Voucher

101 25 1
                                    

MYCAH'S POV

"Wahhhh... nakakainggit ka naman. matalino din ako pero bakit hindi ako kasama sa exchange students? nakakainis ka." natatawa na lang ako sa pagta-tantrums ni Leanne. Parang bata.

"Gusto mo? ipapakiusap ko sa dean na ikaw ang ipalit sakin" sabi ko sa kanya.

" E di'ba sabi mo nga, may nag-vouch for you. So kung hindi ikaw ng ipapadala wala din yung vouchers. knowing Mr. Dean, mayaman pero kuripot. Eh fund naman ng school yun, hmp." natatawa na talaga ako sa kanya. Grabeng manlait sa dean namin eh. But she's right.

Last week tinawagan ako ng school telling me na pumunta sa dean's office kinabukasan. Then nagpunta ako the next day and he already discussed about me being an exchanged student... knowing me na ayaw talaga magtravel kasi once na maging komportable na ako sa isang lugar ayoko ng umalis.

Dati nga nung lumipat kami dito sa Pilipina from US, ilang buwan kong kinumbinsi ang parents ko na sa US na lang ako ulit pag aralin. sabi ko pa na hindi ko yata kayang mabuhay dito sa Pinas. Pero ayun, naka adjust naman.

Anyway, back to the topic. Sobra ang pagtanggi ko pero in-explain nila sakin or samin ang lahat. may nagbigay daw ng vouchers, and if hindi ako kasama babawiin nila yun. So nakiusap sila. besides biggest opportunity na daw yun para sami'ng lahat. Ang ending, sa Brunei kami for almost 2 months. shocks. Malapit na magpasko andun pa kami.

" Natatakot ako sa totoo lang" sabi ko sa kanya.

"Mm? Bakit naman?" tanong nya sakin. umiling ako.

"Basta. Hindi ko sure kung takot or kaba lamg yung nararamdaman ko. Para kasing may kakaibang pangyayari or mangyayari kapag nasa Brunei na kami. Wala dun ang parents ko kapag kailangan ko sila" sabi ko sa kanya.

" Sira! Nandun si Adam, remember? Senior HighSchool pa lang tayo crush ka na nun. Di mo naman pinapansin. Konti na nga lang iisipin namin na kapwa.mo babae ang hanap mo" napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi nya. Ang out of this world naman kasi ng sinabi nya. "Tsaka isa pa, konting push na lang graduate na tayo, nauna na nga si Ate Jane eh. Magandang ilagay sa credentials ang mga ganyang experiences. Dagdag kolorete kumbaga. Which is mabuting dulot din naman." dagdag pa nya.

"OA mo girl. Wala pa lang talaga sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon" sagot ko sa kanya. "Pero tama ka. Makatu-tulong yun para mapaganda ko background ko. " pagsang-ayon ko naman.

"Haynaku! May hinihintay ka lang talaga. Nasa Korea. Diba?" natameme ako sa sinabi nya.

Nadulas ako nun sa pagsabi ng pagkakaibigan namin ni Jay. Just what I thought pinagtawanan nya ako. As in. Hindi sya naniwala. Pero nung one time na nagvideo call sakin si Jay at sakto na tambay si Leanne sa bahay ay ipinakilala ko sila sa isa't-isa. At hindi sya nakapagsalita for I dont know how long. nakatulala lang sya sa screen ng laptop ko at nung makaget over ay sobra sa tili ang naging reaction nya. Tapos kaagad na i-dinial ang phone number ni ate Jane at ibinalita doon ang nalaman nya.

Mabuti na lang at hindi namin kasama si ate noon, dahil sigurado ako na sasakit ang braso at balikat ko sa ka-ha-hampas nila dahil sa kilig.

"Tumahimik ka dyan!! At tsaka hindi sya ang dahilan... Ayoko pa lang talaga" sagot ko sa kanya.

"Ok. Kunwari napaniwala mo ako. hehe." hinampas ko sya sa balikat kaya napadaing sya. Nag-irapan lang kami hanggang sa magsawa.

" Punta ka sa bahay sa weekend ha? Tulungan mo akong mag-empake" sabi ko na lang.

"Akala ko ba ayaw mo?" ngitian ko lang sya.

" Grab the opportunity na." sabi ko. nagthumbs up naman sya bilang pagsang ayon sa sinabi ko.

"Pasalubungan mo ako ng pogi ha? I'm sure may mga magiging kaklase kayo na taga foreign country din. hihi" natawa na lang ako at nag oo sa pakiusap nya. Tsaka si ate Jane. Alam mo naman yun, walang pakialam sa mundo basta may trabaho." Baliw na talaga ang kaibigan ko. "Actually, kahit wala na para sa akin, basta magdala ka ng jojowain ni ate." Haha.

"Wow ha?! Parang napakadali naman ang request mo. Pasasalubungan na lang kita ng T-Shirts na may nakatatak na 'I ♥ Brunei' para tipid. Hahahahah" sinimangutan nya ako sabay walk out. Hindi naman sya galit pag ganun. Nag iinarte lang.








A/N:
VOTE🙏

EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon