Love

141 28 0
                                    

PRESENT DAY

JAY'S POV

Excited akong bumaba ng bus na sumundo samin mula sa military camp na pinanggalingan ko.

Natapos na ang 18 months na military service ko. Gustong-gusto ko nang umuwi sa Pilipinas, pero may mga bagay na kailangan ko pang asikasuhin kaya magtatagal pa bago ko sila tuluyang makita.

" You look like you're gonna cry, hyung" sinamaan ko lang ng tingin si Jake. We had our military service together with Heesung-hyung and Sunghoon.

"Shut up. I just miss my family" honest na sagot ko.

" Parang gusto ko na tuloy mag asawa. haha." sabi ni Jake. Alam kong biro lang yun pero binatukan namin sya ni heesung-hyung.

"Magpaalam ka muna sa kuya" biro ko na ikinatahimik nya.

Nakangiti na tiningnan namin si Sunghoon na tahimik lang. Ayan kasi, ipinakilala pa si Jake sa kapatid.

"Change topic. Bata pa ang kapatid ko. wag nyo syang pag usapan, mga loko" imbes na manahimik ay pinagpatuloy lang namin ang pagtukso kay Jake at sa kapatid ni Sunghoon kaya itong kuya ay galit na. Haha.

"Oppa!" lahat kami ay napalingon.

"Ehem. Tara na hyung, nasa kabilang banda ang susundo satin" hinila ko na si Heesung hyung papunta sa kabilang direksiyon.

Nilingon pa namin si Sunghoon at Jake at gusto naming matawa, yung tingin kasi ni Sunghoon kay Jake ay parang binabalaan nya si Jake na huwag ang kapatid nya. Samantalang si Yeji naman ay tahimik lang at hindi na nagsasalita pa dahil alam nyang seryoso ang kuya nya. haha.

Mycah's POV

"Mommy, naalala nyo na po ako?" inosenteng tanong ng anak ko.

Malungkot ko syang tiningnan pagkatapos ay umiling. Hindi ko naaalala na nagbuntis ako. Pero base sa mga videos na napanood ko ay nangyari nga iyon sakin. Araw-araw ay ganoon ang routine ng mga kasama ko dito sa bahay— ang ipaalala sakin ang mga nangyari nung mga nakaraang araw, buwan at taon.

"Uuwi na daw po si daddy, diba? Pati po sya di nyo naalala?" gusto ko ng maiyak sa totoo lang. Siguro sobrang hirap sa kanila ang nangyayari sakin. Knowing na magigising nga ako sa bawat araw pero wala naman akong naalala sa mga nangyari ng nagdaang araw.

"I'm sorry baby. Pero promise gagawin ni mommy ang lahat para makaalala ako ulit. Mahal na mahal ko kayo ni daddy." sabi ko. Nauna syang yumakap sakin kaya niyakap ko din sya ng mahigpit at tuluyan na akong naiyak.

"Can I join you both?" sabay kaming napalingon sa may pintuan kung saan nanggaling ang nagsalita.

"Daddy!!" kumalas sakin ang anak ko at lumapit sa tatay nya.

"Hi babies." malawak ang ngiti na sabi nyam Karga ang anak ay nilapitan nya ako at humalik sa labi ko. " I miss you both" malambing na sabi nya.

"Jay?! You're here!" napalingon kami kay mommy na gulat na gulat.

"Mommy. Namiss din po kita" sabi nya at hindi ko napigilan ang hindi matawa. Baluktot talaga eh.

" Don't laugh at me wife. I'm still trying." parang nagtatampo na sabi nya.

"Sorry. You're just too adorable when you tried to speak tagalog." sabi ko.

"Stop that, let's just eat." sabi ni mommy. Karga pa din nya ang anak namin ay sumunod na kami kay mommy papunta sa Dinning.

THEY are playing some kind of video games.

" You loose daddy. yehey!! I won!" tumalon-talon pa ito sa kasama. Sobrang saya nya dahil natalo nya ng tatay sa nilalaro nila.

" Yes son, next time we play I won't let you win." nawala ang ngiti ng anak namin. Napansin nya na nakasilip ako sa may pinto kaya agad syang tumayo at lumapit sakin.

" Mommy, daddy will never let me win agad. Diba po bad yun?" sabi nya. natawa tuloy ako.

"Please speak in english baby. Daddy can't understand you" nakisali na si Jay sa usapan namin mag ina.

"I wont daddy, para di nya malaman kapag may secret kami, diba mommy?" natawa na ako at nakita ko ang pagkamot sa batok ni Jay.

" We should teach daddy, ok? Dapat walang secret. And daddy love you that's why he let you win." sagot ko sa bata.

"I love daddy too. And You. and grandmas and grandpas." nakangiti na sabi nya.

"We love you too baby. And of course you, wife" nakangiti na nilapitan kami ni Jay. Kinarga nya ang anak namin at niyakap nya sa bewang ko ang isa pa nyang braso.

" I hope tomorrow when I wake up, won't forget this. I want to treasure everything but I can't" sagot ko.

" You'll get through this. We will all do." sagot nya.









A/N:

next chapter will serve as my last chapter. Then epilogue kapag sinapian ako ng kasipagan.
😁

EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon