Chapter 97 (Hanggang dito nalang)

338 12 2
                                    


Sa sala, dumating na ang dalawang señorito na tila walang nakuhang sagot sa mga babaeng napupusuan nila.
Nagsi akyatan na lamang sila sa kanilang kwarto at roon ay humiga na lamang.

Fierce Pov's
Mahal ma mahal kita Jerimy, alam mo yan at walang ibang hihigit pa sayo.
Ikaw lang ang babaeng panglalaki ang pangalan ang nagpatibok sa puso ko.
Ayokong humanap ng iba dahil ikaw lang sapat na.

Ayoko!! Ayokong tumandang mag isa na hindi ka kasama.
Sumasaya ang puso ko na lagibg pangalan mo ang hanap nito.
Sana pumayag ka na ako'y pakasalan.

Sa kabilang kama naroon naman si Dierce na nakatingala sa kisame.
At tila ang binibining si Jenny ang iniiisip niya.

Dierce Pov's
Jenny, kung naririnig mo ang pananambitan ko.
Sana, tanggapin mona ako sa buhay mo.

Oo, baliw ako!! Baliw na baliw sayo dahil sayo at sayo lang talaga ako.
Sana makaisip ka na tamang pakasalan mo ako.

Alam mo bang maraming oportunidad ang nasa kabilang dako kapag nagpakasal ka sa akin.
Pangako, magiging gabay mo ako at sabay nating haharapin ang bukas tungo sa ating mga pangarap.
Magiging Oo, lang sana ang sagot mo.

Maririnig ang katok sa pintuan, " Mga anak, may bisita kayo. " katok ng mama nila.

" Susunod na ho. " tugon ng dalawa.

Pagbaba ng sala ay bumungad sa kanila ang dalawang binibini na kanilang tinatangi.

" Sir Fierce, pwede ba kitang makausap? " wika ni Jerimy.

" Sir Dierce, pwede ko ba kayong makausap? " aniya Jenny.

" okay, " tugong sabay ng dalawang señorito.

Dinala ni Jerimy si sir Fierce sa may manggahan.
" Naalala mo pa ba noong naglalaro tayo rito. Naroon ka (turo ng dalaga sa may lilim ng mangga) kasama mo yong mga kapatid mo samantalang ako , nandito(turo sa kaniyang kinatatayuan) musmusing bata at hindi pwedeng makipagkaibigan sa anak ng señorita. " paalala niya sa binata.

" Wala akong pakialam kung nandiyan ka, Jerimy. Wala akong pakialam kung nariyan at nandoon ako. Alam mo ba kung bakit?? Dahil mahal kita, mahal na mahal." pagtatapat ng binata.

Mahuhulog ang luha mula sa kaniyang mga mata, " Sir Fierce, walang ganun. Walang lupa ang makaka apak sa langit, at walang langit ang nararapat sa lupa. Dahil kami'y putik at ika ginto, gintong makinang na nakakasilaw sa mga mata at walang katumbas ang halaga. Masaya na ako sa mga araw na naging kasama kita sir Fierce at hanggang doon lang yon." wika niya.

" Hindi, Jerimy! Pakiusap, makinig ka sa akin. Mahal na mahal kita at ikakamatay ng puso ko kung mawawala ka. Sagutin mo nga ako, bakit hindi mo kayang tanggapin ang alok ko?? May iba ba pang dahilan?? Sabihin mo, makikinig ako." pakiusap ng binatang papatak na ang luha sa lupa.

" Sir Fierce, pasensya na ngunit hindi ko tatanggapin ang alok niyo. Mahirap sa isang tulad ko ang makaapak sa gintong panyapak na hindi man lang pinaghihirapan. Lubos kong ikinalulungkot ang aking pasya ngunit sir Fierce, marami pang magaganda at kasing yaman niyo ang nababagay sa pag ibig niyo. At hindi ako yon, hindi ako nababagay sa pag ibig niyo,señorito Fierce. Hanggang dito nalang ang lahat, paalam na señorito. " yuko ng dilag na si Jerimy at lumakad papalayo sa binatang napahagulhol sa pag iyak sa isang lilim.

Jerimy Pov's
Mahal na mahal kita ngunit paumanhin wala akong karapatan para sabihin yon sa harapan mo aking señorito.

Mahirap para sa akin ang gawin to ngunit alam kong ito ang nararapat.
Magkaiba man ang landas nating dalawa ngunit kung tayo talaga sa dulo.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon