Chapter 100 ( Final Chapter)

1.6K 33 10
                                    


Kinaumagahan
Nagising na lamang si Mia sa kwarto niya nang marinig ang mahinahon musika sa isang lumang de cassette.

Ang musikang hindi niya narinig simula noong unang gabi ng kanilang pagkikita.

Mia Pov's
Ang sakit ng katawan ko.
Si Carlos kasi hindi napigilan yong pagka obsess niya.

Ayan tuloy, late akong nagising at nandito pa rin sa kama.

Saan ba yon at iniwanan ako sa kama.
" Good morning, Sweetheart." bulong niya sa likod ko.

" Ay naku! (pagkagulat ko) Ba't ba nanggugulat ka? " maaga kong sumbat sa kaniya.

" Sweetheart, I know masakit pa yang katawan mo kaya matulog ka muna diyan, (pahiga niya sa akin) at ako naman ay papasok na. " wika niya habang bihis na bihis.

" Paano iyong presentation ko mamaya? " ask ko sa kaniya.

" Ano ka ba, kinansel ko na yon kahapon pa. Heto, magbihis ka at nakahanda na yong dinner mo sa baba. " bilin niya sa akin at hinagkan sa noo.

" Carlos, yong buhok mo. " puna ko.

" Sweetheart talaga, " kiss niya sa pisngi ko.

" Pasok kana, baka malate ka pa." ani ko.

" Bye, Sweetheart" hawak niya sa pisngi ko at hinagkan sa labi.

" Carlos, di ka talaga nakukuntento. "

" Bye, magbreakfast ka mamaya Sweetheart. " hug niya sa akin.

" Sige na, alis kana. "

" Bye, " paalam niya bago kurot sa pisngi ko.

Aray, naman ang sakit non ha.
Pati pisngi ko kawawa sa kaniya.
Lagi niya nalang namumula.
Pag alis niya ng pintuan ay agad akong napansin.

May naririnig akong pagtakbo ng isang orasan na tila matulin ang pagtakbo.

Hindi ko na lamang pinansin iyon at humiga na lamang ako sa kama.

Carlos Pov's
Papalabas na ako sa sala, " manang, gisingin niyo mamaya ang Señorita Mia." bilin ko kay manang bago lumabas ng pintuan.

Hawak ko na ang bag ko at ang key ng kotse ko.
Pagkapasok ko ay agad akong nagmaneho.

Nang makarating ako sa gate at binuksan naman ni Manong Edie yong gate.

" Mag ingat kayo, sir Carlos." bati ni manong sa gate.

" Kayo din manong. " tugon ko.

Nagmaneho na lamang ako at itinuon ang atensiyon sa daan.
Maya-maya pa'y may narinig akong malaking pagsabog na halos yumanig ang lupa.

Bigla nalang akong kinabahan sa narinig.
Ibinalik ko ang kotse patungong gate.

" Manong, anong nangyayare? " usisa ko.

" Sir Carlos, ang señorita Mia. " wika ni manong natulala habang nakaharap sa mansiyon.

" Mia, " dali-dali kong baba sa sasakyan at kumaripas ng takbo patungo sa nagliliyab kong Mansiyon.

Nagliliyab sa apoy at halos di ako makapaniwala habang tumatakbo.

" Ang asawa ko," tangi kong bukang bibig.

Pagdating ko sa harapan ng Mansiyon ay bigla nalang gumuho ang ikalawang palapag.

Nagpumilit akong puntahan si Mia ngunit ako'y pinigilan.

" Sir Carlos, mapapahamak kayo sa loob! " pigil sa akin ng dalawang bodyguards na nakadestino sa labas ng mansiyon.

" Bitawan niyo ako, ililigtas ko si Mia! " pagmumumiglas kong ulit.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon