Chapter 79 ( Kahit konting Pagtingin)

313 15 1
                                    


" Ahahahh, nakita niyo yon? Grabi, hindi talaga pinansin si Diego yhune ng shitposter! " halaklak ni Dierce.

" Oo nga, mukhang wala siyang balak na makilala iyong sumigaw sa kaniya at hindi man lang lumingon! " ani Ethane.

" Well, may araw din siya sa akin, " ani Diego yhune na halatang may binabalak.

Masasalubong nila ang grupo ng mga babae na halatang aakitin na naman si Thierce para lang makascore. " hi baby Thierce," bati sa malanding tono.

" hi Kate, " bati ni Thierce.

" Hi baby Thierce pwede ba kitang mayaya na magrecess? " sabay lapit sa binata at landi sa harap nilang lahat.

Hindi malaman ang mukha ni Yessa.
" Pigilan niyo ako makakasapak na ako." pangigigil nito.

" Sapakin mo na kaya, My princess para matauhan. " utos ng kuya Ethane niya.

" Hawakan mo nga ito kuya, " bigay niya ng bag.

Bago pa man tuluyang mahatak ni Kate si Thierce ay biglang umawat si Yessa.
" Don't you ever touch my property! " kalas ni Yessa sa kamay ng babae.

" excuse me!! That's my baby! " taray niya.

" Anong baby? Eh kung sapakin kaya kita! " cross arm ni Yessa.

" Go, my princess sapakin mo na. " gatong ni Ethane sa kapated.

" Ano? Ayaw mong maniwala? " irap niya kay Kate.

" Baby Thierce, Sino ba ito? " arte niyang tanong.

" Si Yessa, mi novia! " sabay hawak sa balakang ng dalaga.

" arrggh!! " walk nina kate sa harapan ng pito.

Magsisitawanan ang lahat, " ibaba mo nga iyang kamay mo! " kalas ni Yessa sa kamay ng binata.

"  I smell something." padinig ni Athane.

" Alam mo, kainis ka! " sabay panununtok sa binata.

" Nagseselos siya! " inis pa ni Thierce.

" Diyan na nga kayo, " walk out ni Yessa.

" Hala ka. Habulin mo nga yon Thierce. " utos ni Ethane.

Hinabol nga niya ang dalaga hanggang sa pathway na tila inis na inis.
" Sandali Yessa, " tawag niya.

" Hoy lalaki. Alam mo ang anlandi mo! Nagpapalandi ka naman. " sumbat niya kay Thierce.

" Yessa naman, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, diba? " katwiran niya.

" Nakipagbatian ka pa sa kaniya! Nasaan ba ang utak mo? " sumbat niya sa binata.

" Aminin, nagseselos ka? " inis pa niya.

" Alam mo kung hindi lang talaga ako nakapagpigil. Hayst, ewan ko lang!" pagtitimpi ng dalaga.

" Keep calm my Yessa. Ikaw lang ang laman ng puso ko at utak ko kaya wag mo akong tanungin kung saan iyong utak ko kasi nasa sayo. " hawak niya sa pisngi ng dalaga.

" talaga ba? " ngisi nito.

" oo naman, " ngisi din ni Thierce.

" sinungaling!! " sabay tadyak sa binata.

" aray! Aray! Yessa! " wika ng namimilipit sa sakit ng paa na si Thierce.

" Hindi lang yan ang aabutin mo kapag nakita kitang nakipagbatian sa kaniya! " banta niya sa binata.

" My yessa naman! Hindi kana naawa sa akin "

" Bweset!! Ginutom tuloy ako! " bulalas ng dilag na bakas pa rin ang pagkainis.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon