Chapter 86 (Javier ft. Invitation)

323 15 1
                                    

Makalipas ang tatlong araw biglang nag iba ang señorita Maria Carllotta.
Palagi nalang nagbabasa ng libro at laging nasa kwarto.

Panay ang aral niya at review ng mga lesson.

" anak! " katok ng señorita Mia sa pinto.

" Ma, bukas yan! " tugon ni Maria Carllotta.

Uupo ang señorita sa tabi ng mahal niyang prinsesa.
" Ano bang problema, my princess? Bakit hindi ka lumalabas ng kwarto? " pag alala niya sa anak na nakaharap lang sa mga libro.

" Im fine ma. Gusto ko lang mag aral ng mag aral, " tugon niya.

" Iyon lang ba talaga?? " usisa nito sa anak.

" ma naman."

" Bumaba kana dahil isusukat mo iyong gown mo para sa birthday party mamaya, " paalala sa anak.

" Ma, ayokong magparty mamaya, sina Alex nalang ma. "

" Hindi pwede anak dahil triplets kayo at dapat ay sabay kayong magsi-celebrate." aniya Señorita.

" Mamaya na ako bababa, Ma. " aniya Maria Carllotta.

" Saka iyng buhok mo, my princess! Itali mo nga," ani señorita.

" Oho ma! " tugon ng dilag at bumalik sa pagbabasa.

Maria Carllotta Pov's
Hayyst kainis, ayaw ko talagang bumaba sa sala.
Gusto ko lang magbasa ng magbasa at mag aral ng mga topiko.
Gusto kong mahiga at ayaw ko nang bumangon.

Basta tinatamad akong makipagkulitan sa kanila.
" manang,!" tawag ko.

" Señorita, may kailangan ba kayo? " tanong ni manang na noo'y nasa kabilang kwarto nag aayos ng kwarto ni Alex.

" Sabihin niyo kaya mama. Hindi ako bababa! " pa abot ko.

" sige ho señorita! " tugon nito.

Bumalik na ako sa pagkahiga at binuklat ang Philosophy book na pinabili ko kay Jonald dati.
Kamusta na kaya siya sa Spanya?
Siguro hindi na siya badoy kung pomurma.
Saka nakapagupit na siguro siya.
Ano ba self?? Tumigil ka nga!!!
Ang sungit-sungit mo sa kaniya kung andito siya tapos kong wala iniisip mo!

Tumigil ka Maria Carllotta, magbasa ka nalang nga!

Kahit anong kasusumbat niya sa sarili ay mananatiling naroon ang pangalan ng bodyguard niya.

Nakatatak sa isipan niya at kasama pati sa panginip ng señorita.
" I'm hungry! " hawak niya sa tiyan na nagrereklamo na.

Mapapatayo ang mga dilag sa kinahihigaan at lalabas ng kwarto.
Pahakbang na pababa ng hagdan,
" Ma, nagugutom ho ako! " aniya dalaga na ngayon pa lang bumaba ng sala.

" Kamusta ang b-day girl nating panganay? May kapares ka na ba mamaya? " usisa ng papa niya na nasa sala.

" Pa, anong pares ang pinagsasabi niyo?? Eh ayoko ngang sumali mamaya! " tugon ng dalaga.

" Anak, mature na ang pag iisip mo at kailangan mong mamili ng iisang tao na kung sa tingin mo ay karapat-dapat mo siyang maka partner mamaya o makakasama hanggang sa pagtanda! " aniya Sir Carlos.

" Papa naman. " angal nito.

" Maupo ka nga rito. Sa tabi ko my princess, " utos ng papa.

" Pa, hindi ko maipaliwanag iyong feelings ko. " pagtatapat ng anak.

" Well, just express it! At hindi ka masasaktan. May tatlong binata na darating mamaya para ipareha sa inyong tatlo!" pa alam nito.

" Pa naman. Ayoko sa kaniya, basta hindi niyo ako mapipilit! " tutol niya kaagad.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon