Prologue

65 14 2
                                    

"Nananaginip ka pa ba?"

"Oo naman, sino bang hindi nananaginip?"

"Meron." sagot niya.

"Oo nga pala," tumawa lang ang lalaki dahil sa mukha ng babae.


"Anong klaseng panaginip ba ang gusto mong matupad?" tanong ng lalaki.

Nakahiga sila sa damuhan habang pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng mga nagkikislapan na bituin.


"Syempre yung kasama ka" sagot ng babae. Napangiti naman ang lalaki roon.


Tumayo siya at nilahad ang kamay niya para sa babae.


"Aanuhin ko 'yan? Kaya kong tumayo mag-isa." masungit na sagot ng babae. Pinabayaan lang siya ng lalaki magsungit, nakalahad pa rin ang kamay.

"Take my hands, Let's capture those dreams together"

All Captured Dreams (A Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon