Mycah's POV
Kaagad kaming bumalik ng Pilipinas after ng wedding. Sinubukan kong maging masaya para sa kanya pero hindi ko talaga kaya. Alam ko na obvious na sa mga ikinikilos ko ang pagiging broken hearted ko nang dahil sa nangyari pero ang parents ko ay hindi na lang ako pinapansin.
" Hindi mo man lang ginagalaw ang pagkain mo. Ayos ka lang ba? May problema ba? Tell me?" bahagya ko lang syang nginitian.
Nang malaman ni Adam na nakabalik na ako ay nakipagkita sya sakin. Pumayag na din ako atleast para ma-divert ang atensyon ko. Ayokong isipin yung mga nangyari. Nasasaktan lang ako.
Sobra syang humingi ng tawad sakin na hindi naman na kailangan. Wala naman may kasalanan. Nabubuhay kami sa reyalidad kaya asahan na, na may ganoong pangyayari.
" Medyo may jetlag lang." simpleng sagot ko.
" Edi sana hindi ka na lang pumayag na maikpagkita. Kung gusto mo ihahatid na kita sa inyo. Magpahinga ka na lang muna." alok nya pero tinanggihan ko.
"Gusto ko din naman mamasyal." sabi ko. Pinilit kong ipakita sa kanya na ok lang ako na kahit ang totoo ay sobra talaga akong nasasaktan.
"Good news Engenes, after months of taking their rest from concert tours and events, Enhypens are now back on the track as they announced their upcoming comeback. Engenes still had no idea on why they had their sudden rest but they are now excited after hearing that they will be having a comeback. Series of events are said to be announced on the following days and they will be continuing their concert tours...."
napangiti ako ng mapait sa narinig kong balita. Their back on the track. Ang galing din nilang magtago ng issue na yun.
" I'm going home. Next time na lang tayo mamasyal ulit. Medyo inaantok pa din ako eh" sabi ko at agad na tumayo.
" S-sige. ihahatid na kita." sabi nya. pero tumanggi ako.
" May dadaanan pa ako. magkocommute na lang ako." pagtanggi ko.
" Pero sinabi ko na kina tita..." I cut him off.
" Ok lang. hindi naman magagalit sina daddy kung hindi mo ako ihahatid. Sige na. Salamat. Sorry din. Next time na lang tayo ulit lumabas." pagkasabi ko nun ay nagpaalam na ako at lumabas ng restau.
Agad naman akong pumara ng taxi at sumakay.
"Saan po tayo maam?" tanong sakin ni manong driver.
" Sa malapit na parke po kuya" sagot ko.
Hindi ako tulad ng iba na kapag nasasaktan ay idinadaan sa pag inom ng alak ang lahat. Mas pipiliin ko pa na mapag isa para atleast makapg isip- isip ako.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa byahe. Hindi sobrang bilis ng takbo ng sasakyan dahil na din sa walang katapusan na traffic.
Sandaling huminto ang taxi na sinasakyan ko dahil sa nagred ang traffic light.
I can see cars passing by sa intersection na nasa may unahan lang namin.
Tanging tunog ng mga dumadaan na sasakyan lang ang maririnig hanggang sa may kung anong parang nagbanggaan akong narinig.
Hindi ko na nagawang lumingon pa sa may likurang parte ng walang sabi sabing may bumangga sa taxi na sinasakyan ko.
Sa lakas ng impact ay naramdaman ko na lang na tumilapon na sa ere ang taxi kasama ako at ang driver. Ramdam ko pa ang parang bola na pagtalbog ng sasakyan at ang paghampas ng katawan ko sa kung saang parte ng sasakyan.
Halo halo na ang tunog na naririnig ko pero mas nangibabaw ang sigawan ng mga tao. Manhid ng buo kong katawan.
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero parang naparalisa ako. Gumagana pa ang isip ko pero hindi na kaya ng katawan ko. Sinubukan kong sumigaw pero wala akong magawa. Hanggang sa naramdaman ko ang mainit na likido na dumadaloy sa mukha ko mula sa isang parte ng noo ko. Kasabay ng unti unting pag agos ng likido sa buong katawan ko ay ang pagkawala ko ng malay at tuluyan ng pagdilim ng paningin ko.
A/N:
So etong update na 'to wala talaga ito sa plano ko. Yung mga susunod na chapters ay ganun din.
Sana abangan nyo ang next chapters. masisiyahan kayo, promise. Sana lang talaga may sumusuporta.
wag muna kayo maging silent reader pls.
VOTE and COMMENT kayo.SALAMAT.😘
![](https://img.wattpad.com/cover/233733744-288-k728205.jpg)
BINABASA MO ANG
EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)
FanficFormerly entitled I'm Inlove with the CEO'S Son If you're an ENGENE or ENHYPEN Stan. You could try to read this story of mine. ------------------------------------------ Fanfiction Ex I-Land Contestant and now Enhypen's Member Park Jeong Seong//Park...