Chapter 33

11 9 1
                                    

Nasa clubhouse sila ngayon para magswimming. Nasa kalagitnaan kasi sila ng bakasyon at mainit kaya kailangan magpalamig ng mga bata.

Nanonood lang si Alyanna ng palabas sa t.v, palagi niya kasing inaabangan ito habang mga kapatid niya at isang kaibigan ay naglalaro na sa may pool.

"Dapat mahulog ka rin! Nagkagusto ako sa'yo kaya dapat ikaw rin." rinig niyang sabi noong pinapanood niya. Nagtataka siya bakit kailangan may mahulog sa dalawa.

Nang matapos yung pinapanood niya, dali-dali siyang pumunta sa pool. Nakita niya roon si Vance na nakapangswimming na pero para bang may inaantay. Tumabi siya ng upo rito. Lumingon naman ito ng tingin sakaniya.

"Ayaw mo pa magswimming?" nauna siyang magtanong. Medyo nakatalikod kasi ito sakaniya dahil nakaharap ito sa pool, pinapanood yung ibang bata.

"Ayaw ko pa." humarap ito sakaniya, "Inaantay kita, eh. May ibibigay ako."

Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi nito. May ibibigay ito? Sakaniya? Hindi naman sila magkasing- close tulad ng closeness ng kuya Dion niya at ni Vance.

Lumapit ito sakaniya at may inipit na puting bulaklak sa tenga niya. Alam niya 'tong mga ganito, napapanood niya ito sa t.v. Ningitian siya ni Vance, hindi siya makangiti pabalik dahil nag-aalangan siya.

'Dapat mahulog ka rin!' 'yan ang patuloy na naririnig niya sa utak niya. Binigyan din kasi ng lalaki ng bulaklak yung babae. Parehong-pareho sa nangyari sakanila ngayon.

Tumayo siya nang walang sinasabi kay Vance kaya sumunod ito sakaniya. Alam niyang susunod ito sakaniya kaya sa bandang pool siya huminto para kapag nahulog ito, sa tubig naman.

"Don ka nga!" napalakas ata ang pagtulak niya kaya napaupo muna ito sa sahig dahil sa pagkadulas bago mahulog sa pool.

Napaiyak siya nang makita 'yon, naramdaman niya ang sakit non. Lalong lumakas ito dahil tinatakot pa siya ng kapatid niya. Hindi na niya natignan si Vance.

"Mama si Alyanna tinulak si Vance sa pool!" sigaw ni Dion na tumatakbo na papunta sa mama niya.

Sumunod naman si Alyanna sa kuya niya na maiyak-iyak na. Hindi niya alam kung anong ginawa niyang mali para isumbong siya ng kapatid niya. Sinunod lang naman niya na dapat mahulog din.

"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong ng mama nila. Pinunasan nito ang mukha niya at sinamaan ng tingin si Dion na tawa nang tawa.

Matinding pag-aalala ang nararamdaman ni Alyanna para kay Vance. Hinanap ng mga mata niya si Vance pero hindi niya nakita kaya lalo siyang nag-alala.

"Ayos lang si Vance. Marunong lumangoy 'yon. Bakit mo ba kasi tinulak?"


"Hindi ko alam" umiyak na naman siya. Lalo lang siyang tinawanan ng mga kuya niya.

May tumapik sa balikat niya, napatingin siya dahil basa ang kamay nito. "Huwag ka na umiyak, ayos lang ako."

"Sorry," ulit niya nang nakayuko, narinig niyang tumawa si Vance kaya napatingala siya rito.

"Okay nga lang. Huwag ka na mag-alala." ginulo nito ang buhok niya habang tumatawa.

Nagkaroon siya ng ibang pakiramdam dahil doon. Nagsitaasan yung mga balahibo niya. Bumilis ang tibok ng puso niya na nararamdaman niya lang kapag pumupunta sila ng doctor.

Araw-araw nagsusulat siya sa diary niya kung anong ginagawa nila ni Vance kada araw. Maganda ang pagkagawa noon dahil maraming laman na mga salita atsaka may mga picture pa.

Sinulatan niya 'yon hanggang sa magpasukan at umalis si Vance. Ilang gabi siyang umiiyak at malungkot. Marami naman siyang nakikilala sa school na bagong tao pero iba pa rin si Vance para sakaniya.

Nakilala niya si Jemima, Lianne at Cedric. Marami silang ginawang ala-ala kaya unti-unting lumalabo ang mga alaala niya. Hanggang sa nahumalig siya sa k-pop at tuluyan na niyang nakalimutan.

"Ilagay niyo sa mga box yung gusto niyo i-donate sa mga bata tapos sa plastic box yung ibebenta." agad naman nilang ginawa yung utos ng mama nila. Kaniya-kaniya silang ligpit ng mga gamit.

Matagal nang pinagsama sama ni Alyanna lahat ng mga lumang libro niya para may lalagyan lahat ng k-pop merch niya. Mga damit na lang ngayon ang aasikasuhin niya.

"Uy, ano 'to?" napatingin siya sa kuya Dion niya na may hawak na notebook. Hindi niya pinansin ito at patuloy lang sa pagtupi ng mga damit.

Nagpatuloy lang siyang magligpit. Hanggang sa narinig niya ang kuya niya na tawa nang tawa. Curious siya kung anong binabasa nito na dating gamit niya pero baka wala lang 'yon.

"Akin na 'to, ah!" sambit ng kuya niya. Tumango lang siya kahit hindi niya alam kung saan gagamitin nito ang mga lumang gamit niya.

"Aanuhin mo 'yan?" tanong niya nang matapos na siyang magligpit. Ningitian lang siya ng kuya niya, isang mapanlokong ngiti.

"Wala lang,"

"Kuya, I've been seeing that smile since I was little and hindi nakakatuwa mga ginagawa mo."

"Matutuwa ka, promise." tinaas pa nito ang kamay niya para kunwari nangangako "Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Gusto mo sagot?" tanong niya pabalik.

"Huwag na." tumawa uli ito. Tumalikod na ito para lumabas kaso umikot uli paharap sakaniya.

"What?"

"Ibibigay ko rin 'to sayo in the future para naman aware ka."

"What?! Seryoso ba 'to????" napahawak ako sa ulo ko, hindi ako makapaniwala na ginawa ko 'to noon. Ganon ba talaga kabilis mawala memory ko?

"Ikaw, ah. Crush mo pala ako, hindi ka nagsasabi. E'di sana mas maaga ako nakauwi." my jaw dropped. Ito na nga ba sinasabi ko, aasarin na ako. Help.

"Shut up." narinig ko siyang tumawa. Hinila niya ako sa bewang uli saka hinalikan gilid ako sa cheeks. Napaupo tuloy ako sa lap niya. Nakakailang andito si kuya.

"Iwan ko na kayo, Merry Christmas uli." maybe he felt awkward din. "Ay, check niyo yung nasa last page. Ang sweet ni Alyanna. Goodnight."

"Cute naman ng lovestory natin." I said. He didn't respond instead he kiss my lips since magkalapit na face namin. I'll suggest palang sana if titignan niya ba yung nasa last page kasi pati ako curious.

"When I left, there's a part of me that always remember you. Since then, it's always you."

I didn't manage to respond because he's kissing me again.

It feels like a dream. A dream come true.

My only dream is to see you again

All Captured Dreams (A Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon