Chapter 55 (Ang paghahanap sa nag iisang Heredera ng Errose)

756 27 1
                                    

Sa kabilang banda ng Errose.
Habang nasa sasakyan si Yhuan ay may kausap ito sa kabilang linya.

(on phone call)
" Carlos, may problema ba? " usisa niya sa kaibigan.

" Yhuan, nabalitaan muna ba iyong paghahanap sa nag iisang Heredera ng Errose? " usisa sa kaibigan.

" Oo, kaya ito nga pauwi na ako ng bahay dahil iyong asawa ko napanood yung balita at bumalik na naman iyong pangit ng nakaraan niya. Alam mo namang nagdadalangtao 'yon. Di ba? " tugon sa kausap.

" at alam mo ba? Ako ang nakuha para lutasin yung kaso." paalam sa kaiabigan..

Napahinto bigla ang pagmamaneho ni Yhuan ng marinig mula sa kaibigan.

" Pakiulit nga ng sinabi mo? "

" Sabi ko, ako ang nakuhang mag imbestiga sa nawawalang heredera ng Errose." ulit niya sa kaibigan.

" Tol, di maganda 'yan. Alam mo naman kung bakit diba? " ani Yhuan.

" Alam ko na lahat ng may hawak nang kaso ay ginigipit at pinagbabantaan. Kaya nga humihingi ako ng tulong sayo baka pwede ay tulungan mo ako Police corporal major Yhuan Fuentaverdes." tawag niya sa kaibigan ng rangko nito.

" H'wag mo ngang isigaw! Baka may makarinig  tawagan mo nalang si kuya Nathane. Sa kaniya ka na lang humingi ng tulong saka tawagan mo nalang ako uli. " sabay baba ng tawag.

Sa bayang ng San El Vador.

Naglalaro ang tatlong cute na huling kambal.

" Uy, Diego Yhune! H'wag mo ngang guluhin iyang kapatid mo." puna ni Yessa.

" Ate, gusto ko rin ng toy gun." wika ni Diego yhune, ang bunso sa huling triplets.

" Ate, basa na ang likod ko ng pawis. " lapit ni Maria Yassey, ang panganay sa huling triplets.

" Ako rin, Ate. " lapit naman ni Maria Celine, ang pangalawa.

" Heto na, si Maria Yassey muna ang mauna. Okay ba iyon? " wika ni Yessa sa kapated.

" Salamat, Ate." wika ni Maria Yassey.

" Hali ka dito, Maria Celine." palapit sa kapated.

" Dito ate, oh!" turo niya.

Pababa si Nathane ng hagdan mula sa kwarto nilang mag asawa.

" Baka basa na ang mga likod niyo. Magbihis na kayo. Ikaw, my Diego Yhune. Hindi ka pa ba nasasawa diyan sa laruang baril? " usisa niya sa anak.

" Pa, bilhan niyo rin ako nito. Please, I want toy gun!" pabili niya sa papa niya.

" Anak, my Diego Yhune. You're 14 years old kana dapat nakikipaglaro ka doon sa labas sa mga kagaya mong edad! Saka binata kana why you should make friends sa ibang dalaga?" wika ng mama niyang pababa ng hagdan.

" Ma, how many times I'll answered that the same questions. Si Alex lang ang gusto kong makalaro at wala nang iba." katwiran niya sa mama niya.

" Teka? Mukhang kailangan nating pag usapan iyan. Anak, kailan mo ba nakita si Alex at parang ayaw mong mawala ang pangalan niya sa isip mo?" usisa ni Maria sa anak.

" Sa panaginip ko, Mama. Siya lang talaga ang gusto ko." wika ng munting binata.

" Ayan may pinagmanahan ang anak mo! " sumbat ni Maria.

" Hala? Sa akin na naman? " sabat ni Nathane.

" Eh, kanino pa? Nagmana iyan sa pagka obsess mo!"

" Okay, kasalanan ko na. Teka? Nasaan na iyong dalawa mong binata? " puna ni Nathane.

" Nasa kwarto ginagawa iyong financing nila. Bakit hindi mo tulungan di ba magaling ka sa financing? " ani Maria.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon