Mycah's POV
Inilibot ko ang paningin ko Function Hall. Kahapon pa kami nakarating dito at hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung bakit kami nandito.
I've seen Tito James a while ago pero hindi nila kasamang mag asawa si Jay. Hanggang ngayon hindi ko pa din sya nakakausap.
"Dad, magsi-CR lang po ako" paalam ko.
Kanina pa ako naiihi sa totoo lang. Hahaha.
" Hindi ba pwedeng mamaya na lang. baka magsimula na." si mommy ang sumagot. Sasabog na po pantog ko, kung hindi ko pa ito ilalabas, 'my.
"Sandali lang naman po. Promise nakabalik na ko before magsimula" sagot ko. Alam ko kasi ay may certain event na mangyayari dito, mayà-maya lang kaya kailangan ko talagang makabalik kaagad.
"Sige. Bilisan mo na lang. Ipagtanong mo na lang kung saan ang CR." Pagkasabi nun ay kaagad na akong umalis. Nagtanong ako sa waiter na nakasalubong ko na nagsiserve ng mga foods and drinks sa iilang table na nasa loob.
Medyo natagalan ako kasi nahirapan ako dahil sa dress na suot ko na medyo mukhang gown. Haist. Ewan.
Lumabas na kaagad ako. Hinanap ko ang dati ko pwesto pero natigil ang mata ko sa mga taong nasa unahan.
Tama nga ako, isang kasalan ang pinuntahan namin. Naghanda ako para maging maayos ang itsura ko since malapit daw sa pamilya namin yung ikakasal pero hindi ko napag handaan ang nakikita ko sa kasalukuyan.
Infront, is the man I didn't know I fell inlove with for a very long time. That's why I never tried to be in a relationship before. Kahit nga si Adam na mabait din naman. Boyfriend material, pero hindi ko talaga maturuan ang puso ko na iba ang mahalin.
Alam ko yung rules ng company nila na no one should be in a romantic relationship kaya nakuntento na lang ako sa pagiging magkaibigan namin. Kahit kelan hindi ko nagawang umamin. Para saan pa kung hindi naman pwede diba?
Pero ano to?
Nagkakamali lang ba ako? O sadyang, sya ang groom. Sya ang ikakasal.
Kaya ba inimibitahan kami?
Para ma-witness ito? Kakayanin ko ba?!
Bakit ikinakasal sya? Kaya ba hindi na sya nagpaparamdam dahil dito? Ano ba talaga?
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Imbes na dumiretso sa table kung nasaan ang parents ko ay lumabas ako ng function hall. Pinalis ko ang luha ko dahil nakakakuha ako ng atensyon ng mga nakakasalubong ko.
Nakalabas na ako ng mismong hotel na hindi ko man lang namalayan. Dumiresto ako sa parte'ng walang tao at dun ko ibinuhos lahat ng luha ko.
Ang sakit. Sobra.
Pero wala naman akong karapatan. Hindi naman kami. Kaibigan ko lang sya. Ok na rin siguro yung ganito. Yung hindi nya alam na minsan sa buhay ko ay minahal ko sya. Unfortunately, ngayon ko lang din narealize.
Bigla-bigla, parang gusto ko ng bumalik ng Pilipinas. Kaso baka magtaka sina mommy. Ayokong tanungin nila at magpaliwanag sa kanila. Sasarilinin ko na lang 'to.
Hindi ko na alam kung gaano na ko katagal na nasa labas ng hotel. Siguro tapos na yung wedding. Napabuntong hininga ako dahil ang bigat ng pakiramdam ko.
Natigil ako sa paglalakad pabalik sa loob ng hotel ng pagtalikod ko ay bumungad sakin ang lalaki'ng ayoko pa sanang makita sa ngayon.
"My–" pinilit kong lapitan sya habang hindi inaalis ang ngiti sa labi ko.
"Congrats. I got surprised by your sudden wedding but I'm happy for you" plastik na sagot ko.
" I'm sorry–" I cut him off.
"It's ok. Atleast you invited me here. I got the chance to witnessed my friend's wedding" sabi ko. For sure halata nya ang naging pag iyak ko kanina.
"You cried..." he stated.
"Ahm.. y-yeah. because I'm happy to see you getting married." pinahid ko ang luha ko at nginitian ko sya. "You're a real man now. I'm happy that you are starting building your own family." sabi ko. Wahhh.. gusto ko ng maiyak ulit ng malakas kahit na kaka-kalma ko lang. Konting konti na lang. Pls, sana naman umalis na sya dito. Hindi ko alam kung gaano ko pa kayang pigilan ang luha ko. Ang sakit eh. Sobra.
A/N:
so yun, naiyak ako sa chapter na to. Ang sakit kasi para sakin na yung taong gusto mo sa iba mapupunta. hahaha.. parang ako yung nasa sitwasyon nya.
sana ok lang.
VOTE. COMMENT. SUPPORT
BINABASA MO ANG
EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)
FanfictieFormerly entitled I'm Inlove with the CEO'S Son If you're an ENGENE or ENHYPEN Stan. You could try to read this story of mine. ------------------------------------------ Fanfiction Ex I-Land Contestant and now Enhypen's Member Park Jeong Seong//Park...