Simula

540 245 99
                                    

Mara's POV

"M-ara!Mara!MARA JANE! Tara dito" sigaw ng impakta kong kaibigan.

"Ano na naman?" kunot noo kong tanong. "Utang na loob! wala na kong pera pang libre sayo , may ambagan pa kami sa floorwax."

"O.a mo Vallejos! Yung crush mo lang naman kasi nasa tapat lang naman ng room natin."  sabay irap.

"Bakit naman ngayon mo lang sinabi na inaantay na ako ng asawa ko? at huwag mo kong mairap irap jan , dukutin ko mata mo." karipas kong takbo palapit sa bintana.

"Tigas ng mukha mo Mara! Asawa ng marami yan !" pahabol niyang sigaw.

Tinanaw ko mula sa bintana ang asawa ko ...sa panaginip. Makita ko lang ang singkit niyang mata, matangos na ilong, mapupulang labi, makinis na balat, at maging ang kanyang buhok na laging nakaayos ay buo na ang araw ko. Nakakatuwang isipin na nauuto ako ng mga kaklase ko sa tuwing napapagawi ang tingin niya sakin.

"May mahalaga akong anunsyo!" sigaw ng kaklase ko ngunit hindi ko pinansin. "Pinagdiriwang natin ngayon ang kasiyahan ni Mara Jane, dahil diyan pumunta tayong canteen. Sagot niya, ang break time natin!" ma-otoridad na saad nito.

"Anak ng tupa!" bumaling ako sa gawi ng makapal na muka kong kaklase.

"yun oh!"

" chaofan lang akin."

" Mara, 26 lang naman tayo ngayon na pumasok."

"Ang ganda mo Mar-" alulong ng mga kampon ng libre.

"Sige tara! Libre ko na kayong lahat. 26 lang naman tayo ngayon diba? Ako ng bahala. Isang tao ,isang fresh mint candy. Palamigin natin mga bibig niyo na parang nag wi-withdraw sa atm." sagot ko agad.

"kilala niyo si Mara Jane? balita ko ubod ng kabahuan nun"

"Balita ko nga, wala siyang pag-asa kay Patrick !"

"kawawa naman pala yun. Pangit na nga, pati lovelife niya pangit rin."

Agad ko silang pinanlisikan ng mata. Para saan pa ang bulungan nila ,kung narinig ko naman halos lahat ng kahol nila.

"Ganto!Nakikita niyo yun?" sabay turo sa crush kong naglalaro ng badminton. "Lahat tayo dadaan sa gitna. Magpapapansin tayo habang naglalaro sila. Ang hindi sumama, walang withdraw. Deal?"

"Ayoko, kaya niyo na yan."

"Papansin lang si Mara!"

"Baka hampasin ako ng raketa, sayang yung maganda kong mukha."

Halos lahat nag back out sa plano ko, pero may hindi parin nagpatinag. Limang buraot ang sumama sakin. Lumabas kami para gawin ang napaka brilliant kong plano. Palapit na kami sa kanila ng biglang ...

"Anak ka ng petchay at talong! ang sakit!" reklamo ko. Tumama kasi sa noo ko yung shuttlecock na pinalo ni baby boy ko. Talande!

"Mara! Okay ka lang?" tanong ni alex.

"Sis! ang sakit , bato ba yung tumama sakin? Natapyasan ata ako ng noo." hawak ko ang noo sabay tingin sa kamay kung may dugo.

Naramdaman ko nalang na may palapit na sa amin at yun ay walang iba kundi si Patrick Mikael Dela Ramos. Gwapo!

"Miss, okay ka lang ba? sorry, hindi ko napansin yung pagdaan niyo." concern niyang sabi.

Run to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon