Chapter 72 ( My Bodyguard's)

466 16 1
                                    

Sa Mansion, nasa sala si Maria Carllotta at may binabasa online.
Matitigil ang pagbabasa niya ng makarinig ng door bell.

" Manang, paki buksan ho muna. " pakiusap niya.

" Sige ho, señorita." tugon ng manang.

Binuksan nito ang pintuan at pinatuloy ang panauhin.

" Tuloy kayo, ginoo."

" Manang, nakita mo ba yong..." hindi maituloy ang sasabihin ng señorita ng biglang nasilayan ang bagong panauhin.

Bumungad ang binatang katamtaman ang kulay ngunit matikas ang katawan at nakasuot ng simpleng polong puti na binagayan ng baby face nitong mukha.

Napaatras na lamang ang señorita na tila nagulat sa bumungad sa kaniya.

" Paano ikaw yong??? Nasa?? " pagkagulat nito na hindi maalala kung saan nakita ang ginoong panauhin.

" Magandang araw, señorita Maria Carllotta." yukong pagbati sa malamig na boses ng ginoo.

" N-nakita na k-kita sa may Hacienda? " pagtatakang utal utal n tanong sa ginoo.

" Pasensya na señorita ngunit hindi ko ata kayo maintindihan. " paumanhin nito.

" Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw iyon!" turo sa kaniya ng señoritang naguguluhan pa rin.

Darating si Señorita Mia na tila narinig ang pag-usisa ng anak niya.
" Oh?? May problema ka ba anak sa bago mong bodyguard?" usisa ng mama niya.

" Eh, nakita ko ho siya roon sa Hacienda noong naligo ho ako sa ulan. " balita ni Maria Carllotta.

" Anak, baka na malikmata ka lang. Oo nga pala, siya yong bagong bodyguard mo." pakilala nito.

" Hindi, ma. Sige akyat muna ako sa taas." paalam ni Maria Carllotta na tila naguguluhan.

Naiwan ang ginoo at si Señorita Mia sa sala,
" So, take a sit! Pagpasensyahan muna yong anak ko may iniisip lang iyon kaya ganun siya." paumanhin ng señorita.

" Siya lang ho ba ang babantayan ko? " tanong ng ginoo.

" Oo, siya lang. Iyong kuya niya sana ang magbabantay sa kaniya kaya lang magkaiba sila ng kinuhang course kaya lagi siyang late kapag umuwi. So heto, ang susi ng sasakyan ( bigay rito) hated sundo mo siya at h'wag mo ring pagalain." wika ng señorita.

" Señorita, suplada ho ba iyong anak niyo? " tanong nito.

" Oo, lalong lalo na sa mga lalaki kaya wag mong ilihis ang paningin mo sa kaniya. Oo nga pala, ito yong kagamitan mo. Maglagay ka ng tracker sa bag niya at ibalita mo agad kung may masamang nangyare. " abot niya sa bagong bodyguard ng anak.

Sa kwarto ni Maria Carllotta.
Panay ang lakad niya pabalik -balik na tila hindi mapakali.
" Hindi talaga ako maaring magkamali! Siya 'yon, iyong lalaking tumulong sa akin. Iyong mga mata niyang bughaw na hindi ko makakalimutan ngunit ang kulay ng kaniyang balat ay nag iba. Hay naku! Maria Carllotta, baka nagugutom ka lang! " sumbat niya sa sarili.

" Señorita, ( katok nito sa pintuan) pinabababa kayo ng mama niyo! " pa abot nito.

" Sabihin niyo manang, susunod na ako!" tugon niya.

Nagdahang-dahang sumilip si Maria Carllotta sa sala at padabog itong pababa na agad namang napansin ng mama niya.

" Oh! Anong problema ng My princess ko? " usisa sa anak.

" Ma, sino ba iyon? Saka taga rito ba siya? " usisa niya sa mama.

" Ahm. Hindi anak. Taga Spain siya at pumunta siya rito para lang tanggapin ang alok ko para bantayan ka " tugon sa anak.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon