ALPHABET FIFTEEN
YUMI VALDEZ
Hindi.. Hindi ako masaya kung ang kaibigan ko ay..
Namamatay.. Ngayon.
Mabilis kong nilingon sila Cath at gaya kanina. Masaya parin silang nag sasayaw sa gitna. Tumingin si Bj sa akin.
He smiled. Smile from a friend.
Hindi ko nagawang ngumiti pabalik. Mabilis ko silang tinalikuran at mabilis na tumakbo papalabas ng bar na iyon.
Hindi ko hahayaan na may mawala sa amin ngayon. Hindi ko hahayaan na mawala ulit sya. Hindi ko hayaan na...
Mamatay si Baron.
Pero bago pa man ako makalabas. Mabilis na akong napatigil. Nanginginig ang katawan ko at natatakot ako.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Around this crowded place i saw.. i saw a girl..
Wearing a black hoddie again.
Hindi ko makita ang mukha nya katulad noon, p-pero ang nakangisi nyang labi ay tanaw na tanaw ko.
At bago ko pa sya mapuntahan, mabilis na syang tumalikod at kasabay niyon ang paglaglag ng isang papel mula sa kamay nya.
Mabilis din syang nawala na parang bula. Napalunok ako bago ko puntahan ang nahulog nyang papel.
He was dying right now..
Mystery----
THIRD PERSON POINT OF VIEW.
Katulad noon, katulad ng suot nya noong pinatay nya si Angel, suot nya ang itim na hoddie habang tahimik na nag lalakad sa madilim na pasilyo ng dorm ng section f.
Walang tao sa buong pasilyo. Siguro ay tulog na ang halos lahat ng taong nandito. Sya na lang ang hindi. Sya na lang.. Dahil may iba pa syang kaylangan gawin.
Hindi gaya noong una nyang pag patay - maraming tao noon, maingay at masaya silang lahat. Pero ngayon.. tahimik, madilim, at tanging maririnig nya na lang ay ang pag hingi ng tulong ng susunod na bibiktimahin nya.
She immediately go inside the room where she can find the next victim. Dala ang matulis na kutsilyong ginamit nya rin noon..
Unti unti syang pumasok sa kwarto ng lalakeng isusunod nya.
Katulad ng inaasahan.. Gising pa ang susunod nyang papatayin.
Ngumisi sya at lumapit sa biktima habang nakatalikod pa ito. Mabilis nyang tinusok ang dalang kutsilyo sa likod ng lalake.
Mabilis na humarap ang lalake na nag pangisi sa babae. Muli syang ngumisi at sinaksak pa ng todo ang lalake dahilan para manlaki ang mata ng lalake at mapaluhod.
"T-tulong.." yun lang ang nasabi nya bago sya pag sasaksakin ng babae sa dibdib.
Paulit paulit. Hindi sya nakuntento sa isang tusok lang alam nyang hindi na humihinga ang lalake pero kahit ganoon pinag patuloy nya parin sa pag baon ng kutsilyo sa dibdib ng lalake..
Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Muli nyang sinaksak pa ang lalake. This time, tumama ito, sa bibig ng lalake.
Ngumiti sya bago sya tumayo at hilahin na ang lalake palabas sa kwartong yun.
"Tapos ka na. Tapos na ang letrang B."
----
sana nagustuhan nyo.
BINABASA MO ANG
The Alphabetical Killer [ON GOING]
Mystery / Thriller'The letter of their name kill them, not her.. The past, who are the one to push her, to kill them' Ang isang dating payapa maayos na buhay ng isang transferee student na si Yumi Valdez ay biglang nag bago ng dahil sa sunod sunod na pagkamatay ng se...