Chapter 63 (Sweet Care)

607 18 1
                                    


   
Sinundan ng tatlong magkakapatid ang mga babae kanina.
Panay ang sunod ng mga ito habang nagbabasa ng mga libro at kunware ay may hinahanap ang mga ito.

Hanggang sa makarating ang mga ito sa Room ng Bussines Management.
Papasok ang tatlo at uupo.

" Kuya Dierce, ibigay muna." tulak ni Thierce sa kaniya.

" Ano ba kayo? Sandali. " tayo nito ng maayos at tamang hawi ng buhok sabay porma.

" Siguraduhin mo lang na mapapansin ka. Kundi babatukan ka namin." banta ni Fierce sa kapated niya.

Ayan na si Dierce, pormal itong lalapit sa babae na pumasok sa room nila.

" Hi Jenny! " bati ni Dierce.

" Ayie. Si Jenny, oh! " tili ng mga kasama nito.

Tatayo si Jenny at yuyuko. " Hi Señorito." wika ng may paggalang.

" Can I talk for a minute? " wika ni Dierce.

Sa kabilang side ng room.
Ibinigay ni Dierce ang love letter niyang ginawa sa dalaga.

" Para sa akin? " pagtataka ng dilag.

" Oo, para sayo. Eh, kanino pa ba? Ikaw lang naman ang nagmamay ari ng puso ko." tugon ng pagtatapat ni Dierce sa dilag.

" Señorito, nagkamali ata kayo. Hindi ako karapat dapat na bigyan ng love letter dahil hindi ako nararapat sa inyong pagtingin." wika ng babae bago umalis.

" Sandali, sa tingin mo ba hindi ka nababagay sa isang tulad ko? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako tatanggapin? Jenny Medez nang senior high Department, from now on, you will be mark as my property. " wika ni Dierce sa dilag..

Walang nasabi ang dilag sa mga sandaling iyon kaya napatakbo na lamang ito papaalis sa Business Room.

Sa seat ng tatlo, " When kupido hits you! " tapik ni Fierce sa balikat ng kapated.

" Mukhang, mahuhuli na naman ako." parinig ni Thierce sa mga kuya niya.

" Pangatlo ka remember? Kaya ligawan muna si Yessa bago pa may makauna." ani Dierce.

" Break time na pala. " puna naman ni Fierce sa relong suot.

Sa may Canteen.
Pumasok na ang tatlong kamnbal sa Canteen at nagtitilian na naman ang mga girls.

" Kuya, wala naman sila dito." hanap ni Dierce sa mga dalaga.

" Alam ko na kung saan pumunta ang mga iyon? " sabat ng kuya nila.

" Oo nga no. Mga scholarship pala ang mga iyon. So sa halip na sa canteen ang punta, nasa library ang mga iyon." ani Dierce.

Tumungo ang tatlo sa library room.
Isang hudyat lang ang pinakawalan ni Fierce at nagsialisan ang mga naroon sa library. Maliban sa dalawang dilag na nasa bookshelf na naghahanap ng libro.

" Jerimy Mabini, " tawag sa kaniya ng isang binata.

Mapapalingon ito, " Anong ginagawa niyo dito?" usisa ni Jerimy.

" Sis, ito na." labas naman ni Jenny sa kabilang banda habang hawak ang Math na libro.

Magkakatinginan ang apat samantalang si Thierce ay naka abang sa pintuan ng library.

" Mamili kayo! Recess or Offense Slip?" labas ng red slip ni Fierce habang nakacross arm si Dierce.

" Aba! Hindi pwede iyan. Kahit supreme council kayo, wala kayong karapatan na disturbuhin kami sa pag aaral." pasumbat na wika ni Jerimy.

" Fine! " tugon ni Fierce habang nagsusulat sa offense slip.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon