ALPHABET THIRTEEN
YUMI VALDEZ
"Uminom ka muna"
Sabi ko kay Cath habang inaabot ang bottled water na binili pa namin sa labas. Buti na lang pumayag ang guard na pabilhin sya.
Si Cath kasi nag hysterical na mula ng malaman nya ang balitang sinabi ni Zack sa amin. Sino bang hindi magugulat doon. We're just been banned at the canteen. Hindi namin alam kung saan na kami kukuha ng pag kain.
"Ayaw ko na rito, Yumi. Gusto ko na lang umuwi sa amin" sambit nya at humikbi.
Kahit ako ganoon ang iniisip ko. Siguro lahat kami. Pero anong magagawa namin. We've been locked here, yun na ang kalat na balita bukod sa banned na nga kami sa canteen.
"Hindi naman ganito dati eh. Ayos lang ang lahat" sambit din ni Bj.
I look at my classmates that also looking to us. Hindi nga sila ganito noon. Hindi sila nasanay na ganito. Pero bakit biglang nag iba. Nag iba na ang ikot ng mundo sa kanila. Sa amin.
Ano bang meron sa Section F?
----
"Nagugutom na ako" reklamo ni Bj pagkalabas namin ng room kung saan kami nag test.
Sabay sabay kaming napasimangot. Nakalimutan nya na ba? Bawal na nga kami sa canteen.
Dalawang linggo na rin ang lumipas. Unti unti, tinanggap na naming bago na talaga ang mundong ginagalawan namin. Tanggap na namin ang pag kakulong namin dito at pag ka banned namin sa canteen. Yun nga lang naging mahirap na ang buhay namin.
Ang mahalaga sa amin ngayon, ay buo parin kami. Wala pang nawawala. Baron was still here, same with Bj, Cath, and Shane. Section F was still here, still the same. Creepy, but we managed to smile.
"Saan tayo ngayon?" tanong ko habang nag lalakad papunta sa dorm namin.
Basa ng kaunti ang nilalakaran namin, ganoon din ang mga damong nag kalat dahil sa umulan kanina habang nag tetest kami. Tuloy ay napuputikan ang sapatos at binti ko.
"Sa dorm?" inosenteng sinabi ni Shane.
Napailing ako at nag patuloy na lang sa pag lalakad. Kahit kailan talaga.
"Sabi nila may bagong bukas na bar dyan lang sa tapat" sambit ni Bj.
Sabay sabay kaming lumingon sa kanya. Out of curiosity sabay sabay rin naming natanong ang:
"Tapos?"
"Tapos pupunta tayo doon" sambit nya at ngumisi.
"Diba bawal nga tayong lumabas?" tanong ko.
"Te, gabi na nun kung ayaw tayo palabasin. Edi wag edi tatakas tayo" bumungisngis si Cath.
Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin namin? Lalabas kami? Ng gabi? Paano kung may mangyari? Hindi ba sila kinakabahan na maulit ang nangyari kay Angel? Ano ng gagawin namin ngayon.
"Hindi ako sasama" biglang sambit ni Baron na kanina pa tahimik.
Nangilabot ako. Hindi sya sasama? Paano kung...
Paano kung may mangyari sakanya. Kasabay ng pangingilabot ko ang pag babalik sa akin noong sulat na nakita ko sa damuhan.
Hindi ko alam kung bakit pero yun agad ang unang pumasok sa isip ko.
"Magsaya kayo dun ha"
----
:( i will not update for the meantime, yata. 1st reason is i have classes na this coming week and i need to review na po. 2nd reason po is hindi na po daily ang load ng wi-fi
So, i think i don't have time for update daily or anytime. Abang abang na lang po. But i'll promise to try.So, if i haven't update here or at WMASM. just interact with me at my social media account. You can check it out at my bio (logy chos). And also i'll be posting my first epistolary at my facebook account so just wait there. Mwaahh
_ashurainbow
BINABASA MO ANG
The Alphabetical Killer [ON GOING]
Mystery / Thriller'The letter of their name kill them, not her.. The past, who are the one to push her, to kill them' Ang isang dating payapa maayos na buhay ng isang transferee student na si Yumi Valdez ay biglang nag bago ng dahil sa sunod sunod na pagkamatay ng se...