THÈ Á£PHÁBÉTÌCÁ£ KÌ££ÉR
CHAPTER FOUR:YUMI POV
Agad na akong bumangon ng marinig ang lumang alarm clock sa tabi ko. Sa tingin ko nga ay hindi ako natulog dahil sa kakaisip ng mga nang yayari at hinihintay na lang ang alarm na tumunog.
"Yumi una na ko" sigaw ni Shane mula sa labas ng kwarto ko.
"Hintayin mo na ako patapos na rin naman ako" tugon ko narinig ko naman ang pag upo nya ulit sa kahoy na upuan namin.
Mabilis lang akong naligo at nag ayos. Masyado na kasing sagabal ang pag iisip ko sa mga weird na pang yayari kaya wala na din akong gana mag ayos.
Agad naman na akong lumabas ng kwarto at inaya si Shane na pumasok na. Malayo layo rin kasi ang pinag tayuan ng dorm namin mula sa misming campus. Nadaanan din namin ang kwarto nila Bj. Pero sarado pa ito.
Ngayon ko lang din napansin na madamo sa lugar namin at masyadong tahimik. Hindi ko na rin siguro ito napansin kagabi dahil masyado kong naisip ang mga narinig ko.
"Mukhang puyat ka" pag babasag ni Shane sa katahimikan, ayuko na sana syang kausapin dahil nung huling beses ko syang kinausap ay nag sisi lang ako. Napakadaldal nya pero wala ata akong choice ngayon ayaw ko namang mag pakain na lang sa mga iniisip ko.
"Marami lang akong iniisip" saka ako pilit na ngumiti. Tumango naman sya at nag simula nanamang dumaldal.
"Yumi pwede ba akong mag tanong?" tanong nya. Tss
"nag tatanong ka na nga eh" sarkastik kong sagot napakamot nalang sya sa ulo "ano ba yun?"
"s-si Pain ba kilala mo?" nag aalalang tanong nya. Dag dag isipin nanaman ba toh?
"hindi ngayon ko lang sya nakita" agad na sagot ko hindi ko na rin maiwasan matakot.
"P-pero ano bakit parang--" hindi nya na naituloy ang sasabihin nya dahil agad na akong napasigaw.
"ano ba kasi yun?!!" sigaw ko na nag pagulat sakanya.
"ano kasi sa bawat makikita kita, parang nakasunod sya. Kaya akala ko kilala mo sya" tugon nya saka umiwas ng tingin.
P-PAIN? BAKIT? SINO BA SYA? UNANG ARAW PALANG CREEPY NA ANG DATING NYA.
Habang nag iisip ako ay nag salita nanaman si Shane.
"eh si Zack?" tanong nya, ano naman tungkol sakanya. Mukhang maaga palang ay sira na ang araw ko.
"anong tungkol sakanya?"
"gusto mo sya noh?" tanong nya uli dahilan para mapatigil ako, na nag patigil din sakanya. Kaya nag katitigin pa kami bago malakas akong natawa.
"HAHAHAHA, shet Shane, nakakatawa ka sa part na yan, ako mag kakagusto sakanya eh halos isumpa ko na yun eh" sambit ko at muling tumawa. Umiling lang naman sya.
"The more you hate the more you love" sambit nya na nag pailing naman sakin.
"asa ka!" sigaw ko at nauna ng mag lakad.
Whatever, hindi ako mag kakagusto sa Zack na yun. Kung mag kakagusto man ako sa lalake ayuko sa isang halimaw.
•~•~•~
"uyy teh ano pa special" tanong ni Bj ng mahuli ako sa pag lalakad. Pinagmamasdan ko kasi muna ang mga galaw ko dahil mukhang sinusundan nga ako ni Pain
"oo anjan na" sigaw ko at lumapit sa kanila
"rebisco ka din eh noh" pambabara nanaman nila. Umirap nalang ako at hindi sila pinansin.
BINABASA MO ANG
The Alphabetical Killer [ON GOING]
Mistero / Thriller'The letter of their name kill them, not her.. The past, who are the one to push her, to kill them' Ang isang dating payapa maayos na buhay ng isang transferee student na si Yumi Valdez ay biglang nag bago ng dahil sa sunod sunod na pagkamatay ng se...