Chapter 94 (Secret Marriage)

326 13 1
                                    

Isang panibagong sikat ng araw ang naging pambungad ni Haring araw sa lahat.

Ang lahat ay nasa sala na nag uusap tungkol kay Señorita Maria Carllotta.
Naroon naman ang mga binata at dalaga nakikinig sa pag uusap ng kanilang mga magulang maliban kay Maria Carllotta na tulog pa sa mga oras na iyon.

May hihintong pulang kotse sa harap ng mansiyon.
Bababa ang isang binata na pormal ang suot naka ayos ang hawi ng buhok.
Kukunin niya sa loob ng kotse ang isang boquet ng rosas na mula pa sa Spanya.

Pagbubuksan siya ng pinto ng isang manang na sasama sa kaniya patungong sala.

Pagbungad niya sa sala ay agad siyang babatiin ng Señorita Mia at Sir Carlos.

" Magandang umaga Javier! Mabuti naman ay narito kana! " wika ng señorita.

" Sabi niyo kasi Señorita, ipapasapak niyo kay señorito Fierce pag di ako nakarating." tugon ni Javier.

" take a sit! " yaya ni Sir Carlos sa panauhin.

" Thank you, señore. " ani Javier.

" Pakasalan mo ang anak ko ngayon na. " pranka ng señorita.

Bigla nalang nabigla si Javier sa binungad sa kaniya ng Señora at maging si Sir Carlos ay masama ang titig sa kaniya.

" Pakasalan mo siya kung ayaw mong masuntok kita na wala sa oras. "

" Hindi ho ako makatanggi sa inyong tinuran, Señore at Señora. Mahal na mahal ko ho ang anak ninyo." tugon ni Javier.

" Fierce, gisingin mo iyong kapatid mo sa taas at nang makapag usap sila, " utos nito sa anak.

" Oho, ma. " tayo ni Fierce at umakyat sa taas.

Sa kwarto ni señorita Maria Carllotta.
Nakapalupot pa ito sa kumot niya at tila himbing na himbing pa rin sa pagkatulog.

" my princess, " tapik niya sa kapatid.

" bakit?? Kuya, " tugon ng señorita na nakapikit pa ang mga mata.

" Pinabababa kana ni mama. " tugon niya rito.

" Ayos ka lang ba? Kuya, " usisa niya nang mapansing malungkot ang kuya niya.

" Oo naman. Hali ka na." yaya niya sa kapatid.

" Sandali, aayusin ko muna itong kama ko. "ani Maria Carllotta.

" Itatali muna natin ang buhok mo bago ka bumaba at ayusin mo yang suot mo." ani Fierce.

Bumaba ang dalawa sa sala nang mapansin ni Maria Carllotta na naroon nag binatang kinaiinisan niya.

" Ba't andito ka? " pasungit niyang bungad.

" My princess, pinapunta ko siya rito. Maging mabait ka naman sa magiging groom mo. " ani señorita.

" what?? Ma, aabi ko naman sa inyo. Ayokong ikasal sa kaniya.Ayoko talaga!! " pakiusap ni Maria Carllotta sa mama niya.

" Anak, kailangan ka niyang panagutan. Look at me my princess, ipapakasal ko kayo right now at sa ayaw at sa gusto mo  Kailangan mo siyang tanggapin. " paliwanag ng señorita.

Tatayo si Javier at iaabot ang boquet of flowers na dala niya sa señorita Maria Carllotta.
" para sayo, señorita! " bigay ng binata.

Kunwareng tatanggapin ang mga rosas, " How dare you, na magpakita pa sa harapan ko. Split na tayo! Kainin mo iyang mga flowers! " bato niya sa binata sabay umalis.

Napaupo na lamang si Javier sa ginawa ni Maria Carllotta sa kaniya at sa harap ng lahat.

" Paumanhin, Javier. Mas masungit siya kaysa sa akin. " paumanhin niya sa binata.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon