Chapter 53 (Identity and Love)

767 28 1
                                    


Sa kabahayan.
Kung saan makikita ang mga bahay ng mga katiwala at manggagawa ng Hacienda San De la Vega.

Masaya ang parte ng bayang ito at malapit sa hacienda na kung saan sila nagtatrabaho.

May mga batang naghahabulan sa gitna ng tirik na araw.

Dito rin nakikipaghabulan ang mga señorito at señorita nong maliit pa.
Sabay-sabay silang namulat sa labas ng kanilang mansiyon.

Sa isang banda may munting bahay na yare sa isang simpleng kagamitan at di gaanong kalakihan.

May dilag na nakadungaw sa bintana at nakasuot ng damit na simple ngunit bumagay sa kayumanggi niyang kulay.

Hindi siya maganda at wala rin siyang lahing banyaga.

" Jerimy, " tawag ng tatay Ben niya.

Ngunit tila di niya narinig ang pagtawag ng tatay niya.

Lalapitan siya ng amang nanggaling sa Hacienda.

" Hoy! Sino na naman niyang iniisip mo? " tapik sa balikat ng anak.

" Tay, talaga! Nanggugulat. " tugon niya at nagmano ito.

" Paano kanina pa kita tinatawag. Saka wala pang alas kwatro." puna nito.

" Sabi ho kasi ni Señorito baka pagalitan niyo siya kapag hindi ako nakauwi ng alas kwatro! " katwiran ng anak niya.

" Ganun? Teka? Bakit parang malayo ang tingin ng anak ko? May nangyare ba sa Mansiyon? Saka research lang ba talaga ang ginawa niyo? " usisa sa anak.

"Tay, naman. Saka nakakainggit sila, Tay. Kompleto sila at masaya samantalang ako walang ina at wala ring kapated." malungkot niyang wika.

" Ikaw talaga bata ka! Kahit wala kang ina ehh narito naman ako. Saka andon naman ang tiyahin mo. Teka, hindi mo ba talaga napapansin na dalaga kana. Hindi mo iniisip na ikaw ang unang babaeng hinarap ng señorito sa mga magulang niya." pa alam sa anak.

" Anong ibig niyong sabihin, itay? "

Uupo ang tatay niya sa upuan at ibaba ang sumbrerong suot.
" Ibig sabihin non ay ikaw ang magiging señorita niya! " seryosong tugon sa anak.

" Nagbibiro ba kayo, Tay? "

" Hindi, anak. Sa simula pa lang noong bata pa kayo ay alam kong may pagtingin na siya sa iyo. Lagi siyang nakatitig sayo at ilang beses ko siyang nahuli. Simula no'n kinilala ko siyang mabuti. Ang kaniyang ugali na pinapakita sa  Mansiyon at dito sa kabahayan ay iisa, anak. Hindi ba't matagal mo na siyang gusto?" usisa sa anak.

" Itay, magkaiba kami. Alam mo namang nasa taas sila at nasa baba naman tayo. Langit sila lupa naman tayo! Saka maraming nababagay sa kaniya na mas maganda at kasingyaman nila hindi katulad ko walang ipagmamalaki at ang pangit ng pangalan. " mahinang katwiran ni Jerimy sa ama.

" Ikaw talagang bata ka! Ang baba ng tingin mo sa sarili. Hali ka nga dito." yakap niya sa anak..

Sa kabilang banda.
Sa Mansiyon ng San de la Vega.
Nasa kama si Fierce nakaupo at may hawak na phone.

Habang inaayos ang research ng pangit niyang mahal sa laptop nito.

" Ang pangit na iyon. Hindi pa rin nag o-online! " inis ni Fierce at inihagis ang phone sa sofa.

" Ehem, mukhang may hard to hard love life ang isa diyan! " padinig na inis ng dalawang kapatid na papasok.

" Sa walang love life diyan. H'wag kang magpadinig!" tugon naman ni Fierce.

" Grabi, ang sakit. Fine ako na ang walang love life. " walk out ni Dierce.

" Hala kuya, tinamaan si kuya Dierce!" ani Thierce na napatawa.

" At ikaw naman. Bakit andito ka? " usisa sa kapated.

" Kuya, si Maria Carllotta nagtatampo sayo. Kanina pa iyon nagkukulong sa kwarto niya." pa alam ni Thierce.

" Ikaw, bakit ngayon mo lang sinabi? " singil nito.

" Paano? Hindi ka naman marunong makiramdam? " katwiran sa kuya niya.

Pinuntahan agad niya ang kapated sa kwarto.
" Maria Carllotta, pwede bang pumasok? " paalam nito.

" Kuya, busy ako! " hikbi nitong tugon.

" Humihikbi ka ba? " usisa niya sa pintuan.

" Hindi kaya. Gusto ko lang mapag isa!" tugon ng kapated niya sa loob ng kwarto.

" Bubuksan ko ito!" bukas niya ng pintuan.

Bubungad sa kaniya ang kapated niyang nakasubsob sa unan.

" My Maria Carllotta, nagseselos ka ba?" usisa sa kapated.

Napatango na lamang si Maria Carllotta.

" Shh, tahan na! " hawi sa luha ng kapated.

"Kuya, naiinggit ako. Kasi iba na ang kasama mo at hindi na ako. Hayaan mo kuya sasanayin kona ang sarili ko na hindi na kita lagi kasama. Alam mo bang bagay na bagay kayong dalawa. Sabi ni papa at mama, kapag dumating kana sa hustong edad kailangan mo nang ikasal sa kaniya.  Malulungkot ako kasi maiiwan ako rito. Nasasaktan pa rin ako kuya!" paliwanag ni Maria Carllotta.

" Hali ka nga dito. Tahan na. Wala kang dapat na ipagselos dahil kapated kita at siya ay magiging kabiyak ko. Tahan na sa paghikbi hindi kana bata." yakap sa kapated niya..

Dumako naman tayo sa bayan ng Errose.
Ang bayang hitik sa kaunlaran, oportunidad, edukasyon at pangarap.

(Breaking news)
" Narito tayo sa International Airport of Errose na kung saan ay makikita niyong puno ng mga bodyguards ang bawat dadaanan ng mga passenger dahil sa nagbabalik na señora at señore ng Errose. 27 years ago ng mawala at ipadukot ang nag iisang heredera ng Errose, tama nga kayo sa inyong narinig may totoong heredera ang bayang Errose. Ang bayang popular kahit saan mang dako. Heto tayo ngayon nag aabang sa paglapag ng Private Plane na sinakyan ng Señore Cashpian IV, at señora Casheandra I, kung inyong iisipin si señore Cashpian IV ay may nag iisang pinsan si Major corporal captain Cashpian II, na kabiyak ni Ms. Celline. Si Ms. Celline naman ang nag iisang rosas na pinag awagan ni Mr. Leandro ng Kallon at Sir Cashpian II, kung ating babalikan ang kanilang pagmamahalan ay napakasalimuot talaga, ngunit hindi yan ang inaabangan namin ngayon. Inyo namang makikita madaming paparazii at ibang press con ang narito. At ang gusto naming makuha ay ang pagfeature sa paglabas sa passenger line ng señore at señore! Manatiling nakatutok! Errose flash report!" pagbabalita ng news caster.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon