ALPHABET SIXTEEN:
YUMI POV.
Mabilis akong tumakbo papunta sa dorm namin. Hindi ko na inisip ang mga putik na dumudumi sa sapatos ko at suot ko. Umulan pa kanina habang nasa bar kami. Kaya kahit liwanag ng buwan ay hindi makita.
Kahit sina Cath na hindi alam ang nangyayari pero sumunod sa akin ay hinayaan ko lang. Kaylangan ko syang makita.
Kaylangan ay buhay pa sya.
Hindi sya pwedeng mamatay. Hindi pwede. Dapat buhay pa sya pag karating ko rito.
Pagdating ko sa dorm ay hinihingal na ako. Patakbo pa akong pumunta sa kwarto ni Baron.
Pero.. Pero andoon na ang ibang section F.
Kumpulan at nakabilog. May mga nagbubulungan at may gulat na gulat pa. At bago pa ako makasingit kusa na silang tumabi para makita ko ang nasa gitna nila.
Duguan. Duguan katulad ng kapatid nya.
Maraming saksak. Maraming... Maraming dugo.
"BARON!" sigaw ko at umiyak.
Humikbi ako at hindi ko na mapigilan ang mapaupo sa sahig. Nanlamig ang katawan ko habang nakikita ang kaibigan ko na nasa labas ng pinto ng dorm nila.
Nakahiga at naliligo sa sariling nyang dugo.
Mulat ang mata nya at... Diretsyong nakatingin sa akin. Parang gulat na gulat sya sa mga pangyayari. Hindi nya inaasahan ang nangyari sa kanya.
Ang kanang kamay nya ay may hawak na ng kutsilyo na diretsyong nakatusok sa bibig nya. Andoon din ng mga nasaksak pa na dumudugo pa ng kaunti.
Namumutla na ang buo nyang katawan. At hindi man sabihin alam kong..
Alam kong wala na talaga si Baron. Patay na sya.
Baron is such a good friend. Mula pa man noon nung una kaming nag usap sa canteen. Naging close na kami at kahit kailan..hindi ko sya makakalimutan.
"Omygosh!" bulaslas ni Cath ng makarating na rin sila. Hinihingal pa sila katulad ko pero mabilis iyong nawala ng makita ang nakaka- awang bangkay ni Baron. Mabilis nyang sinapo ang naka-awang nyang bibig at umiyak rin katulad ko.
"S-sino ba ang gumawa nito?" bulong ni Bj at umiyak na rin.
Napapikit ako. Umiiyak at hindi makapaniwalang patay na talaga si Baron. Katulad ng kapatid nya, sobra sobra ang naging pag patay sa kanya.
I look again at the cold body of Baron..
Alam kong mangyayari ito, Baron. Nakita ko ang papel na susunod ang B at ikaw ang una kong naisip doon. Pero.. Pero hindi man lang kita nasabihan. Sorry. Sorry. Natatakot akong mawala ka. Pero mas masakit pala na wala man lang akong nagawa ngayong namatay ka.
Kahit natatakot at nanghihina pa, pilit akong tumayo at ihakbang ang mga paa ko palapit sa kaibigan ko. Pero bago pa ako makalapit mabilis na akong napatigil. Nahagip ng mata ko ang isang babae sa dulo ng hallway na ito. Katulad dati, hindi din makita ang mukha nya. Pero kitang kita ko ang ngiti nya.
And just like before.. She was wearing her black hoddie. Smiling. At bago ko pa din sya mapuntahan.
Mabilis akong nanghina at
Kinain na ng dilim ang buo kong sistema.
---
A/N:. This will be my last update for awhile cause i have classes na (ಥ﹏ಥ). To my readers, i'm sorry po.
I'm gonna update WMASM on Wednesday and that will also my last update huhu. But i'll try my best to update.
I'm going offline too at my facebook account because of my class din but i'll try my best to give some time.
Sa mga nagtataka po kung bakit hindi ako free sa weekend since wala naman na yung klase it is because; sabado po ang balikan ng module sa mga teachers, while linggo bigayan nanaman ng module since advance sakin kasi teacher mama ko. Tapos sasagutan namin yun within the week dahil 4 module na yun per subject so ayun (ಥ﹏ಥ) gonna miss you guys.
Hope to interact with you all again (if meron huhu) mahal na mahal ko kayo :')
Btw, you can leave a message at my social media acc and i'll reply if i have some time.. Mwaahh (◕‿◕)♡
BINABASA MO ANG
The Alphabetical Killer [ON GOING]
Mystery / Thriller'The letter of their name kill them, not her.. The past, who are the one to push her, to kill them' Ang isang dating payapa maayos na buhay ng isang transferee student na si Yumi Valdez ay biglang nag bago ng dahil sa sunod sunod na pagkamatay ng se...