Chapter 65 (ULAN)

581 21 1
                                    

Isang maulang umaga ang bumungad sa lahat. Malalakas ang patak ng ulan na binabato ng kalangitan.
Isang makulimlim na umaga para sa lahat ng mga manggagawa sa hacienda.

Sa tapat ng kaniyang silid nakadungaw si Maria Carllotta.
Namamangha sa bagsak ng ulan mula sa kalangitan.
Binuksan niya ang bintana sa kaniyang silid at dumungaw.
Sinasalo ng kaniyang palad ang bumabagsak na patak ng mga ulan.

" Ang sarap maligo sa ulan." pagkatuwa niyang sambit..

Napatakbo siya pababa ng kwarto,
" Mma!" patakbo niyang tawag.

Malilingat sa kaniya ang mama at papa niyang nasa sala.

" Oh? Anong kailangan ng, My princess ko? "

Uupo sa tabi ng mama niya at magpapaalam.

" Ma, pwede ba akong maligo sa ulan?" paalam nito.

" Sige, pero dapat magpaalam ka muna sa papa mo. " tugon nito.

Lalapitan niya ang papa niya na at magpapaalam.
" Pa, pwede ba akong maligo sa ulan?" paalam niya.

" Sige, mag ingat ka. Dapat wala kang galos pagbalik mo dito rito. Nagkakaintindihan ba tayo?" tugon nito.

" Okay po, papa. Salamat po. " paalam nito.

Makikitang nakikipaglaro ang dalagang si Maria Carllotta sa mga patak ng ulan mula sa kalangitan.
Basang-basa na ang white dress niyang suot.

Nagsasaya ang dilag sa indak ng ulan sa kaparangan ng hacienda.
Panay ang sayaw nito hagikhik sa parang.

" Ang saya-saya ko! " sigaw ng dilag na tila ba nakawala sa isang silda.

Maria Carllotta Pov's
My heart is getting to obsess gusto kong sumayaw sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.

Ngayon lang ako nakagala mag isa.
Basta lulubusin kona.
Aha!! Gusto ko ng manga.

Agad itong tumakbo sa manggahan ang señorita.
Habang sabik na makakuha ay hindi tinitingnan ang kaniyang inaapakan.
Sa kaniyang pagtakbo ay bigla nalang siyang nadulas.

Napasigaw na lamang ito.
" Ahhhhhhhhh" ang kaniyang nasigaw sa mga oras na iyon.

Kasabay ng pagpatak ng ulan.
Isang malamig na bisig ang sumalo sa kaniya kasabay nito ang paghinto ng sandali.

Napalingon na lamang ang dilag sa sumalo sa kaniya.

Isang misteryosong binata ang bumungad sa kaniyang harapan.
Binatang ngayon lang niya nakita.
Walang damit at bakas ang katawang matitikas.

Ang mga mata nitong malabughaw ang dating at mukhang walang bahid ng barya.

" Magandang binibini, nasaktan ka ba?" usisa ng ginoo.

Hindi nakaimik ang señorita na parang tinali sa kaniyang kinatatayuan.

Maria Charllotta Pov's
Napakaganda ng kaniyang mukha.
Ang lakas ng kaniyang dating at lamig ng kaniyang boses.

The way he talk ang cool niya na tila mas cool pa sa mga patak ng ulang bumabagsak mula sa kalangitan.
He stared at me nang may pag alala.
Saan ba siya nanggaling at nagyon ko lang siya nakita.

Nag-usisa siya sa ulit sa akin.
" Magandang binibini, ikaw ba'y nasaktan? " tanong niya ulit.

" A-ayos lang ako.. " utal-utal kong sagot.

" Anong ginagawa mo rito sa parang na madulas? May pupuntahan ka ba?" tanong niya sa akin sa malamig na boses.

" Doon sana ako pupunta? " turo ko sa kaniya.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon