Chapter 52 (A new lovestory)

1K 34 1
                                    

Matapos ang pagbonding sa Hacienda ay nagsibalikan na Mansiyon ang mag asawa kasama ang pares-pares nilang mga anak.

Naghanda ng isang masarap na meryenda si Mia.
" Fierce, may ginagawa ka ba? " tanong nito.

" Wala naman ma! "

" Puwede mo bang dalhan sina Mang Ben ng meryenda sa Rose Garden!"

" Sige ho, Ma! " sang ayon nito.

Binalutan ng meryenda at inilagay sa isang tray.
" Ma, pwede ko ba isama si Maria Carllotta?" paalam ni Fierce.

" Oh, Maria Carllotta! Sasama ka ba sa kuya mo? " usisa sa anak.

" Sandali lang! " tugon nito.

Habang naglalakad ang dalawa papasok sa rose garden.
" Kuya, diba may anak si mang Ben, babae yun ehh! Saka maganda daw! " pa alam sa kuya.

" Ah, iyon ba yung? Babae na panglalaki ang pangalan!" saad nito sa kapated.

" Kuya naman. Ang bad mo talaga sa kaniya! " ani Maria Carllotta.

" Anong bad? Naiinis ako sa pangalan na iyon, eh! Ang ganda-ganda tapos panglalaki ang pangalan! " saad nitong pabato na tugon sa kapated.

" Kuya, baka marinig ka ni Mang Ben nasa Rose Garden na kaya tayo! " paalala sa kuya niya..

Nagsihintuan sa pagcucutter ng mga rose ang mga manggagawa at sabay-sabay na ibaba ang sumbrerong nakasuot.

" Magandang umaga señorita Maria Carllotta at Señorito Fierce. " bati ng mga ito.

Maglalatag mg tela si Fierce sa isang lilim at tatawagin ang mga manggagawa.
" Magmeryenda ho muna kayo!" tawag niya sa mga ito.

Inilapag naman ang dalang juice ni Maria Carllota na nasa kahon.
" Nandito ho iyong panulak niyo! " bukas nito.

" Mang Ben, meryenda ho! " alok ni Fierce..

Isa-isang binigyan ang bawat manggagawa.
" Ano ubos na, Kuya? " usisa nito.

" Oo, teka? Nabigyan muna ba sila lahat?" usisa sa kapated.

" Oo, Kuya. Nandoon pala iyong anak ni Mang Ben. " turo nito sa kuya.

" Ano naman ngayon? " pabato nitong tugon.

" Kuya, ang bad mo. Hali ka nga." dala sa kaniyang kuya sa kinauupuan ng anak ni Mang Ben.

Babatiin ito ni Maria Carllotta.
" Hi, ate Jerimy. Puwede maupo sa tabi mo? " aniya Maria Carllotta.

" Pero, Señorita!" tutol nito.

" Ano ka ba, Ate. Okay lang naman kay mama na makipagkaibigan ako, eh! Di ba kuya? " pasang ayon ni Maria Carllotta.

" Bahala ka diyan." wika ng kuya niya.

" Ang bad mo talaga..Umupo ka nga rito, Kuya." paupo sa tabi niya.

" Itigil mo nga itong kalokohan mo." bulong niya sa kapated.

" Kuya,itigil mo din yang kasungitan mo! " katwiran nito.

" Nag aaway ba kayo, Señorita at Señorito? " usisa ni Jerimy.

" Hindi! " sabay nilang tugon.

" Ate, ano ba yang ginagawa mo? " usisa ni Maria Carllotta.

" Ina-ayos ko kasi yung research namin." mahina nitong tugon.

" May research bang ginagawa sa cellphone!" saad na sabat ni Fierce na mukhang naiinis.

" Kuya, ang bad mo." palo sa kuya niya.

For Sale: Virginity (FILIPINO VERSION) Book 1 - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon