Chapter 37 (The Essence of Love)

1.4K 49 3
                                    

Kinaumagahan.
Ang lahat at naghahanda para sa pamamasyal. Nasa sofa na ang dalawang ginang na nagdadalangtao maliban sa kaibigan nilang bagong kasal.

" Teka? Saan na si Yhuna? " hanap ni Maria.

Malilingat sila sa taas sabay na magtatawanan. " Baka nalockdown? " sabay nilang sambit.

Maya maya pa ay maririnig ang mga yabag pababa ng hagdan.
" Oh, kamusta ang bagong kasal? May ganap na ba? " usisa ni Mia.

Mukhang nakasimangot ang pambungad ni Yhuna.

" H'wag niyo akong ganyanin. Saka kahit anong gawin niya ay di siya makaka score no! " masungit nitong tugon.

Sa Kitchen..
Naroon ang tatlong ginoo nag uusap. "Ano, Yuan? May nangyare na ba? " usisa ni Nathane.

" Ayon. Alam niyo ba kung anong ginawa niya sa akin kagabi? " aniya Yhuan.

" Eh, ano nga? " usisa ng dalawa.

Mauupo na lamang si Yhuan at titingala sa kisame.

" Ayon! Tinulugan niya ako!! " malamig niyang tugon.

Lalapitan siya ng kuya niya este kambal.

" Ikaw naman kasi, suyuin mo !" payo ni Nathane.

Gagatungan naman ni Carlos ang usapan. "Yhuan, gumaya ka kasi sa akin! Ilockdown mo kaya sa kwarto! " payo ni Carlos.

" Paano kung sapakin ako. Eh, ang suplada kaya niya." ani Yhuan.

" Teka? hindi ba't ikaw ang suplado sa ating tatlo. Baka nakakalimutan mo. Nanapak ka ng babae!! " paalala ni Nathane.

"Oo nga, sinapak mo kaya yung nang away kay Yhuna dati? " dagdag pa ni Carlos.

" Ano ba kayo? Mahal ko si Yhuna! Saka basta ako ang bahala! " wika niya.

" Tara, ihain na natin baka gutom na 'yong mga asawa natin! " yaya ni Nathane.

Sa hapag.
Nakaupo ang triplets na sina Ethan, Athan at Yessa sa kanan banda kasama ang parents nila na sina Maria at Nathane.

Sa kabilang banda naman ay naroon sina Fierce, Dierce at Thierce na nakaupo kasama ng parents nila.

Mapapansin naman na magkatabi ang bagong kasal.

Samantalang nakatitig lang si Thierce kay Yessa na kumakain.

"Thierce, hindi ka mabubusog kapag nakatitig ka lang kay Yessa! " puna ng mama niya.

" Sana nga pagkain nalang siya para kapag tumitig ako sa kaniya mabubusog agad ako! " wika ni Thierce.

"Manang mana ka nga sa akin anak! " konsente ni Carlos.

Sa side ni Yessa.
" My Yessa, galit ka pa rin ba sa kaniya? " baling kay Thierce.

" Mama, hayaan muna siya!" tugon naman ni Yessa.

"Yessa anak, magbati na kayo ni Thierce saka hindi pa siya kumakain, oh! " wika ng papa niya.

" Papa, na uncrush ko na po siya! " wika ni Yessa.

Mapapayuko na lamang si Thierce at hahawak sa mama niya .

" Okay, lang yan. Thierce ko. " comfort sa anak.

Sasali sa usapan Si Yhuan.
" Ano kaya kong pag usapin natin silang dalawa! " suggest nito.

" Oo nga, no! "sang ayon ni Carlos.

" Thierce and Yessa, mag usap kayo mamaya. Dapat pagbalik namin galing ng hacienda magka ayos na kayo! " ani Nathane.

" Okay, po papa!" sang ayon ni Yessa.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon