ALPHABET TWELVE

21 4 3
                                    

ALPHABET TWELVE:

"Omgggg... Waitt ano yun soul mate maker?"

Sabay na tili ni Cath at Shane ng sabihin ko sa kanila ang nang yari. Hindi ko na kaya ang mga nang yayari sa buhay ko. Una ay yung sa mga creepy message, pangalawa pag patay kay Angel at pangatlo ay si Zack.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Hindi... At syaka paano yun magiging soulmate eh pareho kaming ayaw ng tumititig, huh?" sambit ko at umirap.

"Boba neto... Syempre naka tadhana na kayo kasi pareho kayo ng ayaw, at baka bukas pareha na kayo ng gusto"

Umiling iling ako sa sagot ni Cath. Hindi ko ba alam sa kanila kung bakit pinag pipilitan pa nila na soul mate kami ni Zack. Baka tumanda na ako hindi pa ako patulan ng Zack na iyon. Ni hindi nya nga ako kinakausap.

Kinabukasan ay maaga nanaman akong pumasok. Hindi ko kasama si Cath, Shane at Bj ngayon dahil tanghali na sila gumising. Ok na siguro iyon para matahimik naman ang buhay ko.

Iniisip ko lang kung bakit kami nandito ngayon. Ako, may sarili akong dahilan. Sila Bj at Angel alam kong meron rin.. Ang iba kaya, bakit kaya nandito sila.

Lahat kami, transfer man o hindi parang inosenteng inosente sa mga bagay bagay na nandito. Walang alam kung ano ang mang yayari o ang nangyayari ngayon.

"Yumi!!!" narinig ko ang pangalan ko mula sa harapan ko.

Hindi ko pa makilala sa una kung sino dahil sa araw na sumisikat. Kaya bahagya kong pinasingkit ang mata ko para makita kung sino ang tumawag sa akin. At nang makita ko kung sino ay mabilis na ako tumakbo papalapit sa kanya at niyakap sya.

"Baroooonnnnn" i shouted over my happiness.

He's back. He is back for real. Nandito na ulit si Baron. Buo na ulit kaming mag kakaibigan. Pero..

Hindi ko maiwasang matakot. Sa kabila ng saya ko dahil nandito sya ay hindi ko parin mapigilang matakot. Ano na ang susunod? Ano na ang mangyayari. Natatakot ako, natatakot akong sya ang sumunod.

"Ayos ka na ba?" tanong ko habang nag lalakad kami papunta na sa classroom namin. Yun ang unang pumasok sa isip ko.

"Oo, kayo.. Ayos na ba kayo rito?" tanong nya at umakbay sa akin.

Napangiti ako. Ok na si Baron. Soon, he'll move on. Makakalimutan nya rin ang nangyari. Mag sisimula ulit sya.

Kung wala lang sana ang bantang iyong...

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. "We're fine... Yun nga lang marami nang nag bago" nag kibit balikat ako. "But we're trying to be normal, we will try to be normal" dagdag ko pa.

Last na klase na namin. Nag hihintay na lang kami ng prof habang nag uusap usap. Pare- pareho naming namiss si Baron, ganoon din naman sya kaya nga panay ang tawa nila.

"Alam mo ba si Yumi, malapit ng mag ka boyfriend!" kwento ni Cath habang nakatingin kay Baron.

Nagugulat ko syang tinapik at pinatigil sa pag sasalita pero hindi na niyon napigilan ang pag lingon sa akin ni Baron na may curiosity sa mata.

Napabuntong hininga na lang ako, bago ilibot ang tingin sa classroom. Wala si Zack, kukunti rin ang tao sa loob na halatang may sariling mundo kaya wala na akong nagawa kundi pakinggan ang kwento ni Cath kila Baron.

"Kasi naman pumasa sila ni Zack sa soulmate maker.. Alam mo yun Hahahaha. Tapos sabi ni Yumi.. Iba na daw nararamdaman nya kay..." mas lumakas ang boses nya. "... Kay Zack" at bago ko pa sya mapiligilan, bigla na lang pumasok si Zack sa may pintuan.

Napapikit ako sa inis at hiya. Ramdam ko rin ang pag init ng pisnge ko ng dahil sa sinabi ni Cath. Nakakahiya... Sigurado akong may narinig doon si Zack, at alam kong nag tatanong na yan sa isip nya.

I slowly open my eyes at automatic ng nakatingin iyon kay Zack na seryoso lang na nakatingin sa amin. Wala syang reaksyon, hindi sya umiimik kaya hindi ko mapigilan ang kabahan lalo..

Nilingon ko ang mga kasama ko at nakangiwi rin sila habang nakatingin kay Zack. Habang si Baron naman ay nag papalit ng tingin sa amin ni Zack. Napangisi na lang ako sa kanya.

Hayss.. Ano ng gagawin ko. Nakakahiya ang nang yayari ngayon. Baka narinig ni Zack na may iba akong nararamdaman sa kanya na hindi pa naman confirm. Tapos si Baron.. Parang.. Parang nag seselos?

Hindi.. Hindi nag seselos si Baron. Paano sya mag seselos eh mag kaibigan lang naman kami.

"Jusme...ang tahimik. Tara na nga lang sa canteen" pag babasag ni Bj sa katahimikan.

Thank you Bj. Ililibre talaga kita mamaya. Sabay sabay kaming tumayo, tahimik pa rin. Parang kahit tunog ng upuan ay bawal marinig. Napatingin tuloy ulit ako kay Zack kasi alam kong awkward na talaga ang nang yayari.

Pero sya? Simple lang syang sumandal sa may pintuan habang nakatingin..

Sa 'kin. Letche.. Ano bang tinitingin tingin nya dyan.

"Bilis na Yumi.." yaya nanaman ni Bj.

Napalunok ako at sumunod na sa kanila. Pero habang papalapit pa kami kay Zack ay nangangatog na ang tuhod ko. Paano pa kaya kapag nasa tapat na nya ako? Baka mangisay na ako rito.

Pero bago pa man kami makalabas ng pintuan ay hinarang na kami ni Zack gamit ang isang kamay nya.

"Uyy, si Zackkkk... Mamaya ka na lang lumandi kay Yumi huh" awkward na sinabi ni Cath pero hindi naman sumagot si Zack doon. Napalunok ako, napahiya nanaman ako ng dahil sa kanila eh.

Pero bago pa ako mag tatakbo palayo dahil sa hiya ay nag salita na rin si Zack. Gamit ang malamig nyang boses.

"Bawal na tayo sa canteen.. Hindi na tayo pwedeng pumasok o bumili roon!" sambit nya.

Sabay sabay na nalaglag ang panga namin dahil sa gulat. Mahigpit rin akong napahawak sa kamay ni Shane na katabi ko.

Bawal na kami doon? Bakit? Anong problema nila? Bakit bawal kami dun?

Paano na kami kakain... Saan kami kakain?

Lintisan..

"Hindi naman tayo ang killer ah.. Tayo ang pinapatay pero bakit tayo ang bawal?" tanong ni Cath at napa upo na lang sa sahig dahil sa pang hihina.

We're dead now. They are slowly killing us.

-----

Comment naman kayo feedback o drop yellow heart na lang kung okey lang ba (kung ok lang ba akong maging writer. Kunv okey lang ba yung story.) 😭

Jekyre | _ashurainbow

The Alphabetical Killer [ON GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon