ALPHABET SEVENTEEN:
"A for apple, B for banana, C for chocolate.. A, B, C"
Napuno ng ganoong kanta ang buong lupain sa likod ng building ng school. Maraming batang naglalaro, masasaya at halatang ineenjoy lang ang lahat.
Pero naiiba ang babaeng ito. Nakatayo sa tabi ng malaking puno, nag tatago mula sa karamihan. At suot suot nya din ang itim na hoddie jacket.
Ang kantang iyon ang dahilan ng pag ngisi nya. Sa dami dami ng kanta, iyon ang gusto nya. Ang marinig ang mga letra..
At sa kumpulan na mga taong nandoon. Nahanap nya ang mata ng isang babae. Ngumiti sya dito at binulong ang mga salitang:
"Letters will die."
"BARON!" sigaw ko at mabilis na naiangat ang sarili mula sa kama.
Tagaktak ang pawis ko at nanginginig din ang buo katawan ko. Pati ang tuhod ko ay nanlalambot kahit na hindi naman ako nakatayo. Naka upo lang ako sa kama. At nagising dahil sa panaginip na iyon.
Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto, at nasa kwarto ko naman ako. Pumikit ako ng mariin, sinubukang alalahanin ang nangyari kanina bago ako mapunta dito.
Pero ang tanging pumapasok lang sa akin ay ang panaginip ko. Sino ang babaeng yun? Sino ang babaeng ngumiti sa akin? Bakit.. Bakit ganoon sya ka misteryo.. Sya ba at ang babaeng nakikita kong nakahoddie ay iisa lang?
"Gising ka na pala!" naputol ang pag iniisip ko dahil sa pagsasalita ni Zack mula sa gilid ko.
Kahit hindi ko lingunin alam kong si Zack iyon. Dahil sa malamig na boses nya. Pero anong ginagawa nya dito.
"Bakit ka nandito?" tanong ko.
"Sabi nila Bj, you need to rest. So rest" hindi nya lang pinansin ang sinasabi ko. Umirap ako sa kanya.
"Si Bj? Asan sila?" tanong ko na lang. Ayaw ko ng awayin sya. Kawawa naman.
"Nasa labas" umiwas pa sya ng tingin at lumapit ng bahagya sa akin.
"Bakit?"
And then a picture of Baron pop up in my mind. A picture of him while staring at me with his Cold body. With his..with his blood on the floor. He is dead.
No..Hindi. Panaginip lang din iyon, panaginip lang diba?
"asan si Baron? Zack? Asan sya?" sunod sunod na tanong ko na as if lalabas si Baron bigla at sasabihing it's a prankk.
"Yumi, you need to rest" yun lang ang sinagot ni Zack at umupo sa gilid ng kama ko sa may paanan ko din at inayos ang kumot ko. "You need to rest, Yumi" he said then look at my eyes.
"Patay na ba si Baron?" tanong ko at umiyak na. Gusto kong malaman ang totoo. Aasa akong hindi ang isasagot ng mokong na ito.
He frowned. At ang tanging alam ko na lang haplos haplos nya na ang kamay ko. "Hushh, Yumi" sambit nya.
Pero ako. Iyak parin ng iyak habang nakatingin sa mga mata nya. Umaasang masasagot nya ako pero ang natanggap ko lang ay ang pag higit nya sa akin at pag yakap sa gitna ng pag iyak ko.
"He is gone.."
And on its cue mabilis akong umiyak ng umiyak habang yakap yakap ni Zack. Ngayon pagkakatiwalaan ko muna sya dahil sya ang kasama ko. But it's not the matter right now.
Baron is gone.. Patay na sya. Paano? Sinong pumatay sa kanya. Hindi naman totoo to diba? Ano to prank? Ayaw kong maniwala. Ayaw ko na dito.
"Zack.." humihikbi kong bulong.. "Gusto ko ng umalis dito"
"Shh.. Sabay tayong aalis dito" bulong din ni Zack. "pero ngayon, magpahinga ka muna"
-----
__φ(..)
BINABASA MO ANG
The Alphabetical Killer [ON GOING]
Mystery / Thriller'The letter of their name kill them, not her.. The past, who are the one to push her, to kill them' Ang isang dating payapa maayos na buhay ng isang transferee student na si Yumi Valdez ay biglang nag bago ng dahil sa sunod sunod na pagkamatay ng se...