dadaan ako" tugon ko saka pinilit makalabas bigla nalang kasi sya umupo at hindi man lang tumabi muna dahil lalabas ako. At ang pinaka nakakainis pa ay hindi man lang sya umalis kahit sinasabi ko na nadadaan ako. "Bingi ka ba Zack oh ano?" inis nang sambit ko. Tumingin naman sya sakin saka umirap at ibinalik ang tingin sa binabasa.
Urrggghhh gutom na ako...
Napangiti naman ako ng may maisip na kalokohan. Bahala na si Pokemon gagawin ko toh para makakain na din ako.
" Hindi ka tatabi ha" sigaw ko na nag paagaw ng atensyon ng lahat kasama na si Zack syempre "Ahhhhh" sigaw ko ulit kasabay ng pag talon ko mula sa kinakatayuan ko hanggang sa kabila ni Zack.
Yeah tinalon ko si Zack
"Fuck" sigaw ni Zack kasabay ng padabog na pag tayo nya at inis lalo na lumabas.
"Bagay yan sayo!!!" sigaw ko at inaya na sila Bj na pumuntang cafeteria
Nauna naman ako mag lakad dahil mukhang nawindang yata sila dahil sa pag talon ko kay Zack. Easy lang kaya para namang hindi sila nag laro ng luksong baka noon
"Hoy teh intay" rinig kong sigaw ni Bj kaya tumigil ako at nilingon sya.
"Anong ginawa mong gaga ka?" tanong ni Catherin nang makarating sila sa tapat ko at nag umpisa ng maglakad.
"Tumalon?" sarkastik kong sagot
"tumalon ka ng ganyan ang suot?" tanong ni Bj at itinuro ang suot kong pang ibaba. Agad naman akong tumingin sa itinuro nya.
Shet! How did i forgot? Nakalimutan kong masyadong maikli ang suot kong palda para talunin si Zack..F*ck
"ano kaya ang nakita ni papa Zack?" tanong ni Bj. Halatang nang aasar
"Syempre ang maputing biyas ni Yumi" sagot ni Catherin na naging dahilan para tumawa ang tatlong ugok.
"Bwesit, kasalanan nya yun ayaw nyang tumabi" inis na sambit ko at padabog na nauna ulit mag lakad. Naririnig ko pa ang tawanan nila na mas nag painis sa akin.
BINABASA MO ANG
The Alphabetical Killer [ON GOING]
Mystery / Thriller'The letter of their name kill them, not her.. The past, who are the one to push her, to kill them' Ang isang dating payapa maayos na buhay ng isang transferee student na si Yumi Valdez ay biglang nag bago ng dahil sa sunod sunod na pagkamatay ng se...