Chapter 78 (EXAM)

330 15 1
                                    

Sa Mansiyon de la Vega.
Abala ang mga señorita at señorito sa pagbibihis para pumasok sa paaralan.
Ang Fuentaverdes brothers naman ay nagbibihis din para umatend ng special class at makakasama nila ang mga anak na binata nina Mia at Carlos.

Pareho silang kumuha ng Business Administration Management.
Ang Fuentaverdes sister naman ay nagbibihis rin ngunit iba-iba sila ng room dahil magkaiba ang kinuha nilang mga kurso.

Hindi maabot ang kurbata ni Ethane sa pag aayos kaya nilapitan ito ng señorita Mia.

" Ako na riyan. Alam mo, proud na proud ang mga magulang niyo kasi pinagpatuloy niyo ang pag aaral niyong magkakapatid, " wika ng señorita habang inaayos ang kurbata ng binatang anak ng yumaong kaibigan.

" Maraming salamat ho, mama Mia sa pagpapatuloy niyo sa amin" ani Ethane.

" Walang anuman iyon. Ayan na tapos na, " sabay ayos sa amerikana ng binata.

" Mama Mia pwede ho bang patulong! Hindi ko kasi maabot yong tie ko sa likod. " ani Maria Yassey, ang bunsong babae sa huling triplets.

" Hali ka rito, " tawag ng señorita Mia.

" Alam niyo ho ba si mama ang nagatatali nito. Saka siya rin ang nagtatali at nagsusuklay ng buhok ko! " kwento niya.

" Hayaan mong ako na ang gumawa. " ani Señorita Mia.

Sa harap naman ng malaking salamin.
Naroon ang limang binata habang pinapanood ni Sir Carlos ang mga ito.

" pa, ayos na ba yong buhok ko? " wika ni Thierce.

" Ano ka ba, Thierce. Masyado ka nang pogi dagdagan pa ng dimple mong malalim, " tugon ng papa niya na nasa sofa.

" Papa naman. " hawi nito ng buhok niya.

" Athane, iyong suit mo medyo ano... " puna ni sir Carlos.

Aayusin ito ni Ethane, " okay na ba papa Carlos? " harap nito.

" Grabi! Ang mukha niyong magkakapated ay parang si Nathane lang," puna niya.

" pa!! " tawag ni Alex na paparating.

" Ano na naman ang problema ng little princess ko? " usisa ni Carlos sa anak.

" Papa, look! Nawawala yong favorite tali ko. " reklamo niya sa papa.

"  Bibilhan nalang kita, my Little princess. " wika niya sa anak.

" Pero Papa, favorite ko iyon. " katwiran niya.

Paparating ang mama nila sa dakong iyon, "oh? Ano ang problema ng litlle princess ko? " usisa ng mama niya.

" eh kasi ma, iyong favorite tali ko po. "dabog niya sa harap ng mama niya.

" H'wag ka nang dadabog diyan. At may extra si mama." bukas ng kahon na laman ang magkakaparehong kulay ng tali na gustong gusto ng anak.

" Wow! Ang dami mama but gusto ko iyong lagi kong ginagamit, " hanap niya pa rin ng tali niya.

" Ito ba yon? " pakita ni Yessa.

" Iyan nga ate. Thank you po. " tuwa niya at agad na kinuha.

Uupo ito sa harap ng mama niya at susuklayin ang buhok.
" Ako na my little princess! " kuha ni Thierce ng suklay at sinuklay ang buhok ng kapated at saka tinali.

Mia Pov's
Hayy, ang sarap nilang pagmasdan habang nagtulong-tulong.

Si Yessa, nagsusuklay ng buhok ni Maria Celine samantalang si Diego yhune naman at Ethane ay may hawak na books at rereview.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon