Chapter 17 (One night of Silence)

3.4K 100 2
                                    


   
Carlos Povs
    Sino na naman kaya ang sira ulong Nagdodoor bell ng ganitong oras.
   Ilang minuto nalang at quarter 10 na ng gabi.

" Sandali! " tugon ko.

Bakit ba kasi napaka atat ng kumakatok sa pintuan. Para namang emergency.

Binuksan ko ang pintuan at isang magandang babae ang sumalubong sa akin ng yakap.

Ang kaniyang amoy na nakaka adik at ang sarap kagatin sa leeg.
Ang higpit ng pagkayapos niya sa akin.

Nang mapansing may ginoo pala sa likod niya.

"Deave? " aking nasambit sa pagkagulat.

Lumapit siya sa akin at bumati. "Kamusta, Carlos?" ngiti niyang bati sa akin.

" Inihated mo ba siya? " usisa ko kay Mia na ang higpit ng yakap sa akin.

" Oo, sayo na yan. Saka pakasalan para hindi na makawala." payo niya sa akin.

" Maraming salamat, Deave." tugon ko na lamang at nakipag kamay sa kaniya.

Nakayapos pa rin si Mia kay Carlos habang papasok ng mansiyon nito.

Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkayap.
" Hey Mia. Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakayakap sa akin! " worry niya rito.

Tahimik pa rin si Mia at ayaw pa ring bumitaw.
" Halika na pasok na tayo! " ngunit di pa rin ito umiimik sa pagkayakap sa kaniya.

Wala nang nagawa si Carlos kundi buhatin si Mia at iakyat sa kwarto.
" Hey Mia! Ayos ka lang ba? " lapag niya sa asawa.

" Mama! " gisingan ng tatlong makukulit na mga bata.

" Kuya, si mama!" gising ni Thierce sa mga kapated niya.

" I miss you mama. " hug ng tatlo sa mama nila.

" Matulog na kayo mga anak! " wika ni Mia sa kanila.

" Tara mama! " yaya papalabas sa kwarto ng papa nila patungo sa silid nilang tatlo.

Pinatulog na lamang niya ang kaniyang mga anak sa kwarto ng mga ito.

At agad siyang bumalik sa kwarto ni Carlos.

Tahimik itong lalapit sa kaniya.
" Hey! Ayos ka lang ba? May problema ba? " usisa niya ulit kay Mia.

Titig na lamang ang sagot ni Mia at bumalik sa pagkayakap.

" Hey Mia! Kanina pa ako nag aalala di mo ako kinakausap kanina pa! " pag alala ni Carlos dahil walang imik sa kaniya si Mia.

Maririnig niya ang hikbi ni Mia kaya't mag aalala na ito ng lubusan.
" Hey! Bakit ka umiiyak? Mia naman." inis niya.

Hindi niya papansinin si Carlos at mananatiling tahimik ito.

"Mia, magwawala talaga ako kapag di mo ako kinausap. " inis ni Carlos na halatang magtatampo na.

Sandaling kakalas sa pagyakap si Mia at titingnan niya si Carlos na tila ba nahihiya.

" Hey! Kanina pa ako nagtatanong sayo. Ayos ka lang ba? " titig niya kay Mia ngunit wala pa rin imik.

Titigan lang siya ni Mia at babalik sa pagkasubsub sa dibdib ni Carlos.

" Hayst, ang hirap mo talagang kausapin matulog na nga tayo! " kumot niya kay Mia.

Walang maririnig sa bibig ni Mia kundi patak ng luha at pagsisisi.
Ang mahinang hikbi niya na ikinabalisa ni Carlos sa mga sandaling iyon.

Carlos Pov's
Hindi niya talaga ako kinausap.
Ayan siya nakasubsob lang sa dibdib ko at panay ang hikbi.

Paano ba ako makakatulog nito?
Carlos paano mo siya mapapatahan?
Nahihirapan ako pag mag humihikbi sa tabi ko.

Mag isip ka ng paraan Carlos, balikan mo yung dating ikaw.
Isipin mo kasi kung paano mo mapapatahan si Mia.

" Hey Mia. Tahan na sa pag iyak. May pasok kasi ako bukas! " palambing kong haplos sa likod niya.

Ano bang gagawin ko? Nakatitig lang siya sa akin.
Paano ko ba siya mapapatahan?

              *********

Makikitang nakakunot noo na si Carlos na halatang di makakatulog sa hikbi ni Mia.

" Tahan na Mia, sorry na oh! Sorry kung iniwan kita sa bahay ampunan, sorry kung nasaktan kita ng sobra, sorry kung wala ako sa tabi mo nong kailangan mo ako, sorry sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko, sana mapatawad mo ako." hingi ng tawad ni Carlos at hinagkan sa noo si Mia.

Tumigil ang paghikbi niya sa mga oras na iyon.
Ang kalangitan ay nagniningning sa mga talang nakasaboy sa kalawakan.
Na tilang nagsasabi na ang magkaibigang pinagtagpo ng kasalukuyan ay masayang magkayakap sa gitna ng gabing tahimik.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon