1. Very First Fangirl

926 62 8
                                    

A/N:
Already completed and edited, pero kung mga instances na sa tingin nyo ay may mali, pakisabi sakin. Heheheh.

I'm not sure if most of you as a KPop fan would like this story of mine, lalo na at madami sa mga chapters nito ay base sa bawat episodes ng survival show na I-Land. I'm also not that good in narrating such events but I would try my best para maayos ko na ma-i-kwento. Para din kahit hindi n'yo nasubaybayan ang I-Land ay ma-gets nyo kahit papa'no ang flow ng story. Goodluck!!! 😁 to me. Hahaha.

Cliché po ito.

_

Mycah's

Umiiyak pa ako ng walang humpay nang walang pasabing pumasok si mommy sa kwarto ko.

Kita ko ang gulat sa mukha nya... at pag aalala. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko. Pero nananatiling nakabukaskas ang laptop ko at nag-pi-play pa din ang current episode ng I-Land.

"Mom! may kailangan po kayo?" patay-malisya pa din na tanong ko sa kanya.

Nangunot ang noo nya at titig na titig sya sa'kin. Para ba'ng sinasabi ng titig nya na sabihin ko kung ano ang problema ko sa kung bakit ako umiiyak.

Hindi ko naman siya totoong nanay pero mayroon kaming koneksyon na everytime may mali ay nalalaman na niya kaagad.

Ang galing!

Mommy ko talaga sya by heart.

" Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" tanong nya at lumapit sakin.

Naupo sya sa tabi ko sa kama. tapos naman na iyong pinapanood ko kaya tiniklop ko na ang laptop ko—hindi ko tuloy napanood yung aabangan for the next episode—at humarap kay Mommy.

"Mom... si Besty po kasi.... wahh... nakakaawa sya" sabi ko habang ngumangawa na.

Ang baliw ko din eh, nauna ang pag iyak kesa sa ipaliwanag ang dahilan ng pagngawa ko. Tsk. Eh kasi naman. Nakakaiyak talaga.

Nangunot ang noo nya. Hindi ma-gets ang sinasabi ko.

Kasi naman! Nauna pa ang pagngawa. Talaga'ng di ka maiintindihan kaagad ng nanay mo.

"Ano'ng sinasabi mo? Ang kilala ko'ng besty mo na 'yan nasa America, di'ba? Siya ba ang tinutukoy mo? " sagot niya. tumango ako at nagpahid ng luha.

"Nasa Korea po siya ngayon, kailan ko lang din nalaman. Kasi di'ba nawalan na kami ng communication. Hindi ko naman inakala na makikita ko na ulit siya ngayon. Sa TV show pa. Ang totoo n'yan, isa siya'ng contestant, kaya ako umiiyak kasi naawa ako sa kanya. Imagine mom, ilang beses na syang nagvolunteer to get one of those parts na may longest lines sa song na ipeperform nila pero hindi nila sya pinapansin... wahhh.. mommy.. sabi ko naman na noon sa kanya na i-give up na nya yung dream nya na yun. mayaman naman sila" kwento ko kay mommy at muling nagpahid ng luha.

Natawa lang si mommy sa naging reaksiyon ko. Kainis. Nalulungkot na nga ako dito eh. Mababaw talaga luha ko. Tsaka yung hindi talaga nila pagconsider na bigyan sya ng parts na may longest line. May talent din naman ang kaibigan ko. Akala ba nila sila lang?

"Ganyan talaga anak. Hayaan mo na muna ang kaibigan mo. Kung hindi maging maganda ang resulta sa kanya ng contest na yan, tsaka mo na lang sya kausapin. Suportahan mo na lang muna sya. Matulog ka na. Gabing-gabi na." sabi ni mama. She hugged me at hinalikan ako sa may pisngi. "At isa pa nga pala, dun makikita na gusto talaga nya'ng makamit ang pangarap nya o ang gusto nya. Hindi sumusuko. Ganun ka din dapat. Bawasan ang pagiging iyakin 'nak. "napangiti pa sya, samantalang ako ay napasimangot na lang.

"Mommy naman! Matutulog na po ako, love you. sayang. di ko sya makakausap sa tawag. Goodnight mom" sabi ko sa kanya. Nang makalabas na sya ay nahiga na ako.

JAY PARK or Park Jong Seong, He's been may friend since I dont know when. I'm a pure Filipina pero halos namuhay na ako sa Amerika, since dun na namalagi ang foster-parents ko and that's when I met the family of tito James Park.

Bata pa lang ako nalaman ko na'ng ampon lang ako ng mag asawang Descarten. Hindi ko alam kung sino ang totoong parents ko since iniwan lang daw ako sa tapat ng bahay nila nung time na umuwi sila ng Pilipinas para lang magbakasyon.

Nang matapos ng asikasuhun ang mga papeles na kinailangan para sa legal na pag ampon sakin ay nagmigrate at lumaki ako sa America dahil sa work ni Dad sa Sinar Tours kung saan si tito James ang CEO. Some circumstances happened kaya nagtagpo ang family namin and fortunately, Jay and I became friends. Not as close as bestfriend pero nagbabonding naman kami.

Noon pa man, naku-kwento na nya sakin na gusto talaga nya'ng maging idol. Since rich kid naman sya plus unico hijo pa at ini-spoil sya ni tito, nalaman ko na lang na bumalik na sya sa Korea a month after namin mauna na bumalik dito sa Pilipinas.

Hindi ko na sya masyadong macontact since then, dahil siguro pareho na kaming busy. Ako sa pag aaral, sya naman pag aaral then years ago sa training.

Nagulat na nga lang din ako nang makita ko na isa sya sa 23 contestants ng I-Land at BigHit Trainee na pala talaga sya. Akala ko kasi sa SME sya nagt-train eh.

But no matter what happen, I will assure him that I will be his VERY FIRST FANGIRL.








CLICK⭐

Nakadepende itong mga first few chapters sa naging takbo ng I-Land show noon.

Naka-ilang edits na din ako nito. Hahahaha. Sensya na. Tinatry ko kasing pagandahin. Dahil kahit ako ay medyo hindi kumbinsido na maayos yung story.

Here's a pic of Park Jeong Song

Here's a pic of Park Jeong Song

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon