Chapter 43 (Sweet good night)

1K 34 1
                                    

Matapos ang hapunan sa hapag ay hindi umalis ng kitchen ang tatlong munting señorita.

" Ate, tutulong ako maghugas! " wika ni Illacaccy.

" Kunin mo na lang iyong mga baso roon! " utos ng ate.

" Ate, ako na ang magbabanlaw." ani naman ni Alexander.

" Teka? Dahan-dahan baka mabasag. " palala ni Maria Carllotta.

" Heto na, Ate! Pwede na ba akong tumulong?" ani Illacaccy.

"Oo na!" payag nito.

Sa sala.
Nakaupo sa sofa ang mag asawa samantalang ang tatlong binata naman ay nasa kabilang sofa gumagawa ng research at tila nakaharap sa sariling laptop.
Mapupuna ni Mia na hindi pa lumalabas ang tatlo niyang prinsesa.

" Ano bang ginagawa nila sa kitchen?" poagtataka ni Mia.

" Dito ka lang, Sweetheart! " hila niya sa asaw.

" Carlos, h'wag mong sabihing may alam ka?? " singil sa asawa.

" Naghuhugas ng mga plato ang tatlo mong prinsesa! " pa alam niya sa asawa.

" Ano? Bakit hindi mo sinabi? " agad niyang alis sa sala at pumunta sa Kitchen.

Maabutan niyang nag uusap ang mga anak habang nag eenjoy sa ginagawa.

" Ate, totoo ba iyong sinabi ni kuya Fierce. Doon sa mga ginagawang trabaho ni Mama dati para lang makapagtapos ng pag aaral?" usisa ni Alexander.

" Oo, iyong sarili niyang dig...... " hindi matapos ang sasabihin ni Maria Carllotta ng marinig ang wika ng mama nila.

" Ano yan? " usisa niya sa pintuan.

Lilingon silang tatlo at tutugon.

" Sorry po, Mama! Hindi kami nakapag paalam! " paumanhin ng tatlo.

" Kayo talagang mga bata, oh! Hindi niyo sinabi sa akin na gusto niyong maghugas ng pinggan! " ani ng Mama nila.

" Sorry, Mama!" wika ni Maria Carllotta.

" Hali nga kayo ditong tatlo! " palapit sa mga anak.

" Sorry ho talaga, Ma! Gusto kasi naming maranasan yong naranasan niyo dati! " wika ni Illacaccy.

" Mga anak, hindi ko nais na maranasan niyo ang dinanas ko noon! Ayokong lumaki kayo na palaboy at rumaraket para lang mabuhay kaya mag aral kayong mabuti para makahanap kayo ng magandandang trabaho!" payo sa mga anak.

" Eh, Ma! Totoo ba iyong sinabi ni kuya Fierce? " usisa ng tatlo.

" Oo, iyong bininta ko ang sarili kong dignidad para maoperahan at mabuhay. Kaya mga anak sundin niyo lagi ang mama at papa niyo! Maliwanag ba? " wika niya sa mga anak nito.

" Opo, Mama! " yapos sa mama nila.

" Sige na! Tapusin niyo na ang ginagawa niyo. At oo nga pala, iyong tatlo niyong kuya mukhang stress na sa research nila. Alam niyo na ang gagawin." bilin niya.

" Opo, Mama! " tugon uli ng tatlo.

Bumalik naman sa sala si Mia.
" Sweetheart!" hawak sa kamay ni Mia.

" Carlos, ano na naman iyan? " usisa niya sa asawa.

" Wala, Sweetheart! Ima-massage kita! Mukha kasing mas stress ka pa sa akin! " ani Carlos.

" Stress pala ha! " sabay pinitik ang ilong ni Carlos.

" Aray! Ang sakit no'n, Sweetheart!" habang hawak ang ilong niya.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon