Chapter 58 ( Sa Kandungan ng aking Ina)

859 26 2
                                    

Matapos ang pagpapatawaran ng mag ina sa sala ay nagpadala nang imbetasyon si Señore Cashpian IV nang bayang Errose sa mga business partner niya mula sa Europa.
Ganun din ang lahat ng karatig bayan ng Errose ay pinadalhan din inbitasyon.

Nasa Mansion de Fuentavilla si Yhuna para doon ay pormal na kilalanin ang sarili at para ipakilala sa party na magaganap.

Ang lahat ay naging abala pati boung bayan ay naghanap ng magarang isusuot para sa engrandeng party na dadaluhan.

Nasa sala si señora Casheandra namimili ng alahas para sa kaniyang pinakamamahal na villa na si Yhuna.

" Hindi ko alam kung anong gusto mo? Kaya pinalabas ko itong mga alahas ko! " bukas ng kahon na puno ng kumikinang na mga alahas.

Bumungad ang iba't-ibang makikinang na alahas na tila mamahalin ang presyo ng mga ito.

" My Villa, pumili kana. Pagkatapos nito ay isusukat ko sayo ang dress na binili ng Daddy mo."  wika ng Señora.

" Mom, napaka ganda ng mga iyan ngunit hindi ko po kailangan iyan. Gusto ko lang mapasaya ko kayo at si Dad. " tugon ni Yhuna.

" Ay, napakasimple mo talaga." hawak sa pisngi ng anak.

Niyakap niya ang anak at hinawakan ang kamay.
" Lahat ng ito ay para sayo. Ikaw ang ang iisang tagapagmana ng lahat." wika niya sa anak.

" Mom, kailangan ko ho ng isang ina at hindi alahas mas lalong hindi mana." tugon ni Yhuna.

" Ikaw talaga. May pinagmanahan pero hindi bale. Ang asawa mo na lang ang papipiliin ko ng alahas na babagay sayong dress. Hali ka sa taas." yaya niya sa anak.

Iniwan sa sala ang kahon ng alahas at isinara ito ng isang manang at sumunod sa pag akyat sa taas.

" Alam mo bang mahal ang damit mong susuotin. Syempre ang Mommy mo ang may gawa, kaya I'm sure susuotin mo talaga 'yon. " wika ng Señora sa anak.

" Isa po kayong designer? " pagtataka ni Yhuna.

" Ano ka ba? H'wag ka nang mag po! Oh my goshh! Nanggigigil pa rin ako sayo. " kurot sa pisngi ng anak.

" Alam niyo, Mom. Mahapdi na ang pisngi ko. " ani Yhuna.

" Gusto ko lang kasing panggigilan ka, saka Yhuna is not your real name. Because you're my villa, ang pinakamamahal kong bulaklak."

" Then, what's my real name? " usisa ni Yhuna.

" Secret, mamaya na sa party malalaman mo. Welcome my villa sayong malakastiyong kwarto." bukas ng mom niya ng pintuan.

" Wow, Mom. Ang ganda!"

Yhuna Pov's
Namangha ako ng masilayan ang malawak na kwarto na magara.
Ang bookshelf na puno ng libro.
Ang kabinet na puno ng mga tedy bear na blue.
Ang bed sheet na kulay puti at may desenyong bulaklak.
Ang magandang view sa window glass na sinasabitan ng pink curtain.
Ang kabinet na puno ng dress na magagara.
Ang malawak na sofa area at may flat screen Tv.
Ang study area na may magandang mesa at upuan.
May clock sa gilid ng bed na nakapatong sa table.
Ang lapag na may red carpet at may cute na malaking tedy bear na nakapatong sa may kabinet.
My flower vase sa center ng table na puno ng mga bulaklak.
Ang ganda ng paligid at pumapasok ang preskong hangin mula sa window na kung saan makikita mo ang ektaryang lupain na puno ng mga bulaklak.

" Mom, ang ganda-ganda ng kwarto ko! "  hug ko sa kaniya.

" Syempre na-mis kita. Kaya simula ngayon dito na kayo tumira ng asawa mo, ha. Para maging masaya ang bahay na to at dapat punuin niyo rin ng ingay." wika pa ni Mom.

" Mom naman. May trabaho ho si Yhuan, kaya nga lumipat kami ng sentro dahil naroon ang Company na pinamana ng dad niya."

" Anak, alam mo gustong-gusto kitang panggigilan at yakapin! " pagkasabik na naman niya sa akin.

Si Mom talaga nakakapanabik ang yakap. Halos ayaw niya akong bitawan ngayon. Panay ang yakap sa akin.

Hinawakan ko siya sa pisngi ng bahagya.
" Ang ganda niyo, Mom." titig ko sa kaniya.

" Ang cute mo talaga." kurot naman sa pisngi ko.

" Mom naman. "

" Teka? Nandito pala yung susuotin mo, My sweet Villa." lapag ng kahon sa kama ko.

Siguro napakaganda ng laman ng kahon. Nakapaka-presentable kasi at feel ko ay mamahalin ito.

" Mom, pwede bang simple lang ang suotin ko." pakiusap ko.

" My villa, hindi pwede ito na kasi ang binili ng dad mo. Saka alam mo bang milyones ang halaga nito. " bukas ng kahon.

Tumambad sa akin ang kumikinang na white dress na makikintab ang tela.

Nalaglag ang mga mata ko sa nakitang mga kumikinang sa gown. Hala, ang daming diyamante.

" Napakagara nito, Mom." aniya ko na lamang.

" Syempre, ang Mommy mo ata ang nagdesign nito. Look heto ang pares na shoes, flat lang siya alam ko kasing nagmana ka sa akin at hate mo ang pointed so I'll decided na ito ang ipares." pakita ni mom sa akin.

" Napakasimple nito, Mom." napahikab ako sa sandaling iyon na parang dinadalaw ng antok.

" My sweet Villa, halika matulog ka sa kandungan ko." yaya ni Mom sa akin.

Alam kong lubos siyang nangulila sa akin. Ako rin naman ay ayokong sayangin ang mga oras na ito.

" Maraming salamat, Mom. " higa ko sa kandungan niya.

" Close your eyes, my sweet villa." utos ni Mom.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang hinahaplos ang buhok ko ni mom na siyang ikinadalaw ko ng antok.

Naramdam ako ang bawat haplos niyang kaysarap.
Kahit nakapikit ang aking mga mata ay nararamdaman kong nakatitig siya sa akin habang nakangiti.

Ang puso kong sumasalliw sa haplos ng aking Inang nagbabalik ay natutuwa sa pagkasabik.
Habang nasa kandungan niya ako. Ako nama'y parang nasa ulap nakalutang.
Ang sarap ng kaniyang pagmamahal na kaytagal ko ding hindi naranasan.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon