Chapter 67 (New maid's)

554 20 1
                                    

Umuwing malungkot si Dierce dahil di niya napapayag si jenny.
Sasalubungin siya ng kaniyang mahal na prinsesa.

" Hi kuya. Why are you sad? " tanong ni Illaccacy.

" Wala, my naughty princess. Teka? Saan sina mama? " hanap nito.

" Nasa trabaho, they said na magpapadala ng bagong katulong ang agency para katulong ni Manang sa kusina at sa lahat ng gawain." paalam ng kapated nito.

" Massage mo nga ako my princess! Masakit kasi ang likod ehh! " wika niya sa kapatid.

" Sige kuya, pero sa isang kondisyon!" ani Illaccacy.

" Aba. Kailan ka pa nagkaroon ng kondisyon?" ani Dierce.

" Syempre ngayon, kailangan mo akong turuan maglaro ng Ml. " kondisyon nito.

" Hala, papagalitan ako ni Mama kapag tinuruan kita! Magcandy crush ka nalang." ani Dierce.

" Kuya naman. Sige na! " pilit nito.

" H'wag na! " tutol nito.

" Okay, h'wag na nga. Ima-massage na nga kita." massage niya sa likod ng kuya.

" Diininan mo pa my princess!"

" Kuya, sabi ni ate Maria Carllotta may binata daw siyang nakita kahapon tapos biglang nawala. Sa tingin mo kuya, imposible kaya iyon?" tanong ng naguguluhan na si Illaccacy.

" Teka? Hindi ko ata alam yan? " ani Dierce.

" Tapos kuya, tinulungan daw siya ng guy don sa manggahan." kwento pa ni Illaccacy.

" Teka? Di niya ata sinabi sa akin! Teka? Nasaan ang ate mo? " hanap nito.

" Nasa taas kasama sina kuya Fierce, nagkukuwentuhan sila tungkol sa mga multo. At saka nakakatakot na mga kwento " ani Illaccacy.

" Eh, bakit andito ka? " tanong sa kapatid.

" Kuya, takot po ako sa multo at namis kita eh." lambing ng kapated nito.

" Ikaw talaga, ang lambing-lambing mo. Halika ka sa taas makikisama tayo sa kwentuhan nila. " yaya sa kapatid.

" Kuya, ayoko nga! Takot ako sa multo at iba pa. Kaya dito nalang ako at hihintayin ko iyong bagong maid. " wika ni Illaccacy.

" Oh, sige. Mauuna na ako sa taas! " gulo niya sa buhok ng kapated bago umakyat.

Sa kwarto nina Fierce, panay ang tawanan habang umiiyak na sa takot si Maria Carllotta.

Tinatakot pa rin nila ang mga kapatid na babae habang takot na takot na nakayakap sa kanila.

" Kuya, tama na." pigil ni Maria Carllotta.

" Tapos, iyong babaeng white lady nagpapakita sa mga takot na babae sa kwarto nila." sabay gulat ni Fierce sa mga kapatid.

Mas lalong lumakas ang iyak ng dalawa.
" Isusumbong ko kayo kay mama. Bad kayo kuya! " sabay palo sa mga kuya niya.

" Hay naku! Pinaiyak niyo na naman ang mga iyan! " ani Dierce sa pintuan.

" Kuya, tinatakot nila kami." sumbong ng dalawa sa kuya Dierce.

" Shhh tahan na. Hali kayo rito! " paupo sa dalawang prinsesa.

" Tol, nakita muna ba yung bagong labas na video games?" tanong ni Fierce.

" Hindi pa. Bakit? " tugon ni Dierce.

" Tara download natin." yaya ni Thierce.

" Kayo nalang masakit ang ulo ko ngayon." higa nito sa kama.

Lalapitan siya ng dalawang kapatid na babae.

" Kuya, okay ka lang ba? " wika ni Alex.

" Kuya, gusto mo bang kumuha ako ng gamot!" ani Maria Carllotta.

" Gusto ko lang matulog ng tahimik, kaya bumaba muna kayong lahat!" tugon ni Dierce.

" Oh, kuya Fierce at kuya Thierce! Baba raw muna kayo. " palayas ni Alex sa mga kuya niya.

Magsisialisan ang mga kuya nila at tutungo sa baba.
" Kuya, ano bang pinag usapan niyo ni ate Jenny? " usisa ni Alex.

" Haystt, tinanggihan niya ang offer ko at binasted niya rin ako. Alam niyo ba di ko maintindihan yung gaya ni Jenny, tinutulungan na nga ayaw pa! " wika ni Dierce na tila ba naiinis pa rin.

" Kuya, sad ka ba? " ani Maria Carllotta.

" Yayakapin ka nalang namin, Kuya." sabay yakap sa kuya niya.

Hihiga rin si Alex at yayakapin ang kuya niya.
" Napaka sweet naman ng mga kapatid ko! " sabay kiss sa noo ng mga kapatid.

" Kuya!" tawag ni Alex.

" Yes, my Little princess!"

" May nag-chat sa akin kanina." pa alam sa kuya.

" Teka? Anong pangalan niya? " usisa agad sa kapatid.

" Kuya, Si Diego Yhune Fuentaverdes." tugon ni Alex.

" Aba! Mukhang nangangamoy crush ang little princess natin, ah!" titig rito.

" Kuya naman. Nag hi lang naman siya saka sineen ko lang." wika ng lokong si Alex

" Bakit mo sineen? " tanong ng kuya niya.

" Ah, ehh, ewan kuya! " kamot ni Alex na tila hindi rin alam ang sagot.

" Eh, ikaw Maria Carllotta? saan na yong guy na tumulong sayo? " tanong niya sa kapatid.

" Wala, biglang naglaho na parang bula." malungkot na tugon sa kuya.

" Ikaw talaga, ang sabihin mo Stranger lang yung nakilala mo! " ani sa kapatid.

" Sana nga, kuya." sang ayon niya.

Maririnig ang mga yabag na paparating.

" Juya Dierce, dumating na iyong bagong maid." hingal ni Illaccacy.

" Oh, ganun. Bakit maganda ba iyong bagong maid? " lokong tanong ni Dierce.

" Oo. Bilis at tingnan niyo sigurado akong magugulat kayo? " pa alam ni Illaccacy sa mga ito.

Nagsibaba na ang tatlong dalaga samantalang si Dierce naman ay papasilip pa lang ng sala.

Ngingisi ito ng masilayan ang bagong maid na dinala ng Agency.

" Hm mukhang may kalalagyan ka sa akin, ito pala ang pinili mong tadhana, tingnan ko lang kung hanggang saan ang kaya mo." ngising may binabalak na si Dierce.

Sa sala.
Gulat na gulat ang lahat ng makita ang bagong maid.

" Ms. Medez? Ikaw ang bagong katulong na pinadala? " pagtataka ni Fierce.

" Oo, Señorito. Huminto na ako sa pag aaral saka wala na akong choice kaya pumasok na ako bilang katulong! " tugon nito.

" Kuya, bumaba kana riyan. " tawag ni Maria Carllotta.

Maririnig ang yabag ng tsinelas na pababa ng stairs.
" Anong ginagawa ng babaeng yan dito? " pasungit na tanong ni Dierce.

" Kuya, yung bagong katulong ni manang." pa alam ni Maria Carllotta.

" Iyan? Bagong katulong?" lapit nito sa dilag at tinitigan ng masama.

" Masama bang maging katulong? " tanong niya.

" Well, dahil ito ang pinili mong kapalaran. Humanda ka! Jenny Medez." banta ni Dierce sa dalaga bago tumungo sa kitchen.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon