ALPHABET TEN

14 4 0
                                    

ALPHABET TEN:

It was clearly impossible.

Malabong si Principal ang killer.. diba? O hindi ko lang kaya maniwala? She can’t be the killer, the one that kill angel. Hindi nya yun gagawin dahil ang dapat nyang gawin ay ang hulihin ang totoong pumatay pero paano kung..

Sya ang pumapatay….?

Naalala ko tuloy ang unang pagkikita namin. Weird na sya noon pa, parang may tinatago. Hayss, bakit ba kasi hindi ko naisip na mangyayari ito, edi sana hindi na lang din dito ako lumipat.

Marahas akong napasabunot sa ulo ko, dahil sa dami kong iniisip. Gulong gulo na ako at hindi ko alam kung anong gagawin. Mula kasi nang kausapin ako ni Cath tungkol sa principal ay doon lumipad ang isip ko akala ko ay makakalimutan ko iyong nakita ko – si principal sa garden – pero hindi instead mas lalo pang gumulo yun dahil sa sinabi ni Cath.

That black hood and the mysterious reason why principal need to lie.

Naka- kulong kami sa isang paaralang may taong pumapatay and our main suspect is our own principal.

“Yumi! Tatawag daw si Baron mamaya. Sagutin mo ha!” rinig kong sigaw ni Shane mula sa labas na nagpabalik sa akin sa ulirat.

Nilingon ko ang pintuan ng kwarto ko mula rito sa study table ko. Lumunok muna ako, yung hard para lasang lasa, chos. Back to the reality – pumunta na ako sa may pinto at binuksan iyon.

“S- saan ka pupunta?” tanong ko habang nakatingin sa suot ni Shane. Gray na t-shirt at black na sweatpants. Dala nya rin ang bag nya at hawak nya ang cellpone.

Sa halip na sagutin ako ay tinuro nya lang ang telepono sa may sofa. “Sabi nya tatawag daw sya sayo sa telepono kasi hindi nya alam ang number mo.” Sambit nya. Ngayon ko lang napansin ang teleponong yun ah.

Hindi ko din pinansin ang sinabi nya, iwas pa sa topic Shane, sige lang! “Delikado pa ang lumabas, Shane!” kunot na kunot ang noo kong sagot.
“Yumi, sorry ha! Mag isa lang kasi ngayon si Cath. Nakaka awa naman sya. She’s a friend too.” Sambit nya at nag baba ng tingin.

Shane is right. Cath is Angel’s room mate. Bukod kay Baron sya din ngayon ang nakakaramdam ng lungkot dahil nag iisa na sya ngayon sa kwartong yun.  Nakasama nya rin naman si Angel ng kaunting oras  kaya siguradong nalulungkot nga yun. Angel’s death affect her too much. From being her room mate, form being enemies too, and from Angel’s unknown killer witness. Hindi ko alam kung deserve ba iyon ni Cath.

“Mag iingat ka!” yun na lang ang nasabi ko bago ulit ako pumasok sa kwarto. Narinig ko ang thank you nya bago ako pumasok sa banyo.

Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto. Mag luluto sana ako ng pag kain ng biglaang tumunog ang telepono. Saglit ko pa itong tinitigan bago bumuntong hininga at sagutin ang tawag.
“Y- Yumi!” nauutal na sambit ni Baron.

“Bakit?” tanong ko at sumandal sa ding ding ng sala namin.

“Samahan mo ko” ramdam ko ang pag mamakaawa sa boses nya. I don’t know how many times I left a heave sigh and stare to our wall.

Baron is good friend. Hindi ko man sila ganoon nakikita ni Angel na mag kasama, but I know he loves Angel. And he needed a friend right away.

“Saan ba tayo?”  tanong ko habang nag lalakad kami sa walang taong hallway. Niyakap ko ang braso ko nang humangin ng sobrang lakas. Nilamig ako bigla kahit nakajacket naman na ako. Madilim at wala ng tao sa labas.

Pumayag ako dahil alam kong kailangan nya ng kasama. But I didn’t know that we will walk here.

Matagal tagal na rin kaming nag lakad. Nananakit na ang mga paa ko, hindi ko nga alam kung malapit na ako mag karayuma o ano. Nasa likod na kami ng campus at damuhan, at puno na lang ang natatanaw ko. Madilim rin sa palgid at tanging ang bilog na bilog na buwan na lang ang nag bibigay ng ilaw sa paligid.

Natahimik lang kaming dalawa. Tahimik sya, siguro nag iisip kaya ginaya ko na lang din. Nag isip isip na lang din ako, habang iniimagine ang mga cricket na tumutunog sa paligid.

Nagulat na lang ako ng bigla syang mag salita. Gago, sana nag sabi sya kung mag sasalita sya hindi yung ginugulat pa ako. Hay naku.
“Transferee rin kami rito, Luna” paninimula. Hindi parin naman ako maka get over sa gulat ko kaya napahawak pa ko sa dibdib ko. “It’s creepy here, you know” saka sya kumamot sa batok.

“Malulungkot ka pa rin ba?” tanong ko kahit malayo sa una nyang sinabi.

Akala ko ay matagal pa bago sya makasagot pero maya maya lang ay sumagot na sya na ikinagulat ko ulit pero iba na ang dahilan ng gulat na iyon.

“I only feel it, when I miss her. But now I feel so afraid” Lumunok sya.  Bago nya tingalain ang paru paro na lumilipad sa tapat namin. ‘Angel’ “I see the girl in a black hoodie. The night when Angel die. When my sister die.” Gumaralgal ang boses nya habang pareho kaming nakatingin sa magandang paru paro. “I’m afraid that… that girl will kill us” dagdag nya at nagbaba ng tingin nang bumababa ang lipad ng paru paro…

Dumapo sya sa damuha..

Damuhan na puro dugo..

Dugong..

Alam ko kung kanino.

Dugo ni Angel, dito pinatay si Angel. Dito mismo..
Dito mismo sa kinakatayuan namin.

Nakatitig lang ako doon. Gabi na pero dahil sa liwanag ng buwan ay kitang kita ko ang mga dugong nag kalat sa damuhan.  Nanghina ang tuhod ko pero pilit akong tumayo.
At sa tinagal tagal kong nakatingin doon. Nakita ko ang pamilyar na papel. Papel na may kunting dugo pa. Napatingin ako kay Baron, tumalikod sya sa mga dugo at doon umiyak. Hindi ko sya pinansin, basta na lang ako yumuko para mapulot ang papel.

Habang hawak ko iyon, ay nararamdaman ko pa ang dugo. Naamoy ko rin ang lansa nito pero hindi ko iyon inisip. Basta ko na lang iyon kinuha at binasa.

Unti unti.. Bawat Salita.. Nakakatakot.

‘A is now dead. You enjoy it, huh? Then, watch how I kill B, darling’ – mYsTeRy.

Death. Death of A. Now, it’s death of B. 

At ang tanging pumasok lang sa isip ko,

Ay si Baron. Si Baron ang susunod,

Si Baron ang isusunod.

-----
Shemay :) natakot din ako putek. 11pm ko po sya sinusulat sa laptop, matatapos ko sya at exactly 12 since may draft na rin naman ako aayusin ko na lang para mas creep’. Tapos post ko 12 since yun din pinaka malakas na time para sa signal namin. Sorry rin po sa mabagal na update.. Nakakatulog po kasi ako huhu..

Happy 100 reads po. Di ko po ineexpect na within 10 chaps, we reach 100+ reads. Ang saya ko. Enjoy reading guys and stay safe, stay home and stay calm.

P.s* pray for Lebanon, they need the prayer right now :'(

JEKYRE WRITES. 

The Alphabetical Killer [ON GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon