I'm in Trouble

93 24 0
                                    

JAY'S POV

Hindi pa sumisikat ang araw pero nagising na ako dahil sa pagring ng phone ko.

Sino naman ang tatawag sakin during this time? Sobrang aga pa.

I've been busy for almost half a year dahil sa sunod sunod na events namin plus yung kakatapos lang na series of concerts namin all over the world.

"Dad–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang galit sya nagsalita sa kabilang linya.

"What is it this time, son?" nangunot ang nuo ko sa sinabi ni daddy?

"What, dad?" paglilinaw ko.

" We've been supporting you on what you want to do in your life. Pinapaalalahanan ka naman namin. Stay away from trouble. Don't do something inappropriate. It will ruined you. It will ruin our family. But you still did" ramdam ko na galit si Dad pero pinipigil nya.

Never in my entire life na nagalit sila ni mommy sakin.

"Dad... what.. what are you talking–"

"You didn't know? You're the one who messed things up and now you're asking me what just happened? I told you, WE told you to STAY. AWAY. FROM. TROUBLE." na-i-imagine ko na ang itsura ni dad na galit. Ano bang nagawa ko?

"Dad, hindi namn ako nakikipagbasag-ulo. Maayos naman ang pakikisama ko. Hindi ko kayo maintindihan. Hindi–" for the nth time he cut me off again.

"Knocked up someone. You still didn't know?" natahimik ako at hindi nakapagsalita. Bigla nagprocess ang utak ko sa mga pangyayari nitong mga nakaraang buwan.

That was the time na kakatapos lang ng concert namin dito sa Korea.

We requested na magkaroon ng isang parang victory party. Co-members ko ang may kagustuhan nun and since ayoko naman maging KJ kaya naki-ayon na lang ako.

Sa isang elite bar kami pumunta. Hindi sya yung bar na tulad ng iba na may nagsasayawan, nagmimake out or more than that. They just serve drinks and partly serves food.

Sobrang nadala kami sa pagsasaya kaya hindi na namin namalayan na nalasing na kami. Ayos lang din naman dahil may mga rooms dun and kakilala ng staffs namin ang mga nandun kaya secured kami.

Everything happened so fast that I just woke up the next morning fully undressed with no one beside me kahit na ang alam ko ay magkakasama na kami sa isang room.

I never tell about that to anyone.

"Dad,–" nanahimik na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Now, son. tell me you didn't do such thing. Na ginagawa lang nila yun para siraan tayo. Para siraan ka. Para magpasikat lang sila. Tell me you didn't do it and I'll do everything para malinis ang pangalan mo" gusto kong maiyak sa sinabi ni Dad. Nakakabakla. Sobrang swerte ko sa kanila ni mommy.

"Dad, honestly, I-I dont k-know." sagot ko. I heard him sighed in frustration.

"We'll talk to your company. We should fix this before it reaches the media." sagot ni dad

"Dad, I'm sorry. I'm really sorry" sabi ko na lang.

"Dont worry. we'll fix this. ASAP" pinal.na sabi ni Dad.

We still talk for a couple of minutes after he finally ended the call.

Frustrated akong lumabas ng kwarto ko. Umaga na, at kahit ramdam ko pa din yung pagod ay hindi ko naman na magagawang makatulog. Ngayon ko pa lang natutupad yung mga pangarap ko. yung mga bagay na gusto ko.

Hindi pa din malinaw sakin kung ano ba talaga ang nangyari.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa frustration at hindi ko din alam kung ano ang susunod kong gagawin.

Alam kong sinabi ni Dad na tutulungan nya ako pero nahihiya ako sa kanya. Kasalanan ko ito pero siya yung gagawa ng paraan para maayos ang lahat.

ARRRRGGGHHHHH...







A/N:
mhyghad.... di ko keri yung nangyari. haha.

Wag kayo magagalit ah. Yan kasi yung naisip ko sa simula pa lang. So, isinakatuparan ko lang.

Hindi ko pa gamay ang mga ganitong conflict. Kung pwede nga lang, hindi ko na sana lalagyan
Para happy-happy lang.

I can't imagine Jay knocked up someone.

Daddy Jay. hihi.

EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon